Kim Chaewon's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Pinatay ko agad ito at tinignan ang katabi ko kung nagising ba o hindi.
Nakita kona mang mahimbing parin itong natutulog kaya hinayaan kona.
Tumayo naman ako at naghilamos. Lumabas na ako ng kwarto at naghanda ng makakakain. Hinanda kona din ung gamot para sa hangover dahil panigurado ay sobrang sakit ng ulo nito.
Ilang sandali pa nakita ko itong palabas ng kwarto. Halata mong naguguluhan kung paano siya napunta doon.
"Gising kana pala" sabi ko dito. Napatingin naman siya saakin at nagulat.
"Chaewon?" nagtataka pero gulat pading sabi nito.
"Kumain ka muna. Masakit ba ulo mo?" tanong ko dito habang hinahanda ung pagkain.
"M-Medyo" sabi nito at halatang naguguluhan pa.
"Inuwi kita kagabi dahil sa sobrang kalasingan mo. Ung mga kaibigan mo inuwi din ng mga kaibigan ko" sabi ko sakanya. Napatitig naman siya sakin.
"T-Talaga? Uh" sabi nito at nagkamot ulo. Napailing nalang ako dito.
"May kasama kangang uminom pero lasing din, buti nalang nandoon kami" sabi ko dito.
"Kumain kana tsaka mo inumin yung gamot" sabi ko dito. Tumango naman ito at naupo sa harap ko. Kumain naman kami ng tahimik.
Pag katapos kumain, nagpresinta siyang maghugas ng pinggan kaya hinayaan kona. Nagpunta naman ako ng kwarto at nakita kong may text saakin si Eunbi unnie.
"Punta kayo sa Condo ko, pinapunta ko din sila Yuri" sabi nito. Hindi kona nireplayan at lumabas ulit. Nakita ko namang tapos na ito.
"Maligo kana muna, pahiramin nalang kita ng damit, punta tayo kila Eunbi unnie, andon mga kaibigan mo" sabi ko dito at bumalik ulit sa kwarto para ikuha siya ng masusuot.
"E-eh nakakahiya na sayo" sabi nito. Napatingin naman ako sakanya.
"Don't be. Maligo kana" sabi ko dito at binigay ung mga damit na hindi kopa nasusuot. Tumango nalang ito at nagpunta na sa banyo.
Ilang sandali pa lumabas naman ito ng banyo suot yung mga damit na ibinigay ko sakanya.
"Maliligo lang ako" sabi ko dito at naglakad na papunta ng banyo.
Pagkatapos mag bihis at mag ayos, lumabas na kami ni Minju at pumunta na kila Eunbi unnie.
BINABASA MO ANG
Drunk
FanfictionWhere in Kim Minju drunk text Kim Chaewon not knowing that it's not her Yena unnie.