Kim Minju's POV
4pm na at nag aayos nako ng sarili ko. Mas lalo naman akong kinabahan. Nakakainis naman, bakit ba ganito ako kabahan?
Nang mag 4:30 na, nagpaalam ako kay manang na may kikitain ako saglit. Tumango naman ito at nag sabing mag ingat ako.
Nagpahatid nalang ako kay manong dahil tinatamad ako mag dala ng kotse. Di bale na, magtataxi nalang ako pauwi.
4:50 naman ng makarating ako sa nasabing Cafe. Tinignan ko naman ung loob non at nakita ko siyang nakaupo sa may tabi ng bintana.
Kanina paba siya?
Lumapit naman agad ako sakanya at napatingin siya agad sakin.
"H-Hi?" nautal pang sabi ko dito.
"Take a seat" sabi nito at naupo naman agad ako sa harap niya.
"Uh sorry nga pala sa kanina. Natakbuhan kita" sabi ko dito. Nakatingin lang ito sakin at di ko maiwasang mapatitig sakanya ang ganda niya.
"Okay lang. Here." sabi nito sabay lapag niya ng cellphone at wallet ko.
"Salamat" ngiti ko rito. Tumawag naman ako ng waiter at sinabi ung order namin.
"So, pano mo nakuha ung number ko?" tanong nito habang umiinom sa kape niya.
"Hindi ko din alam. Naalala ko lang tinatype ko ung number ni Yena unnie tapos ayun" nahihiyang sabi ko dito.
"Oh ganun ba. Next time if di mo kayang uminom ng mag isa. Huwag kanang tumuloy. Ang daming nakapalibot sayong lalaki kagabi hindi mo lang alam" sabi nito at seryosong tumingin saakin. Napalunok naman ako sa paaran ng pag tingin nito saakin.
"May kasama ako kaso ayun iniwan ako, pasensya na sa abala" nahihiyang sabi ko dito. Damn Minju nakakahiya ka talaga.
"It's okay. Uhm okay naba? Para hindi na tayo gabihin, may pasok pa kasi ako bukas." sabi nito.
"Ah oo. Salamat ha." sabi ko dito sabay ngiti. Ngumiti naman ito saakin.
"Thankyou ulit." sabi ko dito.
"You're welcome. May dala ka bang kotse or papasundo ka?" tanong nito.
"Ah mag tataxi lang ako" sabi ko dito. Napatingin naman ito saakin.
"Taxi? Hindi kaba masusundo? Mag gagabi na" sabi nito.
"Hindi eh" sabi ko nalang dito.
"Hatid na kita." sabi nito saakin na ikinagulat ko.
"Hindi na ano ba. Masyado na kitang naabala." sabi ko dito ng nahihiya.
"I insist. Kunin ko lang kotse ko. Hintayin moko dito" sabi nito at naglakad. Hindi naman na ako nakaangal kaya hinintay ko nalang siya.
Ilang minuto pa, napatingin ako sa kotseng pumarada sa harapan ko.
Sumakay naman ako after ko siyang makita. Hindi kopa pala alam ung pangalan niya.
"Ah sa IZ Community lang. Pang limang bahay" sabi ko dito. Tumango nalang ito saakin at nag maneho na.
Ilang sandali pa nandito na kami sa tapat ng bahay. Hindi naman kasi ganon kalayo sa Coffee Shop na pinag kitaan namin.
Bumaba naman agad ako at sumunod siya.
"Ah thank you pala, I'm Kim Minju btw" pagpapakilala ko dito.
"Kim Chaewon. Nice to meet you." sabi nito sabay ngiti sakin.
Nagpaalam naman agad ito na aalis na. Tumango naman ako at nagpasalamat ulit.
Hinintay ko munang makaalis siya bago pumasok.
Kim Chaewon. Nice name.
BINABASA MO ANG
Drunk
FanfictionWhere in Kim Minju drunk text Kim Chaewon not knowing that it's not her Yena unnie.