Kabanata 3 - Boses

29 2 0
                                    

[ Chapter 3 ]

Voice

"Halika Apo at dadalhin na kita sa magiging kwarto mo." sumunod naman ako kung saan papanhik si Lola. Sinama ko na din yung ibang gamit ko para konti nalang mamaya ang aayusin ko.

"Medyo madumi pa, pero lilinisin ko 'yan mamaya." dagdag pa niya ng mabuksan na ang isang pinto dito, as usual, gawa padin sa kahoy at feeling ko mas maganda pa yung kwarto nila Yaya sa Manila.

Hindi nalang ako umimik at tumuloy sa loob. Simple lang naman yung itsura, may kamang gawa sa kahoy tapos may dati ng nakalatag na banig, buti nalang at inimpake din ni Yaya yung comforter ko, atleast may magagamit ako.

May cabinet, isang maliit na mesa kasama ng upuan sa tapat ng bintana, and that's it. Wala ng iba. Tanging tanawin lang ay puno at malawak na taniman, di ko aakalaing dito ako babagsak after all. Malayong-malayo sa lugar na nakasanayan ko.

"Sandali lang apo at kukuha ako ng walis." sabi niya na tinanguan ko naman.

Pagkalabas niya ay doon na naman ako nagmuni-muni. What will I gonna do here sa loob ng ilang buwan? Or should I say for years? Ugh! I think dito na ako mamamatay.

Dinukot ko nalang yung phone ko sa bulsa para sana tawagan si Aver, pero napamura nalang ako ng makita kong walang kahit na anong signal dito. Fuck this! Ito na nga lang pagkakaabalahan ko tapos pinagkait pa talaga sakin?! Oh come on!

Nagpigil nalang ako ng inis dahil baka pag nagwala ako dito ay gumiba yung kamang kinauupuan ko. Kalma Marikit, baka hindi kapa pakainin ng kamote ng Lola mo kapag nagwala ka dito, nagugutom kana remember?

Huminga nalang ako ng malalim, mabuti nalang at tahimik dito dahil baka lalo pa akong matriggered kapag may naririnig akong ingay.

"Apo, tumayo ka muna diyan at lilinisin ko itong kama mo." tumayo naman ako at napahalukipkip sa gilid habang pinagmamasdan yung ginagawang paglilinis ni Lola.

Okay fine, nakokonsensya na ako.

"Lola, ako na diyan. Magpahinga kana muna." I said while I took the broom in her hands.

"Apo---"

"Ako na Lola. Wala din naman akong gagawin, kesa naman sa tumunganga lang ako sa gilid." putol ko sa sasabihin niya at sinimulang linisin yung kwarto.

Habang naglilinis ako, ramdam kong nasa akin yung atensyon ni Lola. "Akala ko Apo ikaw ay hindi sanay sa mga gawaing bahay. Grabe naman kasi kung maglarawan ang iyong Ama sayo." napatigil ako sandali.

"Wala akong magagawa Lola kung ganon ang tingin sakin ni Dad. Alam niyo namang palagi silang busy ni Mommy sa trabaho at negosyo nilang dalawa, kaya nga napapabayaan na ako doon." tugon ko saka pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Binalot kami muli ng katahimikan sa lumipas na ilang oras. Hanggang sa pawisan nalang ako pagkatapos kong maglinis, and this was the first time na ginawa ko ito sa tanang ng buhay ko. Buti nalang talaga at pinapanood ko noon si Yaya maglinis sa kwarto ko, kaya kahit papano ay may alam ako sa paglilinis.

Nilagay ko lahat sa labas yung ginamit kong equipments bago ko kinuha yung ilan pang gamit na natira kanina sa sala.

"Apo maiwan muna kita at aahunin ko lang yung kamote sa kusina." wika ni Lola saka umalis sa harapan ko.

Pagkaupo ko sa kama ay pinagmasdan ko yung loob nitong kwarto. And thank God, medyo umaliwalas na yung athmosphere, nakulangan lang talaga ito sa linis.

Sinimulan ko na din yung pag-aayos ng mga gamit ko. Nilagay ko lahat yung pambahay kong damit sa cabinet, habang yung pang-alis ko naman ay pinanatili ko lang sa loob ng maleta, baka kasi madumiham, dagdag gawain lang kapag nagkataon.

Nuestra PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon