"HAWLA"

281 5 0
                                    


Ang mundong dati'y puno ng kaligayahan

Ang mundong may natatanging kapayapaan

Ang mundong may noo'y puno ng kaingayan

Ngayon nama'y puno na ng katahimikan


Tahimik ang akala ngunit hindi payapa

Akala nila'y maayos na ngunit hindi pa

Akala nila ang mga tao ay malaya na

Ngunit nananatili paring nakakulong sa hawla


Sa kulungang tila walang katapusan

Di alam kung paano ito lulusutan

At kung meron pa bang paraan

Wala paring sagot sa katanungan


Dahil sa panahong pagpasok ng pandemya

Lahat ng mga nakagawian ay nagbago na

Lahat ng mga nagagawa ay hindi na maaari pa

Mga bagay na saatin ay nakakapagpasaya


Paano nangyari ang lahat ng mga ito?

Ang mga ito ay dahil sa ating mga tao

Lalo na pag sa kalika'y walang respeto

Mga tao na siya ring may kasalanan nito


Mga kasalanang ngayo'y pinagsisisihan

Mga kasalanang atin nang pinagbabayaran

Na ngayo'y nagdudulot na ng kasawian

Dahil sa naghihiganti na ang inang kalikasan


Mga tao'y tila nasa loob ng kulungan

Nasa labas ngunit walang kalayaan

May nagagawa ngunit ito'y nalilimitahan

Upang makalabas tayo na't magtulungan


Mga tao ngayon nakakulong na sa hawla

Nagtatanong kung ito'y nararapan ba

Kung bakit ang mga ito ay nangyari pa

Edi sana mga tao ay nagsasaya na


Nagtatanong kung hanggang kailan kaya

Hanggang kailan ang pagkakakulong sa hawla

Isang hawla ngayon dahil sa pandemya

Hindi malaman kung kailan makakalaya


Sana lahat ng tao ay magtulungan

Huwag isipin sa kapwa ang maglaglagan

Dahil sa panahong ito hindi yan maasahan

Wala tayong mapapala magpapatuloy yan


Nagsasama-sama ang mga may kakayahan

Upang pandemyang ito ay atin nang malusutan

Kaya't lumaban tayo at huwag itong sukuan

Pandemya yan,Pilipino tayo, kaya natin yang labanan



-WAAAHHHHHH SINIPAG DIN^_^

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon