13.

309 17 0
                                    

Kim Minju's POV

"Kiss kita?" tanong ko dito. Namula naman ito at umiwas ng tingin.

"Chaewon, i'm asking you" kunwaring seryoso kong sabi dito.

"H-Ha?" nautal na sabi nito. Pinigilan ko naman tumawa.

"You want me to kiss you?" malambing na sabi ko dito habang nakatingin sa labi niya. Shit bat nadadala ako sa kalokohan ko.

"H-Huh wala akong sinabi" sabi nito habang umiiwas ng tingin.

Napangiti naman ako dito pero hindi ko padin inaalis ung tingin ko sa labi niya.

Nagulat naman ako ng tumitig ito pabalik. Hindi ko alam pero namalayan ko nalang na paliit ng paliit ung pagitan saamin.

Napatingin ako sa mata nito ng sobrang lapit na namin sa isa't isa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Napatingin ulit ako sa labi nito at ilang sandali pa, mainit na labi ang naramdaman ko sa labi ko.

Tumingin naman ako sakanya at nakita kong nakapikit ito, hindi kona din namalayan na napapikit ako ng wala sa oras.

"Minjuuuu" rinig kong tawag ni Yena unnie. Hindi ko alam pero hindi ko ito pinansin at patuloy na dinaramdam ung labi niya saakin.

Napabitiw naman ako sa halik namin ng may kumatok. Napatingin naman ako kay Chaewon na halata mong di makapaniwala sa nangyari. Shit lang.

Inayos ko muna ung sarili ko at binuksan yung pinto.

"Yes?" tanong ko kay Yena unnie na parang walang nangyari.

"Wala lang HAHAHAHA" sabi nito at umalis. Napailing naman ako dito at sinara ulit ung pintuan.

Napatingin naman ako kay Chaewon na nakatingin saakin.

Shit ang awkward.

"Uh sorry baba lang ako" sabi ko dito at lumabas na.

Ilang minutes din siguro at bumaba din si Chaewon na kakaligo lang. Napatingin agad ito saakin pero umiwas ako ng tingin.

"Ayos kalang?" tanong ni Chaeyeon unnie saakin. Tumango lang ako dito at kunwaring nanood.

Naramdaman ko namang may tumabi saakin pero hindi ko pinansin. Iniisip ko kasi ung nangyari kanina.

"Don't think about it. I'm sorry" rinig kong sabi ng katabi ko, ni Chaewon.

"Di ko naman iniisip. Sorry" hingi ko din ng tawad dito. Ang awkward talaga.

"Yaaah Minju mauna na kami ha, uuwi kasi si ate ngayon eh" sabi ni Eunbi unnie.

"Oh okay. Paki kamusta nalang ako sakanya" sabi ko dito. Tumango at ngumiti naman ito.

Hinatid ko naman sila sa labas. Pati pala sila Chaeyeon aalis na din. May reunion din daw.

Napansin ko namang hindi lumabas si Chaewon ng gate. Maiiwan ba siya dito?

"Uh hindi ka sasabay sakanila?" tanong ko dito ng pinaandar na nila ung sasakyan nila.

"Hindi. Mamaya na ako" sabi nito. Kumaway naman ako kila Eunbi unnie at hinintay na makaalis.

"Pumasok kana, ako na magsasara" sabi nito. Tumango naman ako at hinayaan na siya.

Nagpunta naman ako ng kusina para uminom. Narinig ko naman siya na papunta dito.

"Hey" sabi nito. Tumingin naman ako dito at hinintay ung sasabihin niya.

"Sorry kanina uh paano ba" sabi nito at napakamot sa ulo nito. Natawa naman ako dito.

"Ayos lang uh medyo awkward lang haha" sabi ko dito.

"I know pero uh wag moko iwasan please" sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Hindi. Bakit kita iiwasan?" tanong ko dito at lumapit.

"Dahil dun sa nangyari baka kasi ano, ah basta" sabi nito. Natawa naman ako.

"Cutie. Hindi ako okay" sabi ko at hinawakan ung kamay niya. Shit san ba ako nakakakuha ng lakas ng loob at nagagawa ko tong mga to?

"Okay" sabi nalang nito at tinignan ung kamay kong nakahawak sakanya.

"Akyat tayo" sabi ko dito at hinila siya.

Pinaupo ko naman siya sa kama at binuksan ung TV.

Humiga naman ako at nakatingin siya saakin.

"Dito ka" sabi ko dito at sumunod naman siya.

Nahiga narin siya sa tabi ko at sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.

Habang nanonood, naramdaman ko naman itong dumikit saakin.

"Hmm?" tanong ko dito. Ang lapit niya sobra saakin.

"Can i hug you?" tanong nito na kinagulat ko. Tumango nalang ako dito.

Buong hapon, magkayakap at nanonood lang kami ng TV.

Nang mag gabi na, napag pasyahan na niyang umuwi.

"So uh una na ako" sabi nito. Tumango ako dito at lumapit sakanya.

"Ingat ka" sabi ko dito. Tumango naman ito at ngumiti.

Pumasok naman ito agad sa kotse niya. Hinintay ko itong umalis bago pumasok.

Habang paakyat ng hagdan, hindi ko namalayan na nakangiti pala ako.

Karating sa kwarto, naghilamos agad ako at nahiga na. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na ako.

DrunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon