SB 8

39 1 3
                                    


"Susunod kami!" sigaw ko sa cadet boys na nauna nang naglakad papunta sa beach na malapit lang dito sa boarding house.


Naiwan kami ni Nicole para magbihis dahil kami ang nagluto ng pagkain na binitbit na nila papunta kaya sila nauna. I wore a neon pink bikini top na pinatungan ko ng see-through shirt saka lang ako nagdenim shorts. Si Nics naman ay nag-plain white shirt at black shorts.


"Oh." ani Nicole habang inaabot sakin ang concealer stick.


Tinignan ko muna iyon bago ko nilipat ang tingin sa kanya.


"Gagawin ko d'yan?"


"Konting ayos lang pantakip ng eyebags. Anong oras ka na natulog kagabi 'teh?" she interrogated.


"Huh? Pagtulog n'yo." patay malisyang sagot ko.


"Saan mo iniwan bra mo kagabi?" nanlalaking matang tanong nya.


Hindi ako sumagot at kinuha nalang sa kamay n'ya ang concealer stick.


Nawala na sa isip ko na naiwan ko nga pala 'yon sa dining table ng boarding house at 'yung dress lang ang naalala kong iligpit. Alam kong may clue na s'ya kung anong nangyari kagabi kaya tinatawanan n'ya ko ngayon.


"Daks?" tumatawa pa din si Nicole.


Inaya ko na s'yang lumabas at mag-umpisa nang maglakad. Nang makarating kami sa tabing-dagat ay nakaayos na ang mga pagkain sa dahon ng saging. Kami nalang nina Marella at ang mga boyfriends nila ang narito dahil umuwi na ang parents. 'Yung magulang naman ni Ranz, umuwi kaagad pagkatapos ng openhouse kahapon.


"Jade, dito!"


Gumilid si Ranz para maglaan ng espasyo para sa'kin at halos mawalan naman ng pwesto si Jeric.


"Ba't di mo nalang kaya ako paalisin 'no?" Jeric sarcastically said.


"Umusad ka lang konti pre, para sa babae oh." natatawang sabi ni Ranz.


"Hindi ba ko babae? Favoritism ka lang eh!"


Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Jeric na umusad din naman sa gilid para makapwesto ako. Nagsimula na kaming magkainan at nang matapos ang iba ay nagsilusong na rin kaagad sa dagat.


The beach day was fun, it was well-spent. Kaming mga girls kasama si ate Julie ang magkakalaro samantalang nasa gilid ang boys at nagkukwentuhan ng mga bagay na hindi ko naman maintindihan dahil puro terminologies sa loob ng academy ang gamit.


Pagkaraan ng sunset ay napagpasyahan na naming bumalik sa boarding house. Naglakad lang kami ulit dahil wala din namang nadaang tricycle sa banda rito.


"Anong oras aboard mo bukas?" I said when I sat down at the terrace where Ranz was seating.

Sea BridgeWhere stories live. Discover now