CHAPTER 62

559 16 0
                                    

GREY'S POV

Kanina pakong di mapakali dito sa classroom. Gusto kong puntahan si Sky

"Ok, that's now for today. Class dismiss" sabi nung prof namin at saka lumabas ng classroom. Agad akong tumayo at tatakbong pumunta sa clinic para sana makita si Sky

Pagdating ko ng clinic ay agad kong hinanap sina Sky at Dylan

Bakit wala sila dito?

"Sinong hanap mo?" tanong nung nurse

"Si Sky. May kasama siyang lalaki. Dylan ang pangalan. May sugat si Sky at dito siya dinala ni Dylan" sagot ko

"Pero walang pumunta dito na may sugat. Puro may lagnat at sipon lang ang patient dito" sabi nung nurse

Saan kaya dinala ni Dylan si Sky?

Lumabas ako ng clinic at tinry kong tawagan si Sky pero di siya sumasagot. Naisipian kong tawagan si Dylan pero naka off naman ang phone niya

SKY'S POV

"Saan mo ba talaga ako dadalhin? Anlayo na ng napuntahan natin ah" sabi ko at ngumiti lang siya

"Makikita mo din" sabi niya. Nagddrive siya ng kotse niya

Tumigil kami sa isang park

"Ipapark ko lang toh, intayin moko dyan" sabi ni Dylan at tumango nalang ako

"Hayyy. Ano naman kayang lugar yon? Hmm. Bakit nga pala niya ko dinala dito?" bulong ko. Maya-maya pa ay dumating na si Dylan. Nakita ko na agad siya sa malayo

"Hmmm. Kapag talaga tinitigan mo siyang mabuti masasabi mo talagang ang gwapo niya. Tsss. Bakit niya ko nireject nung una? Haysss" nagpout ako saktong paglapit niya ay may iniabot siyang juice at tinapay

"Recess na panigurado sa school. Kaya naman kumain tayo kapag nakapunta na tayo sa favorite place ko" sabi niya sabay ngiti saken kaya ngumiti rin ako at saka kinuha ang juice at tinapay

"Ang swerte ng magiging girlfriend nito. Bukod sa gwapo at maginoo, mabait din at mapag-alaga. Hmmm. Pero syempre wala paring mas gagaling kay Gre...." sabi ko sa isip ko

Ano ba toh?! Siya parin ba? Tsss

Naglakad kami. Sinundan ko lang si Dylan nang tumigil kami sa isang magandang garden. Nakaayos ang mga bulaklak at sobrang linis ng paligid. Agad kong nilibot ang paningin ko at dahil sa sobrang ganda talaga ng lugar na toh ay paniguradong madaming pumupunta rito

"This is my favorite place that i told you before. Maaliwas dito, di katulad sa ibang garden na napuntahan ko. Tahimik at sobrang bango ng mga bulaklak. Kapag may problema ako, dito lang ako pumupunta para gumaan ang loob ko. Kung gusto ko ng tahimik na lugar dito ako pumupunta" paliwanag ni Dylan

"Ang ganda nga. Hmm. Problema? Sinabi mo bang problema? Mukhang di ka naman nagkakaproblema e" nakangising sabi ko, ngumiti siya at saka ako pinantayan ng tayo

"Nakangiti lang ako, pero madami akong problema" nakangiting sabi niya at saka naglakad

Agad akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Sinundan ko siya at nakita kong umupo siya sa isang bench na malapit sa sunflowers. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at tinignan siya na parang naaawa

"Don't look at me if you just feel sorry for me. If you want me to talk about problems I said to you. I am willing to tell you" sabi niya

"O-ok. Kwentuhan moko tungkol sa mga problemang nabanggit mo" sabi ko

"Okay. When I was young, my parents were always fighting. Of course I was young then so I still do not know what they are fighting. As time goes on and as I grow, I understand what they are arguing about. Once, on my 15th birthday they had a fight while they were arranging for a party to be held for my birthday. They decided to divorce before my birthday. It hurts so much for me. Akala ko magiging masaya ang birthday ko pero hindi pala. Umiyak ako non. At... Hanggang ngayon, nag-aaway parin sila. Nagdivorce sila after ng 15th birthday ko pero nakipagbalikan lang si daddy para lang daw sakin. Ni hindi ko sila makitang sweet sa isa't-isa. Kapag nagkakasalubong sila parang hindi nila kilala ang isa't isa. It was hard for me to see my parents always arguing. I couldn't help but to cry as I listened to them argue with each other. Ang nagpapagaan lang ng loob ko sa bahay ay ang dati naming katulong na si Manang Bing. Kapag nakikita niya akong umiiyak, binibigyan lang niya ako ng paborito kong juice at kinocomfort ako. But she is gone now. She died because of liver cancer. So now, I have no sympathy for all my problems and this is it, this garden makes me feel better" bumuntong-hininga siya at saka ngumiti saken

Alam kong nasasaktan siya habang nagkukwento at habang ngumingiti siya sakin ngayon

"Sorry. Pero hindi mo ba sila natanong kung bakit lagi silang nag-aaway?" tanong ko

"Para saan pa? Kung magtatanong ako ganun parin yun. Mag-aaway at mag-aaway parin sila" sabi niya

"Hayyy. Bakit kasi kailangan pang masaktan ng ganito ang bawat tao" sabi ko at saka bumuntong-hininga

Ngumuti siya kaya napatingin ako

"Tandaan mo toh, Sky. We have to hurt in order to know, fall in order to grow, lose in order to gain, because all of life's lesson are taught through pain. Di mo din maiiwasang masaktan lalo na kapag mahal mo" sabi niya

May point siya

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pls. Vote and Comment guys!
Sorry for long long update ulit
Happy Reading!

Pervert Gurls Meets Pervert CasanovasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon