"IKAW NALANG SANA"

3.4K 26 6
                                    

Andami ko nang naging desisyon, desisyong aking pinagsisihan                            

Sa kadahilanang siya ang pinili ko kahit alam ko sa sarili kong hindi naman dapat

Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko para paniwalaan ang mga kasinungalingang kanyang pangako

Bakit kasi hindi ako nag-isip ng matiwasay noong mga panahong may pag-asa pa akong makapasok  sakanyang buhay

Bakit? Bakit kung kailan masaya na siya sa piling ng iba ay malalaman kong siya'y mahal ko pala


Ansakit, ansakit-sakit malaman na yung taong mahal mo pala ay may mahal ng iba

Pero mas masakit malaman na yung taong ipinalit mo sakanya ay lolokohin ka lang pala

Masakit dahil parang ikaw narin mismo ang nanakit sa sarili mo 

Dahil sa sarili mong katangahan, katangahang hindi matatambasan kahit sino


Masakit dahil binigay ko naman ang lahat, lahat-lahat na maging ang sarili ko ay nalimut ko na

Bakit kailanagn ko pang masaktan? Nagmahal lang naman ako ah?

Sabi nga nila diba  kung magmamahal ka masasaktan ka talaga?

At kung magiging masaya kaman ngayon, bukas malungkot kana

Dahil kakambal ng saya ang sakit at luha


Sayang mararamdaman mo pansamantala

Samantala yung sakit dadalhin mo saan ka man mapunta

Mga luhang aagos sa saaking mga mata sa tuwing ika'y aking maaalala

Mga luhang babasa sa mga unan na karamay ko sa tuwing wala ka


Ako'y nakatingala sa  sa magandang  kalangitan

Sa kalangitang puno ng mga bituin, mga bituin na gustong makamtan

NGunit alam kong ako'y hanggang tingin nalang

Umaasa at nagbabakasakaling ika'y aking mahahagkan


Ika'y  maihahalin tulad sa isang bituin na kung saan

Nagsisilbi kang liwanag  sa mundo kong puno ng kadiliman

Isang bituing napaka-imposible nang muling maging akin

Ngunit hindi ko alam ko bakit pa ba ako lumalaban


Kung bibigyan ako isang pagkakataon...ikaw nalang sana

Ikaw nalang sana ang pinili ko, sakaling ako'y naging masaya pa

Ikaw nalang sana, baka sakaling tayo'y magkasama pa

Ikaw nalang sana baka sakaling ako'y hindi na nasaktan pa


Ikaw nalang sana, baka sakaling hindi na ako nagsisi sa aking nagawa

Ikaw nalan sana baka sakaling tayo'y naging panghabang buhay na

Ikaw nalan sana baka sakaling hindi ako naging ampalaya

Ikaw nalang sana baka sakaling ako'y maniniwalang may forever nga


Mayroon lang akong gustong hilingin, sana maging masaya kana

Sana magmahalan kayong dalawa kahit ako'y nagdurusa

Huwag kang mag-alala dahil minamahal kita kahit minamahal mo siya

At gusto ko lang humingi ng tawad sayo at sakanya 


Patawad sayo mahal dahil binabalewala kita noong mga panahong ako yung mahal mo

At nagpakampante ako dahil alam kong ako yung mahal mo

Mahal patawad dahil hindi kita pinahalagahan nong ako pa yung prayoridad mo

Ngunit wala na akong magagawa kundi ang palayain ka upang maging masaya kayo


Pangako magiging masaya ako kahit sa loob ko ay nasasaktan ako

Magpaparaya ako kung siya na talaga ang mahal mo

Kaya kong tiisin ang sakit basta't makita lang kitang masaya kahit hindi na ako ang dahilan nito

Kaya't sana mahalin ka niya at hindi siya maging katulad ko


Katulad ko na naging tanga sa una at ngayon'y nagsisisi na

Sana hindi siya maging tanga upang malayain kapa

Sana mahalin ka niya higit pa sa pagmamahal ko saiyo na hindi ko napadama

Sana'y hayaan na kayo ni tadhanang maging masaya


Patawad sakanya dahil sa pagsukat ko ng tulang ito

Patawad dahil pinapatamaan pa kita kahit alam kong siya na yung mahal mo 

Patawad dahil pilit ko paring sinisiksik yung sarili ko sayo

Patawad dahil pilit ko parin kayong ginugulo, pero ngayon malaya na kayo


Hahayaan ko na kayo kung iyon  talaga ang gusto mo

Papalayain na kita kung iyon ang magpapasaya syo

Kung ito ang kapalit ng katangahan ko, magpapalaya ako

Sana'y maging masaya kana kahit wala na ako......




I hope you'll like it ;>




Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon