Walong letra, dalawang salita na nagsasabing malaya kana
At alam kong masaya kana kaya wala na akong magagawa
Kahit anong sigaw ng puso kong ipaglaban ka pa
Ngunit sigaw ng isip ko ay tama na, dahil ako'y pagod na
Pagod na dahil sa pagtrato mong nanlalamig na
Pagod na dahil sa relasyon nating tila mawawasak na
Pagod na dahil sa mga masasakit na katagang lumalabas sa'yong bunganga
Pagod na dahil sa away nating akala mo ikaw lagi ang tama
Hindi ko lubusang malaman kung ano ang susundin ko
Kung ang nagpapakatanga ko bang puso para sayo
O ang isip kong isinasaalang-alang ang mararamdaman ko
Siguro sa ngayon isip ko na muna ang kakampihan ko
Baka sakaling sa puntong ito ay makagawa ako ng desisyong tama
Desisyong maaring ipaglaban ka pa o tuluyan nang palayain ka
Ipaglaban ka dahil sa kadahilanang ika'y minamahal ko pa
Tuluyan nang palayain ka dahil may minamahal kanang iba
Kung ipaglalaban ba kita makokontento kana ba?
Kung ipaglalaban ba kita tayo kaya'y magiging masaya?
Kung ipaglalaban ba kita magtatagal kaya tayong magkasama?
Kung ipaglalaban ba kita ako'y ipaglalaban marin kaya?
Sapagkat napakahirap lumaban ng mag-isa
Lalo na't 'di mo alam kung may pinanghahawakan kaba
Hindi mo alam kung ipaglalaban karin ba niya
Hindi mo alam kung makokontento siya at di na maghanap ng iba
Handa na sana akong ipaglaban kang muli
Handa na sana akong makasama kang muli
Handa na sana akong malimut,mga nagawa mong mali
Pero siguro nga 'di talaga tayo ang nakatakda hanggang sa huli
Kahit anong gawin kung siya parin ang iyong pipiliin
Mas gugustuhin ko nalang na ika'y aking palayain
Kahit pa napakahirap at napaka sakit nito para saakin
Ngunit kung ito ay para sayo, akin nalang kakayanin
Kung saan ka masaya sususportahan nalang kita
Kahit na ang kapalit pa nito ay ang aking pagdurusa
Kung mas gugustuhin mong makasama siya
Pagbibigyan kita kahit pa ako'y lumuluha na
Kaya't ang araw na ito ay dumating upang mapagpasyahan
Ang napakasakit na desisyon na tuluyan kang pakawalan
Sapagkat iyon ang itinadhana sa relasyon nating napabayaan
Kaya't naniniwala na akong ang lahat ay mayroong hangganan
Mahal sana tuluyan ng makalimutan kita
Dahil mahal kahit ngayon mahal parin kita
At mas along mamahalin pa kahit nasasaktan na
At kahitmahal kita ngayon handa na akong palayain ka
-sorry natagalan sana manatili kayong nagbabasa nito, promise sisipagan ko na magsulat. LIKE,VOTE,COMMENT AND SHARE...THANK YOU :)

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryIba't ibang klase ng tula, mga tulang patungkol sa pag-ibig, sa kaibigan, pamilya at iba pa. Ang iba ay mga pangyayaring nangyari na sa totoong buhay at ang iba naman ay mga kathang isip lamang. Mga tulang magpapangiti at magpapa-iyak sainyo, maaari...