SKY'S POV
Palabas na ako ng bahay ng bigla kong nakita ang isang kotse mula sa bintana namin
Lumabas ako para tignan ako
Lumabas si Grey sa kotse at pumunta sa harap ko
"Sabay na tayo" aya nya
Napairap ako
"Sky sige na sumabay kana sa kanya, baka mapahamak ka pa sa daan" sabi ni kuya
"Kaya ko namang maglakad" palusot ko
"Tara na" sabi ni Grey sabay hawak sa kamay ko at hinila ako paloob sa kotse kaya wala nakong nagawa
Umandar na ang kotse
"Bakit ka naman naghintay sa labas ng bahay namin?" tanong ko
"Bawal ba sa labas?? Sige sa susunod sa loob na" sabi nya napairap at napacross-arms naman ako
"Haha" pilit kongbtawa sabay tingin sa kanya ng masama
"Khmmm" nasabi nalang nya
Matapos ang ilang minuto nasa school na kami
Una syang lumabas, palabas narin sana ako pero pinigilan nya ang pagsara ng pinto
Napakunot ang noo ko...
Binuksan nya yung pinto para saken
Awww muka syang aso tsk
Paglabas ko nakita ko agad si Dylan na nasa pathway
"Dylan!" tawag ko at tumingin naman sya
Tatakbo akong pumunta sa kanya, at habang natakbo ako nakikita kong nkangiti sya kaya nginitian ko din
Ang gwapo nya talaga, siguro gusto ko na sya
GREY'S POV
"Tsk! Nakakainis" nakakunot-noong sambit ko saka naglakad
Pumasok na ako ng room at umupo sa upuan ko at tulad ng iniisip ko magkausap na naman sila kaya lalo akong naiinis at nasasaktan
Tumungo ako saglit at muli ding tumunghay at nakita kong aalis silang dalawa, lumabas sila ng room
At syempre gusto kong malaman kung anong pag-uusapan nila
SKY'S POV
"Ahmm Dylan, I have something to tell you, it's important, so let's talk outside" sabi ko ngumiti naman sya at tumayo at nagsimulang maglakad, sumunod naman ako
Pumunta kami sa garden dahil wala namang tao doon
"Ahmm ano yun?" nakangiting tanong nya
Ang gwapo nya talaga!
"K-kase, na-narealized ko na, g-gusto, gusto kita" nauutal kong pag-amin sa kanya
Ngumiti naman sya saken at lumapit ng dahan dahan
GREY'S POV
Sobrang sakit ng nakikita ko, so ibig sabihin si Dylan ang gusto nya, ang saket, nasaktan na naman ako ng dahil sa babae
Nakakunot ang noo nung umalis, ayoko nang makinig sa pinag-uusapan nila
SKY'S POV
"Alam ko na yun Sky" nakangiting sambit nya saken
Talaga?!! Sheeettt
"Pero Sky, ayoko muna" sabi nya
Para akong pinagbaksakan ng langit at lupa nun
"B-bakit? D-diba alam mona?" tanong ko
"Oo Sky, dati ko pang alam, pero ayoko namang masaktan ang bestfriend ko" sabi nya
"S-sino? Ikaw yung gusto ko" pamimilit ko
"Si Grey... I know he likes you. Do you remember when we were in the canteen and gave you a burger, I saw he was angry. And when we went back to the room from the gym I saw that he was angry too, and ayokong masaktan sya ulit, saksi ako sa napagdaanan nyang sakit dati, at sobra akong naawa sa kanya, kaya ayoko nang masaktan sya ulit, sorry Sky, Gray likes you. I hope you appreciate that even though he is cold-hearted, he still likes you, pwede naman tayong maging magkaibigan" nakangiting paliwanag nya
Napaiyak ako sa sinabi nya
Si Grey may gusto saken? Parang napakalabo naman ata nun
Tumakbo ako papunta sa isang room janitor's room ang napuntahan ko at doon umiyak
Sobrang sakit mareject lalo na sya ang gusto ko...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pls. Vote and Comment guys
Follow me
Happy Reading!
BINABASA MO ANG
Pervert Gurls Meets Pervert Casanovas
RomanceMalibog na sa mundo nakuuu ingat ingat sa mga taong malilibog baka manyakin ka.. Pero kung malibog ka rin ayyyy juskoo pare-parehas na tayo