CHAPTER 55

633 17 1
                                    

SKY'S POV

Linggo ngayon at tanghali na ako nagising dahil sa iniisip ko kagabi pa. Naguguluhan kasi ako sa sinabi ng Celine na yon

Habang nagsusuklay ako ay biglang nagring yung phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag. Sinagot ko ito...

"Hello?" walang-ganang banggit ko

[Kakagising mo lang noh?] sabi ni Yenne sa kabilang linya

"Yeah. Watzup?" tanong ko

[Ahmm wala lang. Masama ba mangamusta?] mataray niyang tanong

May naaalala ako

"Pwede ba Yenne. Wag kang mataray dyan naiinis ako" kunot-noo nang sabi ko

[Eh ikaw agang-aga beastmode agad. Ano ba kasing ipinuputok ng butsi mo dyan, ha?] tanong niya

"Kase diba pumunta kame ni Grey sa mall..."

[Ayy sus. Nagdate kayo noh?] pagpuputol niya sa sasabihin ko

"H-hindi noh. P-patapusin mo muna kase a-ako" sabi ko at nanahimik siya kaya nagsalita na ulit ako

"Diba nga pumunta kami sa mall. Tapos nung nasa arcade na kami, may tumawag kay Grey tas pagtingin namin ex pala niya. Pangalan Celine. Tapos lumapit kay Grey tas hinalikan sa pisngi. Arteng-arte pa magsalita akala mo naman kung sinong maganda. Tsss" pagpapaliwanag ko

[Ay sus. Nagseselos kalang eh. Alam mo kung ako sa inyo sabihin niyo na samin kung ano ba talagang relasyon niyo] sabi ni Yenne

Ano nga ba?

"H-hindi ko alam" utal kong sabi

[Hala sya. Sige na at may gagawin pa ako] paalam niya saken at saka pinatay ang tawag

Napabuntong-hininga ako at lumabas na ng kwarto. Bumungad saken si kuya na nanonood ng tv kaya lumapit na ako sa kanya

"Oh gising kana pala. Tanghali na kumain kana" sabi niya kaya pumunta ako sa kusina at saka kumain. Halatang kumain na siya dahil iisa na lamang ang ulam kay hindi ko na siya tinanong pa

Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumunta sa salas at umupo sa tabi ni kuya

"Kuya, arat milktea" aya ko sa kanya

"Nakakatamad" sabi niya habang nagsecellphone

Tss

"Bilis na. Ilibre mo ko" pagpupumilit ko

"May pera ka ah" sabi niya

"Tss. Wala! Ubos na" sabi ko

"May bagong padala sina mommy. Inilagay na niya daw sa account mo" sabi ni kuya. Nanlaki naman ang mga mata ko

Yown!

Tatakbo akong pumunta sa kwarto ko at chineck ang account ko

"Sheeett! 10,000!!! Tawagan konga si mommy" excited na sabi ko at saka tinawagan si mommy

"Hello, mommy?" sabi ko

"Thank you sa pera" nakangiting sabi ko

"Natanggap mona pala. Kamusta kayo dyan ng kuya mo?" tanong niya

"We're ok. Kayo dyan ni daddy?" balik kong tanong

"Ayus lang kami dito ng daddy nyo. Nga pala. Next next week uuwi kami dyan ng daddy mo para magkaron tayo ng bonding" sabi ni mommy na ikinagulat ko

Kyah! Uuwi sina mommy!!

"Sige na i have to end this call. Madami pa kaming inaasikaso. And after this, maghahanda na kami sa pag-alis namin" sabi ni mommy

"Sige po mommy. Ingat kayo. I love you two, always" sabi ko

"I love you more" sabi ni mommy at saka pinatay ang tawag

Sa wakas makikita kona rin sina mommy at daddy, after 6 years mayayakap kona din sila





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pls. Vote and Comment guys!
Thank you sa lahat mg nagbabasa parin ng story ko. Sana suportaha niyo parin
Happy Reading!


Pervert Gurls Meets Pervert CasanovasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon