SKY'S POV
Nasa school na ako at wala pa sina Grey, Chase, Theo, Yenne at Keyl. Ang tanging nandito lamang ay ang ibang kaklase namin at medyo kakaunti pa lamang, ako, si Loe at Dylan. Nagbabasa lang ako ng mga article. Kung ano-ano na nga ang nababasa ko
Lumapit sakin si Loe at saka tinignan ang binabasa kong article at saka tumingin sakin
"Hmm? Sa tagal-tagal na kitang kaibigan e ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala magbasa ng mga article" sabi ni Loe na may halong pang-aasar ang tono
"Wattpader ako diba? So, mahilig talaga aking magbasa ng kung ano-ano" sabi ko nang hindi parin tumutingin sa kanya
"Hmm. Sa bagay nga" sabi niya at saka umalis
Ramdam ko naman ang pagdating ni Dylan dahil kita ko ang anino niya
"Kukulitin mo din ba ako?" nagsalita na agad ako kaya huminto siya sa paglalakad
"Tss. Hinde" sabi niya at saka lumapit sakin
Hindi daw pero tumabi sakin
"Oh bakit nandito ka?" tanong ko
"Wala. Masama bang tumabi?" tanong niya at tumahimik na ako
"Ang sungit nya ngayon noh? Dylan?" tanong ni Loe na nasa kabilang row at katapat ko lang
"Oo nga e" sagot naman ni Dylan
"Ano bang nangyare kahapon? At bakit ganan sya?" tanong ulit ni Loe
Napahinto ako sa pagbabasa...
DYLAN'S POV
Napahinto siya sa pagbabasa dahil sa itinanong ni Loe. Alam kong nasaktan siya
Anong dapat kong gawin?
"Yoww guys!" biglang may sumigaw mula sa pinto kaya napatingin kami
"Andyan na pala kayo e. Sabay-sabay e" sabi ko at saka tumayo
Unang pumasok si Chase na sumigaw kanina, sumunod si Theo, Yenne. Nung nasa pinto na si Keyl ay bigla siyang nadulas buti nalang nasa likod niya si Grey kaya nasalo niya
So jealous
Napatingin ako kay Sky at nakatingin lang siya kina Keyl at Grey. At nakatingin din sina Keyl at Grey. Agad na umiwas si Sky ng tingin at agad na inilagay ang article na dala niya sa ilalim ng lamesa niya at saka kinuha ang phone niya
Ibang-iba talaga ang mukha niya ngayon
"A-ah. Teka nga lang ha... Ano bang nangyare..." agad kong kinunutan ng noo si Chase kaya naman tumigil siya sa pagsasalita
Naaawa ako kay Sky. Talagang malungkot siya ngayon. Wala naman akong magawa para mapasaya siya
Nagsimula na ang klase at di ko mapigilang tumingin kay Sky dahil lutang na lutang siya ngayon. Parang wala siyang gana magklase. Magkatabi sila ni Grey sa upuan at sigurado akong awkward ang nararamdam nilang dalawa. Nakita kong nagsecellphone si Sky ngayon. Online siguro siya
Habang nakikinig ako sa lesson ay agad akong nakaisip ng paraan...
Kinuha ko ang phone ko at agad na ichinat si Sky. Naseen niya kaya napatingin ako sa kanya at tumingin naman siya saken. Sinabi ko na sa kanya ang naisip ko kaya naman itinigil na namin dalawa ang phone namin
Tumayo ako habang nakataas ang kamay ko
"Sir, magccr lang po" paalam ko sa prof namin at saka lumabas. Hindi talaga ako magccr. Nag-intay ako ng sampung segundo at saka ulit pumasok sa room namin. Doon ako dumaan sa line nina Sky. Agad na inilagay ni Sky yung paa niya kaya naapakan ko
"Aray!" daing ni Sky
"S-sorry Sky. H-hindi ko sinasadya. Sir, dadalhin ko lang siya sa clinic" sabi ko
"Pero..."
"May sugat po siya at nadali ko yon" sabi ko
"S-sige. Dalhin mo na siya" nag-aalalang sabi ng prof namin
"Dylan ako na ang magdadala kay Sky" sabi ni Grey
"O-ok lang. Ako naman ang nakadali" sabi ko
"Ako na" pagpupumilit ni Grey
"Kilala mo ako, alam mo na kapag may nasaktan akong tao makokonsensya ako" sabi ko kaya naman binitawan na niya si Sky. Bakas din sa mukha ni Grey ang pag-aalala
Gumana ang plano
Nung nasa labas na kami ay inayos na niya ang paglalakad
"Teka, bakit ba? Anong meron?" tanong niya
"Alam kong malungkot ka. So, I want to make you happy" nakangiting sabi ko
"Hmm. Corny mo" sabi niya sabay tawa kaya natawa narin ako
"So, ano na? Saan tayo pupunta?" tanong niya
"Gusto kong ipakita sayo yung place kung saan kapag may problema ako ay doon ako pumupunta" sabi ko at saka ngumiti
"Ok" sabi niya kaya nagsimula na kaming maglakad
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pls. Vote and Comment guys!
Happy Reading!
BINABASA MO ANG
Pervert Gurls Meets Pervert Casanovas
RomanceMalibog na sa mundo nakuuu ingat ingat sa mga taong malilibog baka manyakin ka.. Pero kung malibog ka rin ayyyy juskoo pare-parehas na tayo