SB 3

33 2 2
                                    

"Uncultured swine ka ba?"


Hindi ba s'ya sanay na mag-send ng photo through instagram dm o sadyang papansin lang talaga? Ipapasa lang sa'kin 'yung photo, AirDrop pa.


"Hindi 'no, bored lang ako."


"Ang corny mo ma-bore." Sabi ko sakanya bago ko ilabas ang phone ko para i-receive 'yong ie-airdrop n'ya.


Palalayasin ko na sana s'ya para makapagpahinga ako sa taas nang umalma s'ya. Wala man lang daw bang thank you.


"Ang tagal tagal mo bago binigay 'yung picture tapos gusto mo pa ng thank you?" pagrereklamo ko.


"Grabe, nag-effort akong dumayo dito." Panunumbat naman n'ya.


"At sinabi ko bang dumayo ka? Hindi ka ba sanay mag-send ng photo sa dm?"


"Turuan mo ko?" sabi n'ya saka s'ya ngumisi.


Pucha. Libre naman ang google, bakit hindi n'ya subukang gamitin?


Inirapan ko s'ya at saka ako tumalikod nalang para bumalik na sa loob nang habang pabalik ako ay nakasalubong ko si Gin.


"Serrano!" bati n'ya kay militar na hindi pa rin umaalis doon sa kinauupuan n'ya. "Tara muna sa taas, nakita ka rin ni Nics, akyat ka daw muna, may natira pa kaming beer sa ref!"


Wow. Ang kakapal mag-aya ng ibang tao. Dorm mo 'teh? Kakatapos lang namin, gusto pa ulit umisa.


"Ay hindi, uuwi na daw s'ya hanap daw s'ya ng mama nya." Sabi ko bago pa man makasagot si militar.


"Huh? Eh nasa Batangas parents n'yan, tonta. Tara dali!"


Kita sa mukha n'ya na wala na s'yang magagawa sa pangungulit ni Gin. Sumilip pa sa bintana si Nics para senyasan kaming umakyat. Kaya naman ginilid ni militar saglit ang motor n'ya saka s'ya nagkibit balikat sakin bago sumunod.


Pag-akyat ay nakita kong nilabas ni Nicole 'yung Alfonso Gold n'yang nakatabi sa ilalim ng kama. Shuta, akala ko ba beer lang? Mayroon din kaming natira pang mga chips.


"Hayaan mo na, minsan lang tayo magkaroon ng bisita dito sa dorm." Sabi n'ya pa kaya wala nalang din akong nagawa.


Naisip ko nga sanang matulog na at hayaan silang tatlo doon pero alam kong hindi ako makakatulog dahil maiingay kaya nakisama nalang din ako.


Nagpakwento si Nicole at Gin ng kung anu-ano kay militar. Nagkukwento naman s'ya pero hindi nya dinedetalye dahil daw sa military secrecy nilang tinatawag. Totoo na sobrang interesting ng buhay nila sa loob pero ang hassle. Astig sana maging babaeng kadete kaso baka hindi ko kayanin.


Tuwang tuwa sila makipagkwentuhan kay militar. Sinasakyan kasi ang trip nila.


Sea BridgeWhere stories live. Discover now