-ENJOY :)
Minsan ay mas pinipili nating mapag-isa
Dahil sa pangambang tuksuhin ng iba
Minsan ay mas pinipiling huwag magsalita
Takot na malaman nila ang nadarama
Minsan mas pinipili nating huwag banggitin sa iba
Sa takot na nadarama at sabihing ika'y nagda-drama
Minsan iniiwasan nating makisalamuha sa iba
Dahil baka malaman nilang malungkot ka talaga
Dahil sa nakikita nila sayo, ikaw ay malakas at maligaya
Ang di nila alam ay puros kasinungalingan ang kanilang nakita
Mga kasinungalingang pilit mong sila'y pinapaniwala
Dahil ayaw mong makita nila na ikaw ay talagang mahina
Mga saloobin na pilit mong nilulusutan
Mga saloobin na pilit mong kinakalimutan
Mga saloobin na pilit mong tinatakasan
Sa takot na baka damdamin ito ng lubusan
Mga katagang kanilang binitawan
Mga katagang pilit inuukilkil sa isipan
Mga katagang nanunuot sa kalooban
Mga katagang kailangan nang kalimutan
Walang may alam ng tunay mong nararamdaman
Walang may alam sa mga himutok ng iyong kalooban
Walang may alam na hindi kana talaga nasisiyahan
Walang may alam sa iyong tunay na kalungkutan
Walang may alam na sa kadiliman ika'y nakabara
Walang may alam na sa totoo ay ika'y nag-iisa
Walang may alam sa mga nakakubli sayong tawa
Walang may alam na peke ang ngiting kanilang nakita
Walang may alam na pagkatapus mong ngumiti ika'y lumuluha
Walang may alam na para sayo ang lakas ng tama ng kanilang mga salita
Walang may alam na sa tuwing ika'y nag-iisa ika'y nakatulala
Habang tinatanong mo sa iyong sarili ang iyong halaga
Ngunit ngayo'y napagtanto na ang pag-iisa ay napakadilekado
Delikado sa kadahilanang walang makakakita sayo
Delikado sapagkat wala nang dadamay saiyo
At walang makakaalam sa mga maaaring mangyari sayo
Delikado mag-isa lalo na kapag nawawalan kana ng gana
Pero mas delikadong mag-isa lalo na kapag nasasaktan ka
Dahil paniguradong may gagawin kang hindi tama
Na maaaring makasama sayo at baka ika'y mawala
Maaaring mawala ng walang nakakakita
Maaaring mawala ng walang nakakaalam ni isa
Maaaring mawala ng hindi man lang lumigaya
Maaring walang may alam na ikaw na pala'y namamahinga
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
ŞiirIba't ibang klase ng tula, mga tulang patungkol sa pag-ibig, sa kaibigan, pamilya at iba pa. Ang iba ay mga pangyayaring nangyari na sa totoong buhay at ang iba naman ay mga kathang isip lamang. Mga tulang magpapangiti at magpapa-iyak sainyo, maaari...