SB 9

27 1 1
                                    



I decided to stop sending him updates, mga ilang araw na rin. Sapat na 'yung isang buwan na hindi s'ya nagpaparamdam para tumigil na ko sa pag-iilusyon ko. That Serrano is confusing me big time.


My days went plain, like how they usually were before he came into my life. Hindi ko naman na masyadong binigdeal 'yung dates. I can do that with other guys and it will soon be forgotten.


Paminsan minsan, nagd-DM si Ram dahil nga 1CL, allowed gumamit ng gadget sa loob. Hindi ko naman pinapansin masyado kahit na paminsan minsan ay nire-replyan ko para wala ring masabi. Ang persistent din talaga no'n eh.


Tuesday morning, maaga akong nagising kahit na before lunch time pa ang first class ko. Nag-aalmusal ako sa tapsilogan sa labas ng dorm nang biglang nag-ring ang phone ko. 


I checked who the caller is and saw Gin's name. 


"Jade..."


"Oh? Napatawag k-- teka, why are you crying?!" 


"Jade, h-hindi ko alam gagawin." 


Hindi lang basta hikbi ang naririnig ko sa kabilang linya -- hagulgol. 


Napabitaw ako sa kutsarang hawak ko sa sobrang pag-aalala at kaba. 


"Come over, please?" 


"Okay, okay, give me less than an hour, punta ko d'yan." 


Hindi ko pa man nakakalahati ang tapsilog na kinakain ko ay napilitan na akong umalis dahil nakaka-alarma ang pag-iyak na narinig ko kay Gin. I never heard her cry that hard ever since. 


Bumalik agad ako sa dorm para magpalit. Dinampot ko lang ang wallet ko saka ako nag-book ng grab papunta sa condo n'ya. Hindi naman si Gin 'yung tipong suicidal pero ako 'yung tipong OA kaya alalang alala talaga ako't nagmamadali pa.


Pagdating ko sa unit n'ya ay nandoon din si Nicole na kani-kanina pa yata nandito, looking frustrated, habang yakap yakap si Gin na walang tigil ang pag-iyak.


"Anong meron?"


"Nag-check ka na ng mga group chats? Or ng twitter?" tanong ni Nicole.


"Hindi pa, what the fuck, sabihin n'yo na!" I impatiently answered.


"Her naked photos have been circulating around social media since this morning."


"What?!" I didn't bother checking my phone. Tumingin lang ako kay Gin na lalong lumakas ang pag-iyak. "Gin? What the hell?! Sinong gagong magli-leak ng mga 'yon?"


"I.. I sent those photos," Gin tried to get her head up while wiping her own tears so she could explain. "sa kanya. Sa kanya lang." 

Sea BridgeWhere stories live. Discover now