"Dating kaibigan"

1.2K 17 2
                                    

-Happy reading :)


Tumungtong tayo sa nakaraan, na ayoko nang balikan

Ayaw nang balikan, dahil sa masaklap nating nakaraan

Nakaraan nating kahit kailan ay hindi malilimutan

Nakaraan na ikaw at ako pa ang magkaibigan


Nakung saan walang sila pag tayo ang magkasama

Yung mga araw na sabay tayong mag-memeryenda

At ang kasabay nito ay ang malakas nating pagtawa

Dahil sa mga kabaliwang sabay nating ginawa


At marami pang mga ala-ala na mananatiling alaala nalang

Dahil ako'y iyong pinalitan, pinalitan ng bagong kaibigan

Ngunit bakit kailangang humantong sa ganitong tagpuan?

Na tila isa akong hangin sa tuwing ako'y iyong nadaraanan


At sa tuwing tayo ay nagtatagpo tila ako'y isang bagong kakilala

Kakilala na alam kong sa umpisa palang ay ayaw mo na

Na sa unang pagtatagpo ay isang pekeng ngiti ang nakita

Bagong kakilala ngaba? Oh sadyang ako'y nalimut na?


Nalimut na ba ang mga araw na ako ang tagapakinig sayong mga dinadala?

Nalimut na ang mga araw na ako yung nasa likod mo noong tinalirukan ka nila

Nalimut na ba ang mga araw na ako yung sandalan tuwing malungkot ka?

Nakalimut naba sa mga araw sa ako yung kasama sa tuwing nag-iisa ka?


Sa tuwing mag-isa ka, ako yung lagi mong kasama diba?

Sa tuwing lumuluha ka, ako yung sandalan mo diba?

Sa tuwing malungkot ka napapasaya naman kita diba?

Ngunit bakit siya lagi yung bukambibig mo kahit ako ang kasama?


Siya na lagi yung bida kahit iyon ay patungkol sating dalawa

Siya na lagi ang kasama mo sa tuwing tayo'y nasa eskwela

Siya na lagi ang nagpapasaya sayo na tila hindi ko 'yon nagawa

Hindi ko ngaba nagawa o sadyang hindi kalang nakontento talaga?


Ngayo'y sarili'y tinatanong kung may nagawa ba ako?

Kung ano 'yong mga bagay na hindi ko naibigay saiyo?

Kung ano 'yong mga na hindi ko nagawa para saiyo?

Kung ano-ano 'yong mga bagay na nagkulang ako?


Parang-awa mona sabihin mo, para hindi ako magmukhang tanga

Na sasalubong sa yakap mo na para sakanya naman talaga

Na kakaway sayo tapos 'yong kakawayan mo siya naman talaga

SIYA na kahit bagong kakilala ay nagin kaibigan mona


Ngunit kung siya na talaga ang pumalit ng pwesto ko sayo

Kung siya na talaga iyong taong makakapagpasaya sayo

Kung siya na talaga iyong taong mas hihigit sakin sayo

Wala akong magagawa kund palayain ka kahit ito'y dinudurog ako


Ngunit bago natin tapusin 'to, nais kong magpasalamat sayo

Salamat dahil kahit papaano ay naging masaya ako sa piling mo

Salamat dahil nandyan ka lagi kapag may problema ako

Ngunit lahat ay may hangganan kaya't paalam na sayo


Paalam na DATING KAIBIGAN sa mga araw na tayo yong magkasama

Paalam na sa mga alaala nating halos lahat ay masasaya

Paalam na sa mga kulitan sa tuwing tayo yong magkasama

Paalam na ...paalam na aking DATING KAIBIGAN



- 'yong iba dito ay totoong nangyari saakin sa iba't ibang tao na naging kaibigan ko at iyong iba naman ay mga kathang isip ko lang ....thank you.... :>>

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon