CHAPTER 56

576 15 0
                                    

GREY'S POV

Nasa bahay ako ngayon. Kasama ko ang kapatid kong si Morgan

"Kuya anong gusto mong movie?" tanong ni Morgan sakin

"Kahit ano na lang" walang ganang sagot ko

Iniintay ko magchat si Sky. Pero hanggang ngayon hindi parin niya ako chinachat

Umupo si Morgan sa tabi ko at saka nanood

"Kuya gusto mo?" alok niya sa popcorn na binili niya sa mall kanina. Umiling lang ako sa kanya

"Kainis" bulong ko

"Ano kuya?" tanong ulit niya dahilan para mapatingin ako sa kanya

"W-wala. Manood ka na lang dyan. Wag mo na kong intindihin" sabi ko

"May binulong ka kaya" sabi niya sabay kain ng popcorn

Ang kulit

"Ano nga yun? Kinig ko bumulong ka" pangungulit niya

"Wala nga" palusot ko

"Tss. Lagi namang wala! Ano nga?" sabi niya kaya napabuntong-hininga nalang ako

"May inaantay akong chat" sabi ko

"Ahh chat ni ate Sky?" tanong niya ulit

Sinabi ko nga pala dito

Tumango ako at ngumiti naman siya

"Ikaw kuya ha. Pumapag-ibig kana naman" pang-aasar niya

Hindi ko na lang siya pinansin bagkus nanood nalang ng tv

Habang nanonood kami ay biglang nagring yung phone ko dahilan para mapabalikwas ako

"Oh yan, baka si ate Sky na yan" sabat ni Morgan

Pagtingin ko sa phone ko ay tumatawag si Mercy

"Ay si ate Mercy pala" sabi ni Morgan sabay pout

Sinagot ko ag tawag...

"Hello?" sabi ko

[Hello, Grey? May sasabihin lang sana ako sayo] sabi ni Mercy da kabilang linya

"What's that?" tanong ko

[Babalik na ako sa Singapore] sabi ni Mercy na ikinalaki ng mata ko

"B-bakit?" utal kong tanong

[Ahmm, may problema sa kompanya nina daddy kaya babalik ako sa Singapore. Tutulungan ko sila] sagot niya

"P-pero diba nakatransfer kana dito?" tanong ko ulit

[Ahmm, kase, ano. N-nagtransfer na ulit ako sa school na p-pinapasukan ko dati sa Singapore. I-inayos na ni mommy] sabi niya

Iiwan mo na naman ako

"Parang ang bilis naman ata" sabi ko

[Im sorry pero kelangan nila ko don. And for sure, in the near future ako na ang maghahandle ng company namin. Kaya ngayon palang pag-aaralan ko na maghandle ng company. Sorry Grey if i left you again. I promise we will meet again] sabi niya

"Ok. Ingat sa biyahe" walang-emosyong sabi ko

[Yeah. Bye, Grey] sabi niya

"Bye"

At pinatay na niya ang tawag...

"Aalis na ba ulit si ate Mercy?" tanong ni Morgan

"Oo" sagot ko

FLASHBACK

"Grey" tawag sakin ng katabi ko

"Hmm?" tipid kong tugon

"What If I left you again? What will you do?" tanong niya

Napatingin ako agad sa kanya at tinitigan siya na parang nagtataka

"Aish. Nevermind" sabi niya

END OF FLASHBACK

Kaya pala tinanong niya yon kasi iiwan talaga niya ako

SOMEONE'S POV

"Ano? Nagawa mo na ba?" tanong niya saken

"Yeah. Make sure your plan works" sabi ko sa kanya at napairap siya at nagcross-arms

"Of course. Ako pa ba? Sisiguraduhin kong masasaktan siya sa gagawin naten" sabi niya at saka ngumiti

"You said, Im the one who will do it and you'll just watch. Ayokong may ibang makakatikim sa kanya. Ako lang!" mataray kong sabi sa kanya

"Oo na. Ikaw na. Wag kang magalit. Alalahanin mo tayo ang magkakampi dito. And we both hate that girl" sabi niya kaya nanahimik na ako

Akin ka lang






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pls. Vote and Comment guys!
Happy Reading!

Pervert Gurls Meets Pervert CasanovasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon