Kabanata 9 - Kilala

20 2 0
                                    

[ Chapter 9 ]

Knows

Tahimik lang ako magmula ng makarating ako dito sa classroom. Kakaunti palang naman kasi yung students na nandito, tapos hindi ko pa kilala ni isa sa kanila, kaya talagang maa-out of the place ako dito.

Hinatid lang kasi ako kanina ni Jang sa tapat ng room na ito, hindi naman kasi kami magka-blockmates, nasa kabilang room siya. Kung pwede lang sana magrequest na lumipat ako sa kanila, kanina ko pa ginawa.

Ang kaso, hindi naman tulad sa school ko sa Manila na nagrereyna-reynahan ako. Tipong I can do whatever I want, ibang usapan na ngayon dito sa probinsya. And I promised to myself na hindi ko na sisirain ang imahe ko dito.

Dahil alam ko na once I've done a wrong move here, para ko na ding hinahayaang makulong ang sarili ko dito sa probinsya.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng magsimula ng mag-ingay ang room, napaayos ako ng upo at pinagmasdan ang paligid ko, nagsidatingan na pala yung iba ko pang kaklase na mas lalong nakapagpailang sakin.

"Hello," napalingon ako ng marinig ko ang isang boses ng babae. "Bago kalang dito?" nakangiting tanong niya, ang amo din ng kanyang mukha kaya di na ako nagdalawang isip na ientertain siya.

"Ah, oo. Transferee to be exact." napatango naman siya at nagulat nalang ako ng buhatin niya ang kanyang bag saka lumipat sa katabi kong upuan na bakante.

"Nice! By the way I'm Everleigh Zora Lozano, you can call me...EZ." naitikom ko naman ang bibig ko dahil bigla nalang nag-iba ang tono ng kanyang pananalita.

From calm voice to energetic tone! Hhmmm, I think we're gonna be friends.

"Uhm, I'm Marikit Czanei Sianvela Velez, just call me Marikit." nagtaka nalang ako ng mapanganga siya sakin.

"H-Hey,"

"Wew! Ang haba naman ng name mo. Wait, baka mangalay yung panga ko kakabigkas ng iyong pangalan kaya iisip nalang ako ng nickname mo," sandali pa siyang napaisip sabay hawak sa kanyang baba.

Natatawa nalang akong napailing sabay iwas ng tingin sa kanya. Nagulat nalang ako ng biglaan niya akong hawakan sa braso.

"Gusto mo Vela?" sandali naman akong napaisip sa sinabi niya, sinang-ayunan ko naman agad yun kahit na di ko naman talaga type yung nickname, baka mamaya maturn off siya kaagad sakin.

"S-Sure, you can call me, V-Vela." utal-utal kong tugon na nakapagpatawa sa kanya.

"Yun! Buti naman nagustuhan mo, willing naman sana akong palitan kung di mo nagustuhan." napaubo naman ako sa sinabi niya, what?! Pwede naman pala ugh! Bakit ko ba kasi pinangunahan na baka maturn off ko siya?

"Hindi, ayos na sakin yun." depensa ko naman na nakapagpatili sa kanya, napapatingin na tuloy samin yung iba naming kaklase.

"Aww, ang bait mo talaga Vela. Mabuti nalang talaga at nanotice kita agad, kaya heto may bago na akong kaibigan." pilit ko nalang siyang nginitian dahil talagang naiilang ako sa kanya, konti lang naman. Kakakilala ko palang kasi sa kanya at hindi ako sanay sa ganitong klase ng usapan.

Gusto ko trashtalkan.

Siguro madali naman siyang ma-B.I.

Inalog ko ang ulo ko saking iniisip.

Mabuti nalang at dumating na yung professor kaya nasabi niya sa buong klase na may transferee dito, walang iba kundi ako, pinatayo ako sa harapan para daw ipakilala ang sarili ko.

Tss, why do I need to do this? Uso pa pala 'to.

"Uh, h-hello guys. I'm---"

"Ano ba 'yan? Bakit ganyan siya magsalita? Para siyang natatae," natigil ako sa pagsasalita ng marinig ko yung binulong ng isang babaeng nasa harapan mismo, naiyukom ko ang kamao ko para ikalma ang sarili.

Nuestra PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon