Kabanata 8 - Kasama

27 2 0
                                    

[ Chapter 8 ]

Companion

Tulala lang ako habang naglalakad pauwi ng bahay. Medyo natagalan pa kasi ako doon sa tapat ng mansyon na yun dahil umatake na naman itong sakit ko na 'di ko maipaliwanag kung anong sanhi.

Palubog na ang araw at nakakasalubong ko na din yung ibang estudyanteng nag-uuwian mula sa kanilang paaralan, ganun din ang mga nagtatrabaho sa bukid. Bahagya pang nanlalabo ang mga mata ko ng may makasalubong akong isang tao.

"M-Marikit?" kumurap ako ng ilang beses ng may tumawag sakin. Kinumpirma ko muna kung sino yun, baka mamaya ay nag iilusyon na naman ako.

"A-Anthony?" ngumiti naman siya sabay ayos ng suot niyang uniform, kahit galing siyang school, hindi siya haggard tignan.

"Buti naman at naaalala mo pa ako. Nga pala, saan ka galing? Pansin ko sa malayo palang ay medyo matamlay kana, ayos kalang ba?" tanong niya sabay hawak sa balikat ko, bahagya pa akong nagulat sa ginawa niya.

Sinundan ko yun ng tingin sabay balik din ng atensyon sa kanya. Nahalata niya sigurong nagulat ako sa ginawa niya kaya napaayos naman siya ng tayo sabay iwas ng tingin. Umubo pa siya ng bahagya.

"U-Uhm, may pupuntahan kaba? Hindi naman dito yung daan pauwi sa bahay ni Lola Elena." pag-iiba niya ng topic na nakapagpabalik saking wisyo, what?!

"Ah? M-May, ano kasi---" napansin niya siguro na parang wala ako sa sarili.

"Halika na, ihahatid na kita sa bahay niyo. Tutal wala din naman akong gagawin." kusa niya nalang akong hinawakan sa pulsuhan at hinila sa kung saan.

Ganun na ba talaga ako kalutang para hindi matandaan yung daan pauwi? Damn, bakit ba nagiging makakalimutin ako?

***

"S-Salamat," mahinang tugon ko sa kanya ng maihatid niya ako sa tapat ng bahay ni Lola. Di ko man aminin pero ng mga sandaling kasama ko si Anthony ay para akong nakampante, siguro ay dahil lang ito sa nararamdaman ko ngayon.

"Walang anuman Marikit. Basta, huwag kang mahihiyang humingi sakin ng tulong kapag may kailangan ka." kumikinang pa ang kanyang mga mata habang nagsasalita.

"S-Sige, uhm, pasok na ako---"

"Apo?" napatingin naman ako kay Lola na kakarating lang din dito sa bahay, nagmano naman sa kanya si Anthony.

"Kaawan ka nawa ng Diyos." tumingin naman sakin si Lola na para bang nagtataka sa nangyayari ngayon. "Ikaw Apo? Anong ginagawa mo dito sa labas?" nagkatinginan pa kami ni Anthony.

"A-Ah, wala po kasi akong magawa dito sa loob ng bahay nung umalis ka Lola. Kaya napagdesisyunan kong lumabas muna." sagot ko naman kaya tumabi naman sakin si Lola.

"Oh sige Anthony, maaari ka ng umuwi ng bahay niyo, maraming salamat sa paghahatid mo sa Apo ko." napangiti naman siya sakin.

"Wala yun La, sige ho, mauuna na ako." huling wika niya bago tumalikod samin.

Napabuntong hininga naman ako sabay naglakad patungong sala. Pabagsak pa akong umupo sa botaka at doon nakaramdam ng ginhawa.

"Ayos kalang ba Apo? Mukhang matamlay ka ah," naramdaman ko naman ang paghipo ni Lola sa noo ko habang nakapikit ako.

"Wala 'to Lola, pagod lang ako." palusot ko pa saka idinilat ang aking mga mata.

Sinuri naman ako ni Lola sa pamamagitan ng kanyang tingin, kaya napaiwas naman ako.

"Nga pala, ayos na po ba yung requirements ko? Pwede na daw po ba akong pumasok?" sunud-sunod kong tanong kaya napaayos naman ng tayo si Lola.

"Oo Apo, saka yung uniform mo, ipapadala nalang nila dito sa bahay. Sinabi ko na naman yung sukat mo." napatango naman ako sabay tayo para pumuntang kusina, ramdam ko naman ang pagsunod sakin ni Lola.

Nuestra PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon