Kabanata 10 - Pamilyar

24 2 0
                                    

[ Chapter 10 ]

Familiar

Napaupo ulit ako sa sofa ng malinaw kong narinig ang mga salitang binitawan niya kanina habang nakatalikod ako.

"W-What do you mean?" mahinang tanong ko saka unti-unting nag-angat ng tingin sa kanya.

Halata ding nagulat siya sa kanyang sinabi kaya ngayon ay hindi alam ang idadahilan sa akin. "Anong ibig mong sabihin na matagal mo na akong kilala? Bakit? Did we already met before?" napalunok siya saka pilit na nilalabanan ang nanunuri kong mga mata.

"Jang, answer me." mariin kong sambit na mas lalong nakapagpafrustrate sa kanya.

Dinig na dinig ko ang mabigat niyang paghinga, napakagat ako saking labi bago ininom yung huling patak ng juice sa baso.

"You're confusing me Jang." salubong ang kilay ko habang pinagmamasdan at hinuhuli ang bawat reaksyon na mailalabas niya.

"Yes, accounting is too hard to understand, pero mas mahirap ka intindihin. Ang gulo mo," napakamot nalang ako saking ilong saka muling tumayo kaya napatingin ulit siya sakin.

"Aalis na ako, bukas nalang ulit." bored kong paalam saka dire-diretsong lumabas ng kanilang bahay ng hindi hinihintay ang kanyang sagot, mukhang wala din naman siyang balak sagutin ang tanong ko.

Pumasok na ako sa bahay ni Lola, di ko na muna inintindi kung nasaan siya, gusto ko muna kasing magpahinga kasabay ng paggawa ng ilang notes ko. Masyado na din kasi akong nahuli sa discussion, lalo pa't nasa 2nd sem na, ang hirap pa namang maghabol.

Binagsak ko na yung bag ko sa kama at hinubad ang uniform ko, agad ko 'yong pinalitan ng pambahay na damit. I only wear oversized gray shirt with maong shorts inside.

Naglinis din muna ako sandali dahil feel na feel ko na madaming alikabok ang dumikit ngayon sa mukha ko.

Tinali ko nalang yung buhok ko ng bun bago dinampot yung bag ko at nagsimulang magsulat sa table na nandito sa kwarto ko.

Medyo mahangin din kasi malapit na maghapon, pumapasok yun sa bintana ko kaya nakakarelax.

Tumagal pa ako sa pagsusulat hanggang sa mag-ring yung phone ko. Naalala kong hindi pa pala yun nakacharge, kinuha ko yun at tinignan kung sino yung tumatawag.

I smiled when I saw my bestfriend name calling.

Binitawan ko yung hawak kong ballpen saka sinagot siya. "Hello Aver!" masiglang bati ko saka humilata sa kama.

[ Omg Hello Marikit! I miss you so much, ] napangiti nalang ako saka nilagay sa video call yung tawag niya sakin.

"I miss you too," nakangusong sagot ko kaya napatawa naman siya at halatang naiiyak siya sa kabilang linya.

[ Miss ko na pumuntang mall with my bestfriend in crime, saka miss ko na ding mangdekwat ng make ups. ] naningkit naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Oo bitch ang attitude natin, pero never tayo nanguha ng hindi satin. We can buy everything remember?" labas sa ilong na tugon ko na nakapagpahagikgik sa kanya, we never stole  lipsticks in the mall, I know she's just kidding.

[ HAHAHAHAHA! Just kidding Marikit, anyway, anong ginagawa mo ngayon diyan? ] nilapag niya yung kanyang phone sa vanity table niya, namiss ko tuloy bigla ang akin.

"Eto, nagsusulat ng notes nung tumawag ka. Medyo nahuli na din kasi ako sa lessons---"

[ Oh my damn Marikit! Is that you?! ] pang-aasar pa niya kaya sabay kaming natawa.

"Yes Aver. I need to change my way of studying, kailangan ko kasing patunayan kay Dad na hindi ako nababagay dito. You know me, I'm a plastic. Bait-baitan, aral-aralan kahit hindi naman." biro ko pa at napairap saka muling bumalik sa pagsusulat habang nakacall kaming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nuestra PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon