SB 4

35 1 0
                                    


"Syempre sabi ko pag-iisipan ko pa!"


Bandang hapon ay umuwi rin si Nicole dahil may tatapusin pa s'yang school work at si Gin naman ay doon na dumiretso sa condo n'ya.


"Nagpakipot pa." komento n'ya pagkatapos kong ikwento 'yung nangyari kanina na pag-aya ni Ranz.


"Ni hindi ko nga alam 'yung Acquaintance kineso na 'yon at kung saan 'yang school n'ya."


Dalawang beses ko palang nami-meet si militar. Birthday ni Zach. Kagabi. Kung tutuusin, type ko naman s'ya physically pero kita n'yong aso't pusa nga kami tuwing magkasama eh. Hindi ko alam sa mga 'to kung bakit bet na bet 'yung Ranz na 'yon for me.



ranzerrano: Pag-isipan mong maigi baka maunahan ka ng iba lol

jadearvelle_: wow ha

ranzerrano: Joke lang, kumain ka na lunch.

jadearvelle_: yuck creepy mo.

ranzerrano: Sige ako nalang kainin mo. Ayan, fixed it for u.

jadearvelle_: tangna kadiri ka.


Tignan n'yo lang, manyakol talaga diba?


Actually nage-enjoy akong kausap si militar. Magka-dm din kami ng halos buong weekend. Mang-iinis lang s'ya o kaya babanat ng walang kakwenta kwenta tapos babarahin ko.


Nasisiyahan ako sa pambabara sa kanya, para akong tae tapos inodoro s'ya, ganon.


Nang mag-lunes nga ay muntik pa akong ma-late ng gising dahil anong oras na ko tinigilan i-chat ng kumag nung gabi.


Ang weird lang na buong monday morning ay hindi s'ya nag-message. Alam ko naman na pumasok na s'ya or nag-"aboard" ika nga nila pero bakit kaya pagtapos n'ya kong puyatin kagabi ay 'di na s'ya nagparamdam bigla?


Di na kaya nagising? Shet.


jadearvelle_: morning.


Wala lang, nababagot lang ako sa buhay ko. Hindi ko naman intensyon maglandi pero wala lang bakit ba, masaya rin 'yung may nakaka-chat paminsan.


Binalewala ko nalang ang hindi n'ya pagme-message at nagfocus sa plates ko the whole week.


Nawala na si militar na parang bula.


Siguro tama nga si Gin, mukang fuckboy nga daw. Baka talagang bolero lang at mahilig makipag-usap sa babae.


"Kamusta na kayo ni Ranz? Nakaka-dm mo pa?" tanong ni Nics one Wednesday morning habang nagb-breakfast kami.


"'Di na, 'di rin nagsiseen."


"Wow parang nung saturday lang nagpapakipot ka, ngayon naghahabol ka na." pang-aasar pa n'ya.

Sea BridgeWhere stories live. Discover now