CHAPTER 48

779 28 0
                                    

SKY'S POV

Tumatakbo ako papunta sa campus. 8:50 na ako natapos kaya nagmadali ako baka kasi hindi ako makaabot

"Sheeettt. Husay ako sa masungit na 'yon kapag di ako nakaabot! Aishh" sabi ko at saka binilisan pa ang takbo

Nakadaan na ako ng gate ng campus at malapit lapit narin ang covered court

GREY'S POV

Medyo tinatamad pa ako magseryoso kasi wala pa si Sky

Katagal naman non

2 - 10 ang score at lamang ang Leo Team

"Ref, time out" sabi ni coach kaya nagsign ang referree ng time out

Pumunta kami kay coach

"Grey, ayaw mo ba manalo? Bakit ganan ang kilos mo ngayon? Kung kelan nasa totoong laro kana saka ka ganyan" sabi nung coach namin

Di nalang ako umimik

Nakita ko si Sky na pumasok at tumabi kay Keyl. Bigla akong naganahan

Time for the game, Grey

"Yun lang naman pala e" nakangising sabi ni Chase

Buti nagets na nila

Di muna ako nagseryoso sa laban dahil iniintay ko si Sky

Bumalik na kami sa court. Nakatingin sakin si Justine. Nginisian nya ako at saka tumakbo papunta saken para magdepensa. Nasaken kasi yung bola

"Go Grey! Go!!!" rinig kong pagccheer ni Sky

Napangisi ako at saka tumakbo ng mabilis at iniwasan si Justine

Tss

Nakita ko yung dala dala ni Sky na malaking cartolina

Wow

Lahat namangha sa hawak hawak ni Sky

Siya ba ang nagdrawing non? Galing nya magdrawing ha

Napangiti ako at saka itinuon ang atensyon sa laro

Unti-unti kami nakakahabol sa kalaban

Na kay Theo ang bola at ipapasa na sana niya sakin ang bola nang bigla tumakbo si Axel sa harap ko para makuha ang bola

Anong ginagawa netoh?

"Sabi ko naman sayo hindi ang magpapatalo. Akin lang si Sky" sabi ni Axel

"Magkakampi tayo. Wag mong sirain ang laro" sabi ko

Ngumisi siya saken at saka ako nilampasan

Nishoot nya yung bola sa ring at pumasok naman iyon

Nakita kong tuwang tuwa si Sky

Napakunot ang noo ko

Sorry pero di din ako magpapatalo sayo

Nasa kalaban ang bola. Dun kay Aljon. Tumakbo ako bigla sa papunta sa kanya at saka siya nginisian. Tumakbo ako papalayo sa kanya kasi nasaken na yung bola

Shinooot ko yung bola sa ring at pumasok naman yun

Napatingin ako kay Sky at nagsign siya ng ok. Ngumiti naman ako sa kanya. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Axel at nagkatitigan kami

"Di kita hahayaang magbida-bidahan sa harap ni Sky" seryoso niyang sabi

Tumawa muna ako at saka nagpoker face

"Sorry but... She's mine" sabi ko at saka siya nilampasan

Lumalamang kami pero nahahabol ng Leo Team ang score namin. Minsan sina Theo, Chase at Dylan ang nakakashoot pero madalas nagpapagalingan kami ni Axel para lang kay Sky

Last 1 minute na at nasa kalaban ang bola. Pigil hininga ang lahat dahil 23 - 23 ang score. Mahirap din kasing kalaban ang mga toh. Lalo na si Justine

Ang may dala ng bola ay si Justine at pasugod na siya sa ring. Unahan kami ni Axel sa paghabol kay Justine. Sobrang lapit na ni Justine sa ring mabuti na lamang ay nakaharang si Axel sa kanya at saka kinuha ang bola. 10 seconds. Agad akong tumakbo sa ring namen. Tumigil si Axel sa 3 points line at saka nagfocus sa ring. Nishoot niya ang bola

Taena sala pa

Agad akong tumakbo. Tumama ang bola sa bunganga ng ring kaya agad akong tumalon at naishoot ko ito. Biglang tumunog yung bell dahil tapos na ang laban. Nanalo kami. 23 - 25 ang score

Nagsigawan ang mga nanonood. Kahit intrams palang toh parang championship na ang laban

Inspired by my love

Pervert Gurls Meets Pervert CasanovasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon