"KALASAG"

531 8 1
                                    


Tula para kay ama :>

-----------

Mula pagkasilang iyong nasilayan

Paglabas ko ka'y inang sinapupunan

Unang palahaw na iyak iyong nasaksihan

Sa iyong mukha makikita ang kasiyahan


Sa aking paglaki iyong sinubaybayan

Pati mga bagy na aking natuklasan

Mga bagong bagay na aking natutunan

At sa mga bagay na ako'y iyong tinuruan


Kahit minsan ay may di pagkakaintindihan

Kaya't di maiwasang ako'y mapagalitan

Maging ang damdamin ko ay nasasaktan

Mgumit walang magagawa kong iyong kagustuhan


Ama na sa kabuhayan ay maaasahan

Sa mga sakuna ay hindi kami pinapabayaan

Ang magustom ay hindi pinapahintulutan

Kapag may sakit kami'y inaalagaan


Amang tila isang kalasag na walang sawa nagproprotekta

Amang kasa-kasama at sa kalungkutan ay kasangga

Amang kapakanan ng anak ang laging inuuna

Amang napakaresponsable sa kanyang pamilya


Nabibigay lahat ng aming pangangailangan

Maging sa pagmamahal ay hindi nakulangan

Kaya't hindi makakaya kapag kayo'y lumisan

Sana ay tumagal pa an gating samahan


Hiling ko lang sana ang bisyo ay iwasan

Upang hindi humina ang iyong kalusugan

Hindi dahil sa ika'y aming pinagbabawalan

Bagkus ay para lamang sayong kabutihan


Kaya't alagaan ang sarili wag pababayaan

Lalong-lalo na ang iyong pangangatawan

Isali mo narin pati ang iyong isipan

Kasabay nito ika'y aming aalagaan


Salamat sa iyong walang sawang aruga

Kahit makulit kami, hindi parin nagsasawa

Pinapakitang kami ay mayroong halaga

Kahit na alam kong kayo'y pagod na


Kaya't sana sa pamilya ay walang sukuan

Kahit mahirap sama-sama paring lalaban

Dahil pagdating sa pamilya walang iwanan

At ang mga ito ay dahil sayong katatagan


Amang kahit mahirap kami ay maiintindihan

Amang kahit anong mangyari kami'y pro-protektahan

Amang kahit nahihirapan ay lagi paring lalaban

At kahit na anong mangyari kami ay laging aalagaan

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon