Kabanata 2 - Kakaiba

35 2 0
                                    

[ Chapter 2 ]

Strange

"D-dad, please! Don't do this to me!" kanina pa ako nagmamakaawa kay Daddy na wag niyang gawin yung sinabi niya sakin kanina, but I think buo na ang desisyon niyang palayasin ako dito sa mansyon.

"D-daddy, promise! Magtitino na ako---"

"Stop dropping those fake promises of yours, Sianvela." mariing tugon niya na nakapagpatigil sakin.

Pabagsak niyang sinara yung compartment ng sasakyan saka ako hinarap. "Tell me, how could I believe you kung sa una palang ay hindi kana talaga tumutupad sa usapan?" natahimik ako.

"Nung una, ganyan na ganyan din yung sinabi mo sa akin. Nangako ka din sa harapan ng iyong Ina, pero anong ginawa mo? Kinaumagahan nung araw na 'yon ay gumawa kana naman ng kahihiyan! Nanunog ka ng sasakyan! Namahiya ka ng kaklase mo! Nakipag-away ka na para bang hindi ka babae!" sobrang natatapakan na ang pride ko sa mga binibitawang salita ni Dad.

"Tapos kagabi lang, nabalitaan kong nakipag-away kana naman sa party na pinuntahan mo! Kung hindi pa kami tinawagan sa gitna ng bussiness meeting namin sa Manila Bay, hindi kapa namin makukuha doon sa gulong pinasok mo!" napayuko nalang ako at hinayaang bumagsak ang mga luhang matagal ng naipon sa mga mata ko.

Napahikbi nalang ako saka wala sa sariling lumuhod sa harapan ni Dad at doon nagsimulang magmakaawa na bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon.

"D-dad I promised! I will do everything, magbabago na ako, hindi na ako gagawa ng gulo at makikipag-away. Just don't do this to me," iyak pa ako ng iyak habang hawak siya sa kamay.

"Kahit na gumulong-gulong kapa sa harapan ko anak, hindi na magbabago ang isipan ko. Tumayo kana diyan at aalis na kayo." malamig ang pagkakasabi niya ng mga salitang 'yon.

Hinila niya ako patayo bago pinunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko. "Gagawin ko lang ito Sianvela para sa ikabubuti mo. At sana, sa araw na bumalik ka dito sa amin, ay bumalik na din ang dating ikaw." huling litanya ni Dad bago ako tuluyang iniwan sa labas.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko malaman kung ano ng iisipin ko. Kung kanino ako maglalabas ng sakit na nararamdaman ko. Ito naba yung sinasabi nilang karma?!

"Mam? Pasok na po kayo, aalis na tayo." tulala naman akong sumakay sa sasakyan at hinayaang umandar ito ng tuluyan.

Sandali kong pinagmasdan ang mansyon na kung saan ako tumira at lumaki ng ilang taon, cause I have no idea kung kailan ako muling makakabalik dito sa Manila.

Kinuha ko nalang yung phone ko sa sling bag at tinawagan si Aver. Nakailang ring pa yun bago niya sinagot. "H-hello?" basag ang boses ko ng magsalita ako.

[ Oh my g. Is that you Marikit? Bakit ganyan ka magsalita? May nangyari ba? ] halata ang pag-aalala sa kanyang pananalita.

"A-aver," muli na naman akong napahagulgol kasabay nun ang panginginig ng katawan ko, I want someone who will hug me tight and tell me that everything will be okay.

[ M-marikit? Anong nangyari? Tell me. ] ramdam kong naiiyak na din siya pero pinipigilan lang niya.

"I'm going to say my goodbye to you, k-kasi...hindi na kita makikita. At wala akong ideya kung kailan ulit ako makakabalik dito sa mansyon."

[ What?! Pinaprank mo na naman ba ako? Nako Marikit, I k-know magaling ka sa ganyan. Kaya please...tell me this is not true. ] lalo akong nahihirapang huminga dahil dumadagdag yung sakit na meron sa sistema ko.

"N-no. Hindi kita pinaprank. Totoo yung sinasabi ko. Pinadala na ako ni Dad ngayon sa province at doon na daw ako mag-aaral. Hindi din ako makakabalik ulit dito kung di ako magtitino kay Lola." para akong batang nagsusumbong ngayon sa kanya.

Nuestra PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon