CHAPTER 46

834 27 2
                                    

GREY'S POV

Isang araw bago mag intrams maghapon kaming may practice. Medyo pagod na ako kahit 10 am palang kasi pinatakbo kami ng 20 laps sa buong gym

5 minutes break namin ngayon kaya nagpapahinga kami

Dumating sina Sky, Yenne, Loe at Keyl kaya napatayo ako

Napagtanto kong free time ngayon kaya andito sila

"Oh break nyo ngayon?" bungad ni Sky

"Oo" sagot ni Dylan

"Tamang tama may dala kaming pagkain, kumain muna kayo" nakangiting sabi ni Keyl

Tumabi sakin si Keyl at binigyan ako ng pagkain

"Salamat" bland kong sabi at ngumiti naman sya sakin

Napatingin ako kay Sky at nakatingij din sya sakin

"Nga pala.. Bukas ba manonood kayo ng laro namin?" tanong ni Theo

"Ayoko ng basketball eh, sa volleyball ako manonood" sabi ni Yenne

"Volleyball din ako eh" sabi ni Loe

"Manonood ako ng laro nyo" nakangiting sabi ni Keyl

Napatingin kami lahat kay Sky

"Diba may sonabi nako sayo Grey" sabi ni Sky

Napangiti naman ako ng bahagya

Alam ko na sagot nya...

Matapos ang 5 minutes break ay nagsipuntahan nadin kami kay coach

"Guys may bago tayong teammate ng basketball" bungad agad ng coach namin

"Halika na" sabi ni coach at lumabas mula sa locker room si Axel

"This is your new teammate, Axel" pakilala ni coach

Tss

"Hi sa inyo" nakangiti nyang sabi at saka tumingin sakin ng seryoso

Bida-bida ka pa ha

Kinahapunan nang matapis ang practice namin ay kinausap muna kami ni coach tungkol bukas. Kailangan daw na manalo ang team namin para sa district meet ma magaganap sa main court

Habang nag-aayos ako ng bag ko ay biglang may humawak sa kanang balikat ko

Napatingin ako at si Axel yun

"Kelangan mo?" seryoso kong tanong

"Di ako magpapatalo sayo. Kaya ko syang agawin sayo" nakangisi nyang sabi

"Oh tapos?" tanong ko ulit

"Maagaw ko sya sayo" seryoso na nyang sabi

Humarap ako sa kanya...

"Subukan mo" nakangising sabi ko at saka sya nilampasan

Paglabas ko ng court ay bigla ding pagpasok ni Sky kaya nabangga ko sya at napahiga kami

She was at the bottom and I was at the top

Nakatitig lang sya saken

"G-Grey" sambit lang nya

Di ko alam kung bakit pero higla ko na lang syang hinalikan

Matapos iyon ay itinayo ko na sya at inayos naman nya ang sarili nya

"S-sorry" i apologized

"Tss" sabi lang nya at saka hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng court

"Alam mo ba kahapon nag-intay ako sayo!" galit nyang sabi

Tumingin naman ako sa kanya na parang nagtataka

Naalala kong niyaya ko pala sya papunta sa mall kahapon

"S-sorry Sky. Im sorry. Napagod kasi ako sa practice kahapon kaya nakalimutan ko" paumanhin ko sa kanya at nagpout naman sya

Ang cute

"Okay lang. Baka gusto mong yayain ulit ako ngayon" taas-kilay nyang sabi

Napangiti ako

Hinawakan ko sya sa kamay...

"Tara" sabi ko at saka pumuntang parking lot

Sumakay kami pareho at saka pinaandar ang makina at saka umalis

Hindi ko siya dadalhin sa mall bagkus sa isang mamahaling restaurant

"A-akala ko sa mall tayo?" tanong nya

"Nope. Idedate kita" sabi ko nakita ko ang pamumula ng pisngi nya

Pumsok kami sa restaurant at saka naupo sa dulo

"Ano po ioorder nyo mam and sir?" tanong nung waiter

Ibinigay nya sa amin ang dalawang menu

"Pili ka na kahit ano dyan na gusto mo" nakangiting sabi ko kay Sky

"Uhmmm isang Waldor salad, isang Chicken Cordon Bleu, isang Steak, Truffle Mashed Potato, Vegetable Tempura, isang Blueberry Cheesecake, Dark Chocolate Cake and Vegetable Salad" nakangiting sabi ni Sky

Nagulat ako

"Ahmm yun nalang" sabi ko

"Di kaba oorder?" tanong Sky

"B-bakit s-sayo lang ba lahat ng inorder mo?" balik kong tanong

"Hmm. Akala mo hahatian kita? Ulol" sabi nya

Antakaw nya ha

"Okay" sabi ko at umorder nadin ng akin

"Isang Macaroni Salad, Arroz Von Pollo and Revel Bars" sabi ko at saka iniabot ang menu sa waiter

Habang naghihintay ay napatingin ako kay Sky na kasalukuyang nagsecellphone

Ang cute nya tingnan

"Kaya mo bang ubusin yung mga inorder mo?" pagbabasag ko ng katahimikan namin

"Oo naman anong akala mo sakin maarte? Na hindi kayang kumain ng ganong karami?" sabi nya na nakatingin parin sa phone nya

"Sky?" tawag ko sa kanya

"Hmm?" sambit nya pero di parin tumitingin

"Tumingin ka" sabi ko at tumingin naman sya

"What if I like you. How do you feel?" tanong ko

Di naman sya nakaimik

"I mean what if?" sabi ko

"May pa-what if, what if kapa dyan e totoo namang gusto moko" nakangising sabi nya

Inismiran ko na lang sya...

"I like you" seryoso kong sabi natahimik naman sya

"Ahmm i like you too?" sabi nya with a questioning tone

???Tsss

"Di ka sigurado huh?" sabi ko

"Tss ok. I like you too" napaseryoso din sya

Napangiti ako at ngumiti din sya

Maya maya pa ay dumatong na ang inorder namin at saka kumain. Pagkatapos non ay inihatid ko na sya pauwi

Pervert Gurls Meets Pervert CasanovasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon