[ Chapter 7 ]
Mansion
I only wear black denim jeans paired by plain white shirt. Kailangan ko kasing maging presentable tignan pagtapak ko sa school na pupuntahan namin ni Lola. Saka, kanina kinausap ko na din ang sarili ko sa salamin na hindi ko na sisirain yung pangalan ko from now on, oh gosh I think I'm slowly losing my sanity.
Kailangan ko kasing patunayan kay Dad na karapat dapat akong bigyan ng another chance. Na may maibubuga ako over my unwanted attitude, na maling ipatapon sa lugar na ito ang isang tulad ko. Ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ng business management, lalo na't graduating student na ako.
Tumayo na ako mula sa kama matapos kong isintas yung sapatos ko. Inayos ko na din ang pagkakatack-in ng damit ko bago dinampot ang brown sling bag na gagamitin ko for today.
Ngumisi pa ako ng masilayan ko ang itsura ko sa mirror, looks simple, but classy. Nagpabango pa ako ng favorite perfume ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Lola na ngayon ay bihis na bihis din. "Ano Apo? Ayos kana?" tanong niya na tinguan ko naman. Paglabas namin ng bahay ay dumiretso si Lola doon sa tricycle na nakita ko kaninang nakaparada sa harap, wait, diyan ba kami sasakay?
"Halika na Marikit, para makarating tayo doon ng mabilis." wala naman na akong nagawa ng hilain na niya ako papasok doon, and guess what, this was the first time na nakasakay ako dito, damn.
Ang hirap talaga 'pag nasanay ka na palaging nakakotse sa tuwing aalis ka.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay halos magdugtong na ang magkabilang kilay ko. Ang sakit kasi sa tenga nung tunog, nakakairita. Pero wala naman akong choice kundi magtiis, alangan namang mag isa akong pumunta, di ko naman alam kung saan ang school na pupuntahan namin.
If I'm not mistaken, mga kalahating oras yung tinagal ng biyahe namin mula sa bahay. So it means, ganun din kahaba ang oras ng pagbiyahe ko? Gosh!
Pagbaba namin ay dire-diretso lang si Lola, sinundan ko naman siya habang tinatanaw ang tatlong palapag na building na may nakasulat sa itaas na University of Cagayan Valley. Napaawang nalang ang labi ko ng makita ko ang paligid.
Maaliwalas at walang nakapaligid na iba. Malakas din ang hangin, may mangilan-ngilan ding estudyanteng naglalakad. Napatabingi nalang ang ulo ko nang makita ko ang uniform ng mga lalaki dito, sandali, saan ko nga ba 'to nakita?
"Apo? Kanina kapa nakatulala diyan, pinagtitinginan kana oh." napasinghap naman ako sa sinabi ni Lola. Tumingin ako at doon ko narealize na masyado ng naexpose yung pagmumukha ko sa kanila.
Iirap sana ako sa kanila pero naisip ko na dapat maging mabait na akong bata sa harapan nila, tsk.
Hinawakan na ako ni Lola sa pulsuhan saka hinila sa kung saan. Hanggang sa dumating kami sa isang opisina kung saan nakasulat sa isang maliit na board ang salitang Registrar's Office.
Napabuga ako ng hangin pagpasok naming dalawa ni Lola doon. "Good morning Sir." bati ni Lola doon sa lalaking may edad na. Nakaupo ito sa isang swivel chair at may isang babaeng nakaupo pa sa kabilang desk, mukhang ito ang kanyang secretary.
"Have a seat Madam." nakangiting tugon nito kaya naupo naman kami sa upuan na nakalaan para samin.
"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" tanong nung lalaki habang ngingiti-ngiting nakatingin samin, bigla naman akong naweirduhan sa inasta niya.
"Dito ko na kasi itatransfer ang Apo ko, 4th year college na siya at galing siya sa Maynila. At saka, kung maaari po bang sa susunod na linggo na siya papasok? Ipapadala pa kasi ng kanyang Ama yung mga requirements niya. Kaya, di ko pa maibibigay yung mga kailangan niyo." sagot naman ni Lola na nakapagpatango doon sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Nuestra Pasado
General FictionSa buhay natin, minsan niyo na ba napag-isipan kung ano ang meron sa ating nakaraan? Yung tipong mapupunta ka sa isang sitwasyon na talagang magbubuo ng madaming katanungan sa iyong isipan. Kaya bigla kana lang magiging mausisa, yung hindi ka titigi...