08.

236 14 0
                                    

Kim Minju's POV

Hanggang ngayon nahihiya padin ako kay Chaewon. Pano ba naman kasi, dalawang beses na niya akong inuwi dahil sa kalasingan ko. Aaaaaaa nakakahiya talaga.

Nandito nanga pala kami sa elevator, paakyat sa condo nung kaibigan niya. Hindi ko siya pinapansin or tinitignan man lang, nahihiya ako eh.

Nandito na kami sa harap ng condo ng kaibigan niya at kumatok na siya. Ilang sandali pa binuksan na nito ang pintuan.

"Kayo pala, malapit nadin daw sila Yena, hindi niyo nakita?" tanong nito habang papasok kami ng condo niya. Tumingin naman ito saakin at ngumiti. Nginitian ko naman pabalik ito.

"Minju right? Kamukha mo yung kaibigan ng ate ko" sabi nito.

"Sino?" tanong ko dito, kamukha din niya kasi yung kaibigan ni ate.

"Tzuyu?" sabi nito habang naglalakad.

"Oh she's my sister. I guess you're the sister of Irene unnie?" sabi ko dito at nagulat naman siya.

"Oh yes! Kinukwento ka niya lagi saamin ni ate! Napakatigas daw ng ulo mo" sabi nito, bigla naman akong nahiya.

"Sinabi mopa" biglang sabi ni Chaewon na nakaupo habang nakatingin saakin. Nailang naman ako sakanya bigla.

Ano ba yan.

"Asan nga pala si Tzuyu unnie?" tanong nito bigla.

"Ah kasama nila Mom and Dad sa ibang bansa" sabi ko nalang dito. Naalala ko naman si Chaeyeon unnie kaya tinanong ko ito.

"Si Chaeyeon?" tanong ko dito.

"Ah ayun tulog---" hind na nito natapos yung sasabihin niya ng biglang sumigaw si Chaeyeon unnie. Napatakbo naman kami dito at nakita namin itong nakatulala. Natawa ako sa itsura nito.

"Yah chaeyeon unnie HAHAHAHA are you alright?" tawa tawa kong tanong dito. Pati tuloy sina Chaewon natatawa.

Pano ba naman kasi, sobrang higpit ng hawak niya sa kumot and ung isang kamay naman niya nakalagay sa mukha niya, ung para bang nanlulumo.

Ganito talaga siya everytime na nasa ibang bahay siya and hindi niya maalala paano siya napunta doon.

Naalala ko tuloy yung time na lasing na lasing siya tapos inuwi namin sa bahay. Ayun kagising niya, ganyan na ganyan din ung itsura niya.

"Minju? Waaaah minju, akala ko na gang bang nako" sabi nito at niyakap ako ng parang bata.

Natawa naman kami lahat dito.

"Omygad" sabi nito na may kasama pa ako.

"Hey good morning?" natatawang sabi ni Eunbi.

"Waaah Minju!" sabi nito at nagtago saakin. Natawa naman ako dito ng tuluyan. For sure hiyang hiya ito.

Hay Chaeyeon unnie, kahit kailan talaga.

Lumabas na muna kami at hinayaan munang maligo si Chaeyeon unnie.

"Kumain naba kayo?" tanong saamin ni Eunbi unnie. Tumango naman kami ni Chaewon at naupo sa sofa.

"EUNBI UNNIEEEE/MINGURIIII" sabay na sabi ng nasa pinto. Pag tingin namin, sina Yena at Yuri pala. Mukhang close sila ah?

"Tabi nga" sabi ni Yuri kay Yena unnie. Nag make face naman si Yena unnie sa likuran ni Yuri.

"Ang ingay niyo ano ba" sabi ni Chaewon na mukhang nairita. Napatingin naman ako dito at nakita ko siyang naiirita.

"Sungit" sabay namang sabi ni Yena at Yuri. Napailing nalang ako sakanila, parang kambal eh.

Ilang sandali pa, lumabas na si Chaeyeon at nagpunta sa gawi namin. Yumakap naman ito saakin.

"Minju" sabi nito.

"WAAAAH LAGOT AKO KAY MAMA NETO" sabi nito at sumiksik saakin. Nakisiksik narin si Yena at ang kinalabasan ay nakadagan sila saakin.

"Ugh ano baaa" sabi ko sakanila. Mas lalo naman silang dumagan saakin. Nakarinig naman ako ng tawa sa kanan ko.

"ANO BA ANG BIGAT NIYO HINDI NAKO MAKAHINGA" sigaw ko dahil hindi na talaga ako makahinga. Tawang tawa naman sila Chaewon saamin.

"Paano yung hindi makahinga?" pangiinis pa ni Yena unnie kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" tawa naman ni Chaeyeon unnie.

Ugh nasstress ako sakanila. Mukha pa akong mas matanda eh. Ano ba yan.

"Uhm hahaha Chaeyeon? Tumawag nga pala yung mama mo kagabi, sinabi ko nalang na nakatulog ka and di na kita ginising" sabi ni Eunbi unnie. Napangiti naman si Chaeyeon unnie.

"Thankyou Eun! You save my life!" masayang sabi nito. Ngumiti at napailing nalang kami sakanya.

"May balak paba kayong pumasok o wala?" biglaang tanong ni Chaewon. Oo nga pala. May pasok pa kami.

"WALA NA" sabay nanamang sigaw ni Yena unnie at Yuri. Natawa naman kami dito dahil nag aasaran na sila.

DrunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon