Chapter 13

14 0 0
                                    

Mga ala y una ng hapon ay bumalik na silang dalawa sa three Stars. Naabutan nila ang mga kaibigan niya.
" Pumunta si Josh kanina,dinalhan ka ng ice cream."
Tahimik lang si Masato ng sabihin ni Emmy yun. Napangiti siya sa reaksyon nito. Halatang nagseselos talaga ito. Umalis ito matapos nagpaalam.
"Mag-ingat ka. Babalik ka mamya?"
" Hindi"
Umalis na ang lalaki.
"Ano ka ba Yuan? Hindi mo ba iniisip ang nararamdaman ni Masato sayo? Napakainsensitive mo naman." wika ni Lee.
"Oo nga."
" asan pala yung ice cream"
"At kakainin pa talaga."
"Wag naman kayong magpalit sa akin. Kaibigan ko lang si Josh"
"Kaibigan. Hindi yan kaibigan kapag maraming ibinigay."
"May pagtingin yan sayo Yuan."
Pumasok na siya sa opisina. Nag trabaho na siya at hindi alintana ang oras.
"Mamaya ka pa uuwi?" mahinang wika ng binata sa kanya ng dumating ito bandang alas siete ng gabi. Umupo ito sa sofa.
"Malapit na. Matulog ka na lang muna diyan."
Kumuha siya ng kumot at inilagay dito.

Pumasok si Emmy sa opisina niya.
"Anong ibig sabihin niyan? Tingnan mo,sino ang matiyagang naghintay sayo."
" oo Alam ko."
" mauna na ako,naghihintay sa akin ang pamilya ko."
" okay,mag-ingat."
"Salamat."
Nagpatuloy siya sa ginagawa niya.
"Are you done?" Tanong nito.
"Hindi pa."
Bumalik ito sa pagtulog.
At 9pm,tumayo na siya para umuwi na. Nilapitan niya ito.
" Halika na."
Bumangon na ito at itinupi ang kumot.
Kinuha niya iyon at dinala palabas.
" Parang pagod na pagod ka?"tanong niya dito. Ngumiti lang ito.
" masama ang pakiramdam ko, I think I have flu."
Idinampi niya ang palad sa noo nito.
"May lagnat ka. Ako na ang magdrive."
"Kaya ko. Sige na."
Idinaan siya nito sa bahay niya.
"Pagkarating mo sa bahay,you take your medicine. Wag ka munang papasok bukas." paalala niya dito.
" okay."
Pagkalabas niya ay umalis agad ito.
"Good evening, my. Bakit gising pa kayo?"
"Hinintay ka namin."
"Bakit?"
"Anong status niyo ni Masato?"
"Po?"
"Alam mo,Yuan,itinuring na namin na anak ang batang yan. Why don't you get married?"
"Mama,naman!"
" He is kind,responsible at hindi mo iisipin na isa siyang Japanese. Tingin ko para din siyang Pilipino. Mabait siya,Yuan."
" Mama naman"
" Ano ba kasi ang hinintay mo? Sino?"
" Hay naku,my. Why don't you just wait? Naku, si mommy talaga. Magpahinga na po kayo."
" Bumisita iyon dito kanina,masama ang pakiramdam,hinatid ka ba?"
Tumango siya.
" Bukas puntahan mo yun sa bahay niya."
"Mama naman!"
"Wag ka nang kumuntra. Parang anak ko na rin ito habang wala ka dito noon."
"Oo po"
Pumasok na siya sa silid. Kinuha niya ang cellphone niya at planong tatawagan niya ito.
Ring lang ito ng ring at nang sumagot ito.
"Bakit?"
" are you okay?"
"I'm fine. Nakahiga na ako."
"Mabuti naman."
" Yuan,"
" Bakit?"
" Mahal mo na ba siya?"
Natawa siya sa sinabi nito.
"Alam mo ang sakitin mo."
" ayos lang ako."
"Magpapahinga ka na. Did you take your meds?"
" oo. Mamaya gumising ka para uminom ka ulit ng gamot."
"Hmm."
" You don't have to come tomorrow in the office."
"Hmm."
"Bye."
"Bye."
Natitigan niya ang cellphone niya. Gusto na niyang sabihin na mahal din niya ito pero hindi pa siya handa.

Kinabukasan,maaga siyang umalis at tinungo ang bahay nito. Inaantok pa siya dahil sa alarm clock niya. Nagising siya bandang alas dos para painumin ito ng gamot. Tinawagan niya ito.

Binuksan niya ang gate at ipinasok ang kotse.
Pumasok na siya sa loob ng bahay.
Tinungo niya ang Master's bedroom. Natutulog pa ito. Idinampi niya ang palad niya. Bumaba na ang lagnat nito.
" Mabuti naman." Bulalas niya.
Lumabas na siya ng silid at tinungo ang kusina. Gumawa siya ng soup para dito.
Nang matapos ay inihanda niya iyon sa maliit na bowl. Dinala niya ito sa lanai at binalikan niya ito sa kwarto.
"Gumising ka na." Tinapik niya ang balikat nito. Kumilos ito at hinila siya pahiga dito. Niyakap siya ng napakahigpit.
"Thank you."wika nito.
" Maligo ka na."
Bumangon na ito at iniwan siya. Pumasok ito sa banyo.
"Towel"
"Bakit ka pumasok diyan ehh wala ka namang towel."
"Sorry na,nakalimutan ko."
Ibinigay niya dito.
"Papasok ka ngayon?"
" oo"
Tapos na ito at lumabas na mula sa banyo.
" bakit ka lumabas na nagkaganyan?"sigaw niya dito.
" bakit ka sumigaw? Ikaw ang hindi lumabas dito,kita mong naliligo yung tao."
" ako pa ang may kasalanan."
Lumabas na siya. Naiwan itong nakangiti.
Tinungo niya ang lanai. Umupo siya doon at tiningnan ang sunrise.
Umupo ito sa tabi niya at niyakap siya bigla.
"Did I give you permission to hug me?"
"Kahit na. Hindi ka ba inaantok?"
"Hindi."
" I love you." Tumingin siya dito.
"Wow,ang ganda ng sunrise,look,tingnan mo."
"Ewan ko sayo. Makakain na nga."
Kumain na ito. Tinititigan niya ang likod nito. Nakikita na niya ang future niya na kasama ito. Paggising sa umaga,kakain at pupunta ng opisina.
Gusto niya itong alagaan at paglingkuran bilang kabiyak nito.
Tiningnan niya ang mga kamay nito. May singsing ito sa isang daliri.
" only married man ang may singsing diyan."
" eh ano ngayon?"
" bakit ka meron niyan?"
" I'm married of course."
Natahimik na siya.
Tumayo ito at may kinuha sa isang cabinet na nandon.
" Look at this,isusuot mo nga." Kinuha nito ang isang daliri niya at isinuot iyon.
" wow,kasya."
" ano toh?"
" will you marry me?"
" bakit mo toh inilagay agad sa daliri ko.?"
" okay,I think it's no. Sayo na muna yan. Para hindi mawala sa akin."
" ano to?pure gold white?"
"Oo pero wag mong isangla."
Natawa siya dito.
" magkano kaya?"
" mahigit sa isang milyon"
" what?"
"Oo."
" ang mahal naman,tiyak mamatay ako dahil dito. Marami ang kumuha nito para isangla."
" sabihin mo fake lang yan."
" hindi ko na lang ito isusuot. Bigyan mo na lang ako ng iba."
" ayoko."
" gusto mo,mamatay ako?"
" hindi. O sige na bibilhan kita yung 50pesos only."
Natawa siya dito. Kinuha niya ang phone nito.
"Patingin."
"Bakit?"
" I'll check if you cheat on me. Naku,hindi pa kita sinagot--"
He pulled her head and made a quick kiss.
" bakit puro pictures ko toh."
" meron ka ba niyan?"
" pati graduation ko sa Harvard,"
" ibinigay ko yan kay mama"
Marami siyang pictures doon.
Hinampas niya ang tiyan nito.
" bakit?"
Dinukdok niya ang dibdib nito.
" why can't we just give a try?"
" ayoko."
Tumayo na siya at tinungo ang sala.
" Yuan,sige na."
" ayoko."
"Bahala ka nga." Pumasok na ito sa master's bedroom.
Pinuntahan niya ito.
"Aalis ka?"
" oo"
" papasok ka ng opisina,?"
" oo"
" no."
" I will."
Hinila niya ito at pinahiga sa kama.
" ano ba?"
"You can't get out."
" magtatrabaho ako,"
" no. Rest."
Niyakap niya ito.
"Yuan,get out before you regret."
"No"
"Talaga lang huh."
"Magpahinga ka na,inaantok pa ako. Papatulugin mo ako"
Niyakap niya ito ng mahigpit.
Ipinikit na rin nito ang mga mata.
Hanggang sa nakatulog na siya.

Nagisnan ng binata ang babaeng natutulog sa tabi niya. Nakayakap ito sa katawan niya. Tinitigan niya ang mukha nito.

"Ang pangit"wika niya. Hinampas nito ang tiyan niya.
" Gising ka na pala."
Tinalikuran siya nito.

Rewrite the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon