SB 1

78 0 0
                                    

"May gagawin ka mamaya?" 


Kasalukuyan akong nakaupo sa may student lounge, nagrereview para sa quiz sa minor subject nang biglang lumitaw sa tabi ko ang isang nilalang na itago nalang natin sa pangalang Nicole. Lunch break kaya pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako dito para tapusin ang mga kailangan kong asikasuhin.


"Ay nako Nicole, hindi ako ready tumambay sa condo nila Gin mamaya, thursday ngayon, panigurado nandoon na naman yung toxic nyang jowa." Kilala ko na kasi 'tong si Nics. Paniguradong mag-aaya 'to kila Gin kasi wala kaming klase every friday. Magchi-chill, kakain ng pancit canton habang nag-uululan tapos walang tulugan. 


"Hindi! Alam kong nandoon yung bagong boyfriend ni Gin kaya hindi kita doon aayain 'no! Birthday ni Zach mamaya, yung tiga-kabilang block. Samahan mo ako!" Sabi niya saka niya inabot sa akin yung isang cup ng stir-fried noodles. Aba naman! Alam na alam kung saan niya ako mauuto. 


"Pag-isipan ko muna, 'di naman kami masyadong close ni Zach saka 'di naman ako invited."


"Sinabi ko naman sakanyang isasama kita kasi nga kasama ni Gin mamayang gabi 'yung jowa nya! Ayoko naman magpuntang mag-isa."


Napaisip ako kung sasama na ba ako dahil kakatapos ko lang magpasa ng plate kanina at nakaka-drain din itong buong week. Aayain ko nga sana sila Nicole mag-bar mamaya dahil gusto kong mag-liwaliw tonight. Malapit na kong mabaliw kung puro acads iisipin ko.


"Saan ba 'yan?"


"Sa chill top lang!"


"Ang layo! Anong oras na naman tayo makakauwi nyan?" Sa sinabi ko, siguro naiisip nitong si Nics na nagpapaka-tita na naman ako.


"Ako magd-drive promise!" pangungumbinsi nya. 


"Okay, kapag walang binigay na bigating plate to submit ng monday, tara mamaya kila Zach."


Para namang nagliwanag ang mukha ni gurl noong narinig n'ya 'yon. Sabik na sabik sa party.


Noong bandang hapon ay umuwi muna kami sa dorm. Nagbihis lang ako ng plain white knitted shirt na naka-tuck in sa plaid skirt ko tapos 'yung Nike AirForce 1 ko na puti, saka ko pinlantsa at hinayaang nakaladlad ang itim at mahaba kong buhok. 


Bago dumiretso ay dumaan muna kami sa mall. Bumili si Nics ng kaunting art materials pang-regalo samantalang isang shirt naman ang binili ko para may maiabot man lang. Nakakahiyang 'di magdala ng regalo 'no. Gaya ng sabi ni Nicole, s'ya nga ang nag-drive sa amin papuntang chill top. Padilim na rin kaya tama lang ang oras para tumambay doon. 

Dahil nga party, reserved ang restobar. Kakaunti pa lang ang guests nang dumating kami. 


"Zach!" Madaling natunton ng mata namin si Zachary dahil wala pang masyadong tao. 


"Happy birthday, pasensya ka na sa regalo namin." inabot ni Nicole ang mga regalo naming pina-gift wrap rin namin kanina. 

Sea BridgeWhere stories live. Discover now