Chapter 11

14 0 0
                                    

Dinala niya ito sa isang kwarto. Maganda ang bahay na iyon. Malinis at wala masyadong design.  Halatang lalaki ang may-ari.
Naamoy na niya ang sarili sa suka nito.
"Yucks...ang baho ko.."
Dumiretso siya sa banyo nito para maligo. Kumuha siya ng isang T-shirt at ginawa niyang pampalit. Matapos malinis ang sarili ay ito naman ang nilinis niya. Kinuha niya ang medyas nito. Nasa gilid niya ang maligamgam na tubig na inilagay sa palanggana at isang bimpo.
" Yuan" mahinang wika nito. Hinampas niya ang tiyan nito.
Nasapo nito ang sarili nang masaktan ito.
Bumangon ito.
"Sino ka?" sabi nito. "No one can touch me except her. Get out. Why are you here?"
"Umayos ka nga."
" I love her. Alam mo ba yun? Tatlong taon ko siyang hinintay. Pero hindi siya umuwi para sa akin. Mamatay na lang siguro ako." Wika nito.
"Umuwi na ako "
" Alam mo--hik--iniwan ko ang Healthy United dahil hindi ko magawang naging CEO dahil wala akong asawa."
" So anong ginagawa mo ngayon?"
" May sarili na din akong kompanya."
"Mabuti naman kong ganun."
Kumuha siya ng T-shirt nito at isinuot iyon.
"Matulog ka na."
Nilagyan niya ito ng kumot.
Tiningnan niya ito. Medyo pumayat nga ito ng kunti. Nakapikit ang mga mata nito.
Hinawakan niya ang kamay nito.
Napangiti siya dito.
" I love you more."
Iniwan muna niya ito at lumabas ng kwarto nito. Nilibot niya ang buong bahay. May tatlong silid iyon. Isang malaking sala at kitchen. Lahat ng kagamitan sa kusina ay nandon.  Sa lanai,makikita ang full view ng dagat. Masarap ang simoy ng hanging na dumampi sa  pisngi niya.
Tinawagan niya si Lee.
"Hello,Lee."
" o,Yuan,kumusta na sya."
" ayos na siya.nandon natutulog."
" nakakatawa. O siya..dyan ka muna..magbakasyon muna kayo okay?"
"What? I'll be going home tomorrow."
" okay fine. Tsk..you're 32 now,seduce him."
" pag-isipan ko."
Natawa ang kaibigan sa kabilang linya.
"I hope something good will happen between you two."
" bakit wala na siya sa healthy united at may business students tayo mula sa kompanyang iyan."
"May order kasi na kailangan siyang mag-asawa,at wala ka na dito so kaya wala siyang nagawa. Alangan namang papakasalan niya ang sinumang babae sa buhay niya. Iniwan niya ang healthy united at he built his own business. Thankfully,successful iyon."
" Ganon ba?"
"Oo,nandito sa Pilipinas ang kompanya niya. Nakiventure din siya sa three stars. Kaya may share sya sa company natin."
" what?"
"Oo. He bought that house after two years niya dito. According to him,sa inyo daw yang bahay na yan. Your parents have been there. Pinabisita niya. They were good friends already pati ang Lola mo."
" what?"
"Oo."
"They never told me that."
"Paano ba naman kasi ayaw mo siya noon."
" Mom never said about it."
" Kaya nga marunong nang magtagalog yan dahil sayo. Ayaw daw niyang marinig mula sayo ang Tagalog at hindi niya maiintindihan balang araw."
Pumasok siya sa kabahayan.
Mag alas dose na ng gabi.
" matulog na tayo, yuan. You can stay there for a week with him"
" kainis kayo."
Natawa ito.
INI off niya ang cellphone at binalikan ito sa kwarto.
Kulay blue ang pintura ng silid at may doraemon na print. Napangiti siya dahil halatang pambata iyon. May baby crib pa sa isang sulok.
Napatingin siya dito na payapang natutulog. Kumilos ito at tinalikuran siya.
Humiga siya sa tabi nito. Hanggang sa tuluyan ng nakatulog siya.

Alarm clock ng relo niya ang nagpagising niya. Tulog pa ito.
Nakatalikod pa ito sa kanya. Nagisnan niyang nakayakap ang mga bisig niya dito.
"Good morning!"mahina niyang sabi dito at bumangon na.
Naghilamos siya sa banyo nito at tinungo ang kusina.
Gusto niyang magluto ng agahan. Nagugutom siya.
Gumawa siya ng tea para dito.
Nagtoast din siya ng bread at nilagyan ng butter. Gumawa din siya ng Sunnyside up egg.
" what are you doing?" wika nito nang makapasok sa kusina. Nakasuot na ito ng long sleeves na puti para makapasok na sa opisina.
" cooking. Nagugutom ako." wika niya dito at umupo na siya. Nagsimula na siyang kumain. Nilagyan niya ng tea ang tasa nito.
"I borrowed your shirt. Sinukahan mo ako kagabi." Napatitig ito sa kanya.
" I'm sorry."mahinang wika nito.
Umupo na ito sa katapat niya.
"Ang ganda ng bahay mo."
Ngumiti ito.
" Sasabay ka ba sa akin?" tanong nito sa kanya ng matapos itong kumain.
Tumango siya. Hinugasan muna niya ng mga plato. Hinintay siya nito sa sala.
"May mga damit ako pambabae don sa kwarto ko." Wika nito nang matapos siyang naghuhugas ng pinggan.
" why do you have?"
" wala lang." Pumasok ito sa kabilang kwarto at maganda iyon. Masters bedroom iyon.
Binuksan nito ang cabinet.
" You choose."
Tiningnan niya iyon. Pero shirt at polo ang nandon. Mga favorite color niya ang nandon. At may jeans din. Napangiti siya dito ng lihim.
" thank you."
Tumayo ito at lumabas na.
May tokador din na kompleto ang gamit. May mga makeup din na nandon at hand lotion.
Mag alas syete na ng umaga.
Naghanda na siya. Ginamit din niya ang naging makeup nito.
"Wow."
After one hour, pumasok ito.
" what are you doing? 8am na, mala-late na ako sa meeting ko."Simangot ang mukha nito.
" oo na."
Tumayo na siya. Jeans at puting polo na itinupi niya sa bandang siko ang pinili niya.
" Ang tagal."wika nito. Tinungo muna nito ang pintuan sa kusina para suriin kung nakalock ito.
Nauna na siyang lumabas dito.
Sumakay na ito sa sariling kotse.
" Maganda ba yung bahay?" tanong nito. Tumango siya.
" Saka,bakit may damit pambabae at may makeup set ka don?"tanong niya.
" Gusto ko lang. Ehh,,bakit ba nakatulong sayo yun ngayon."
" bakit nga?"
" basta. "
Nanahimik na siya. Seryoso ang mukha nito.
" Alam mo ang daan patungo sa bahay ko?"
" oo,bakit?"
" kainis"
Nang makarating na sila sa bahay niya.
" Thank you for taking care of me last night."
" your welcome."
" see you again"
Lalabas na siya sa kotse nito ng hawakan nito ang braso niya. She looked at him.
" Yuan,papasok ka ba sa school mamya?"
" oo."
Ngumiti ito sa kanya. Ang saya ng mga mata nito.
Her heart moved when she saw him smiling.

Rewrite the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon