SB 10

23 3 2
                                    


Dumating din kaagad sila ate Julie ng hapon na iyon, saka kami nagpuntang PMMA para i-report 'yung ex ni Gin na jejemon. Fortunately, justice was served at na-papelan si Kevin. Magkakaroon lang ng kaunting deliberation sa loob para sa final decision – kung restricted ba for the whole cadetship year o kung mate-terminate na s'ya as a cadet.


Actually, hindi na nga dapat 'yan pinag-iisipan. What he did is a crime. Siguro binibigyan lang ng kaunting konsiderasyon si Kevin (na well obviously, hindi n'ya deserve).


Kagaya din ng napag-usapan, Ranz didn't accompany us. He attempted to pero hinarang s'ya so instead, nagtawag nalang s'ya ng maga-assist sa'min which actually made everything easy for us.


"Ano, okay ka na?" Nicole asked Gin pagbalik namin sa boarding house.


"Medyo naaawa lang. Pinaghirapan din naman n'ya 'yung kung nasaan s'ya ngayon." She answered, pertaining to Kevin, of course.


"Gin, tandaan mo, he had the choice not to do it, but he still did. Pinili n'yang gawin 'yan. Wala kang sinirang pangarap. S'ya ang sumira sa sarili n'ya." Sabi ko habang nag-aayos ng sarili sa harap ng malaking salamin ng boarding.


"Jade, sigurado ka bang b-byahe na kayo ngayon? Gabi na. Ba't di nalang bukas ng umaga?" ate Julie asked.


"Kailangan ate. Aasikasuhin namin 'yung kaso with the lawyer and may pasok kami ni Nicole."


Nauna nang pumasok sa sasakyan si Nicole at Gin, samantalang nagpaiwan ako saglit to settle some important things with ate Julie. Naglista pa ako ng contact details para ma-update nila ako kung anong magiging judgment kay Kevin.


At syempre pa, hindi rin kinaya ng konsensya kong sumilip sa kwarto ni Serrano. I was rude to him kanina. Tama nga naman at may sakit s'ya. Magpaalam man lang sana ako.


"Oh? Kala ko umuwi na kayo."


"Anong plano mo? Dito ka lang?" tanong ko nang umupo ako sa bunk bed na katapat ng hinihigan n'ya.


"Yep, wala rin naman akong kasama sa condo sa QC."


"Sinong mag-aalaga sa'yo rito?"


"Kaya ko na. Saka andyan naman sina ate Julie."


"Hello, kita mong nagbabantay ng tindahan 'yon."


Inikot ko ang paningin ko sa kwarto bago ko binalik ang tingin ko sa kanya. Medyo masigla s'ya nung nadatnan namin pero ngayon, ang tamlay. Siguro dahil nalamigan nung lumabas kami, pa-gabi na rin kasi 'yon.


Hindi ko pa rin makalimutan ang inis ko sa lalaking 'to dahil sa pang-"ghost" n'ya pero medyo naaawa ako lalo pag naiisip kong maiiwan s'yang mag-isa rito. One week effective ang sick leave n'ya kaya next weekday pa s'ya pwedeng mag-aboard.


"Saan bag mo?" I asked.


"Huh?"

Sea BridgeWhere stories live. Discover now