-Happy reading :)
Mga salitang kay dali mong binitawan sa aking harapan
Na tila napakadali para sayong bitawan ang ating nakaraan
Nang di man lang inalam kung ano ang aking mararamdaman
Nang di man lang inalam kung ako'y payag kang bitawan
Nong sandaling ako'y iyong iniwan, ako'y nalungkot ng lubusan
Kung makaluha tuwing gabi ay tila wala ng katapusan
Kung makasisi sa sarili ay tila ako lang ay may kasalanan
At kung tutuusin ay may kasalanan karin naman
Ayaw ko sanang banggitin ang mga pagkakamali natin isa-isa
Ngunit bakit lumalabas na ikaw lang ang biktima sa ating dalawa
Na tila lahat ng gawin ko ay mali at ang mga iyo ay laging tama
At kung makasisi ka tila ako lang ang nagkulang saating dalawa
Na tila hindi ka nag kulang na iparamdam ang iyong nadarama
Na tila pakiramdam mo ay ikaw lang ang nagmamahal sating dalawa
Ngunit dalawa ang tao sa isang relasyon, iyon ang aking naaalala
Kaya't paanong iyong naisip na ikaw lang ang nagmamahal saating dalawa?!
Sabi mo ay ayaw mo na dahil pagod ka na
Pagod na sa mga away nating walang kwenta
Sabi mo ayaw mo na dahil ika'y sawa na
Sawa na sa mga oras na hindi tayo magkasundong dalawa
Ayoko na, mga salitang pilit kong kinakalimutan
Dahil sa mga katagang binanggit mo noon saating nakaraan
Sinasambit nila'y tumingin na sa hinaharap, tuluyan kang talikuran
Ngunit hindi ko magaawa kahit pilintin kong ika'y kalimutan
Ngunit hindi ko magawa dahil mahal na mahal parin kita
Hindi ko magawa dahil hindi pa ako handang limutin ka
Ayokong sisihin ka dahil lang sa ayaw mona
Dahil lang sa, kaysa saakin ay may pinili mo siya
Nakipaghiwalay ka dahil sabi mo siya'y mahal mo pa
Pero tang*na ka bakit mo pa ako jinowa?
Para lang ipakita na nakapag move on kana?!
Para lang iparamdam sakanyang nakalimutan mo na siya?
Ito na nga siguro ang apnibagong batas
Ni hindi mo man lang ako pinalampas
At ginawa mo akong panakip butas
Kaya't ngayon naniniwala na akong walang patas
Ang hiling ko noong mga oras na yun ay ang lumakas
At nang ako nalang sana mismo ang kumalas
Sana'y hinintay mo malamang na ang nadarama ay lumipas
Baka sakaling ito ay mabigyan ko pa muna ng lunas
At kahit mahirap gagawin ang lahat upang ito'y matanggap
Ating mga pangarap na mananatili nalang sa ulap
Mga pangarap na kahit anong gawin ay hindi na magaganap
Mga pangarap na mabubuo nalang sa alapaap
Ayoko na, ang mga katagang ngayon ay nasambit na
Na nangangahulugang ako ay sumusuko na
Na nanganaghulugang handa na kong bitawan ka
At ngayon ay tanggap nang tayo'y tapos na
Ngunit hindi ibig sabihin na ika'y di na iniibig pa
Sa nangyari ngayon ay nabawasan ngunit di pa nawala
At hindi ibig sabihin nito na saakin ay hindi kana mahala
Ngunit sadyang ako'y pagod na kaya't AYOKO NA...
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryIba't ibang klase ng tula, mga tulang patungkol sa pag-ibig, sa kaibigan, pamilya at iba pa. Ang iba ay mga pangyayaring nangyari na sa totoong buhay at ang iba naman ay mga kathang isip lamang. Mga tulang magpapangiti at magpapa-iyak sainyo, maaari...