10.

206 14 0
                                    

Kim Chaewon's POV

Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad siya papunta sa kotse niya.

Napansin ko lang na hindi niya ako pinapansin, ni tignan hindi niya magawa.

May problema ba?

Hindi kona lang ito pinansin at pumasok na sa kotse ko para umuwi. Gusto ko ng magpahinga. Maaga rin kasi kaming pupunta sakanila.

Kauwi ko ng condo, nahiga agad ako at biglang pumasok sa isip ko si Minju.

Naalala ko naman yung bigla niyang di pag pansin saakin.

Okay lang ba siya? Galit ba siya sakin?

Bat ba ganito ung nararamdaman ko. Aish. Makaligo nanga lang.

-Kinabukasan-

Nakapag bihis na ako lahat lahat at wala padin sila. Aish late talaga lagi yung mga yun.

Tumunog naman ung cellphone ko at sinagot ito.

"YAAAH CHAEWON DITO NA KAMI SA BABA, BABA NA YOUUUU" sabi or should i say, sigaw saakin ni Yuri. Napailing nalang ako dito. Ang hyper nanaman niya.

Bumaba naman ako at nakita ko sila doon sa harap ng kotse ko.

"Lesgetittt" hyper rin na sabi ni Eunbi unnie. Ano ba nakain nitong mga to?

Nagmaneho naman agad ako papunta sakanila at after 15 minutes, nandito na kami.

Lumabas naman agad sila Yuri at nag doorbell.

"Hi Chaeyeooon" sabi ni Eunbi unnie at hinila kami ni Yuri.

Pagkapasok namin, nakita ko si Yena unnie na nagaayos ng table. Nakita ko naman si Minju sa likod nito na parang nagluluto.

"Hey yooow" bati saamin ni Yena unnie. Napatingin naman saamin si Minju at ngumiti.

"Ang bango omygad nagutom ako bigla" sabi ni Eunbi unnie.

"Chaewon tulungan mo si Minju doon, daliiii" sabi ni Yuri saakin sabay tulak. Wala naman akong nagawa kundi pumunta sakanya.

"You need help?" tanong ko rito sa likod.

"Ay palaka ka! Ano ba yan" gulat na sabi nito. Cute.

"Hindi kaya ko nato" sabi nito ng di man lang ako tinitignan.

"Minju" seryosong sabi ko dito.

"Y-Yes?" nautal pang sabi nito.

"Iniiwasan moba ako?" direstong tanong ko dito. Napatingin naman ito saakin pero umiwas din ng tingin.

"Hindi ah" sabi nito saakin. Tinitigan ko naman ito. Halata naman kasi.

"Okay" sabi ko nalang dito at umalis na. Nabadtrip ako bigla.

Ilang sandali pa, tinawag na kami ni Minju para kumain. Nandito kasi kami sa sala at nanonood.

"YEEES THANK YOU MINJU MWA" sabi ni Chaeyeon sakanya at hinalikan sa pisngi.

Bigla namang kumirot ng konti ung puso ko. What the hell is that?

Kumain nalang ako ng tahimik at napapansin kong napapatingin ito saakin.

Ikaw naman ngayon tumitingin huh?

Pagkatapos kumain, nag punta kami sa 2nd Floor nila doon sa Mini Library, doon nalang daw namin gagawin ung research.

Nag kanya kanya naman silang pwesto doon at agad na nagsimula. Para daw matapos na nila agad at wala ng poproblemahin.

"Doon tayo" rinig kong sabi nito. Nagulat naman ako ng bahagya dito. Nakita ko naman itong napailing at napatawa.

Sumunod nalang ako sakanya at doon kami sa dulo pumwesto. Umupo naman agad siya at umupo narin ako. Sa tabi niya.

"Nakapag search nako ng ilan and itong dalawa nalang ung hindi kopa nahahanap" sabi nito at ipinakita saakin ung sinasabi niya.

"Oh okay. Ako na bahala magpahinga kana lang" sabi ko dito at ngumiti. Ngumiti rin ito saakin na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko. Aish ano ba to.

Nagsimula naman akong gawin ito at natapos ko agad. Napatingin naman ako dito at nahuli ko itong nakatingin saakin.

Nagulat ako ng hindi ito umiwas ng tingin at nakatitig lang saakin. Napatitig nalang din ako sakanya.

"HOY TAMA NA TITIGAN TARA NA" sabay na sabi ni Yuri at Yena unnie saamin. Doon naman ako natauhan at tumayo na. Napatingin naman ako sakanya at nakita ko itong nakangiting nakatingin saakin. Napaiwas naman ako ng tingin.

Ugh Minju ano bang ginagawa mo sakin?

DrunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon