Chapter 1

8.4K 176 10
                                    


KINIKILIG si Chloe habang nakatalumbaba at nakatanaw kay Hero mula sa audience benches ng soccer field sa St. Catherine University. May ensayo ng laro ang varsity soccer team kung saan kabilang si Hero bilang team captain.

Hero de Vega was her new crush. He was tall, fit and handsome. He was a cool guy. Nang ngitian siya nito sa school cafeteria matapos niyang makabanggaan ng balikat ito ay naging instant crush na niya ito. Why, he had the most enchanting smile she had ever seen. Kaya naman since then ay hobby na niya ang panoorin ang mga soccer games nito at kapag libre siya ay nanonood rin siya ng ensayo nito na kasama ang teammates nito, tulad ngayon.

"Do you need a hanky?" naulinigan niyang tanong ni Adrianne---kaibigan at kaklase niya sa BS Accountancy course.

"Huh?"

"You're drooling," maarteng sabi nito.

Ngumiti siya. "I can't help it, Adrianne. I'm super duper in love with Hero de Vega." Nang balingan niya ito at nakita niyang may hawak itong compact mirror. Sinisipat nito ang mukha mula sa salamin niyon. Adrianne could not live without a handy mirror.

"But it looks like you're not his type."

Umangat ang kilay niya. "Paano mo nasabi iyan?"

"Kasi kung type ka niya, sana pinansin na niya ang pagpapa-cute mo noon pa." Nag-pout pa ito, tinitingnan sa iba't-ibang anggulo ang nguso mula sa salamin.

Oo nga naman. Kung type siya ni Hero, dapat ay niligawan na siya nito. Why, obvious naman na may pagtingin siya rito. Palagi niyang binabati at nginingitian ito sa tuwing nagkakasalubong sila. Sa tuwing may soccer game ito ay palagi niya itong hinaharang para lamang i-wish ito ng luck. Isinisigaw niya ang pangalan nito sa tuwing may laban ito. Minsan pa nga ay gumawa siya ng placard para rito. He was nice and friendly to her. Ngunit ang nakakalungkot ay walang trace ng pagnanasa or whatsoever mula rito. Mukhang hindi talaga siya type nito.

"Wala naman akong nababalitaan na pinopormahan niya. After his broke up with Judy last year, wala na siyang naging girlfriend. So, kung type ka niya, siguro naman liligawan ka niyon. Sa dalas ba naman ng pagpapa-cute mo, eh."

Malungkot siyang bumuntunghininga. "Adrianne, am I ugly?"

"Of course not. You're very pretty. It's just that maybe you're not his type."

"Then maybe I have to do something na para magustuhan niya ako."

Ibinaba nito ang compact powder at tumingin sa kanya nang napapantastikuhan. "What do you mean? Don't tell me, gagayumahin mo siya?"

"Gaga! Hindi na uso 'yon, 'no?"

"So, anong gagawin mo?"

Sasagot sana siya ngunit may bolang biglang tumama sa mukha niya. Para siyang sinapok sa sakit. Tila na-dislocate ang panga niya sa lakas ng impact ng bola. Saglit pa siyang hindi nakakilos na tila naparalisa. Narinig niya ang pagsinghap ni Adrianne.

"Omigosh, Chloe! You just got hit by a raging soccer ball! Are you okay?" natatarantang tanong ng kaibigan niya.

"Na-dislocate yata ang panga ko."

"Oh, no! Your cheek is super red!" bulaslas ni Adrianne na napatutop pa ng bibig.

Hinablot niya ang compact mirror nito at tiningnan ang parte ng mukhang tinamaan ng bola. Pulang-pula nga ang pisngi niya at masakit iyon. Baka magkapasa iyon!

"Are you okay?" may lalaking tinig na biglang nagtanong.

Marahas siyang bumaling sa may-ari ng tinig na natagpuan niyang nakatayo sa harapan niya. Nakasuot ito ng soccer uniform. Guwapo, matangkad, well-built at mestiso ito. Actually, she knew this guy. Ito si Ruan Gonzales, isang fifth year industrial engineering student at teammate ni Hero sa soccer team.

Ang totoo, noong una niyang nakita ito ay nagka-crush siya rito. Kaya lamang ay naglaho iyon dahil na-realize niyang hindi ito ang tipo niyang lalaki. Isa kasi ito sa mga famous playboy heartthrobs sa SCU. Kilala ito sa pagiging happy-go-lucky at hindi seryoso kung makipagrelasyon sa mga babae. Dahil romantic siyang tao ay na-disappoint siya sa nalaman tungkol sa pagkatao nito kaya naglaho kaagad ang paghanga niya rito.

Ito ang nakatama ng bola sa kanya! Naggiritan ang mga ngipin at nanlisik ang mga mata niya. "Do I look like I'm okay? Muntik mo nang tanggalin ang panga ko sa ginawa mo!" singhal niya rito. Tumayo siya, sapo ang panga.

Tila saglit na nabigla ito sa panininghal niya ngunit nakabawi rin kaagad. "I didn't mean to hit your face. Na-carried away ako. Napalakas ang sipa ko sa bola." Balewalang dinampot nito ang bola. "Bad ball." Pumalatak ito. Mukhang hindi guilty ito at tila cool na cool pa.

Hindi makapaniwala ang tinging ibinigay niya rito. "Muntik mo nang ma-deform ang mukha ko, pagkatapos iyan lang ang sasabihin mo?"

Tinitigan nito ang panga niya. "Masakit ba talaga?"

"Ano sa tingin mo?" nandidilat niyang bulyaw rito. Sa inis niya ay ngumiti pa ito.

"I'm sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya. Come on, I'll bring you to the clinic para malagyan ng ice pack iyan." He held her wrist and tried to pull her.

Marahas niyang binawi ang kamay mula rito. "Don't touch me!"

Nagkibit ng balikat ito. "Okay. Kung ayaw mo, it's up to you. Sorry na lang, kung gano'n." Tumalikod na ito, dala ang bola.

Hindi siya makapaniwala sa ginawi nito. Matapos nitong tamaan ng bola ang mukha niya ay ganoon lamang ang ginawa nito? Ni hindi niya naramdaman ang sinseridad ng paghingi nito ng paumanhin. Bagkus ay nakuha pa siyang ngitian habang tinatarayan niya ito.

Hahabulin sana niya ito para itapal ang bolang hawak nito sa mukha nito upang makaganti sa ginawa nito ngunit nahagip ng mga mata niya si Hero na paakyat sa benches patungo sa gawi nila. Nakita ba nito ang pagtataray niya? Dahil sa sakit ng panga at kabastusan ni Ruan ay nakalimutan niya na nasa malapit lang pala si Hero. Nakita niya ang paghinto ni Ruan sa paglayo. Hindi na siya nakakilos hanggang sa makalapit nang husto si Hero sa kanya. Apologetic ang hitsura nito. Tiningnan nito ng tingin ang bahagi ng mukha niyang natamaan ng bola at hinaplos iyon. Pakiramdam niya ay tila nawala ang sakit niyon ng masayaran iyon ng balat ni Hero.

"It looks like you're really hurt. We're very sorry about this, Chloe. As the team captain, I feel responsible for this."

Ganoon ang klase ng apology na inaasahan niya kay Ruan ngunit hindi nito naibigay. "I-It's okay, Hero. Mawawala na siguro ang sakit nito kapag nalagyan ng ice pack," mahinahong sabi niya.

"Come on, let me take you to the clinic." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Napatingin siya sa palad nito. Sa kabila ng nangyari ay nakuha pa niyang kiligin sa nakatakdang maganap. Kapag tinanggap niya ang kamay nito ay magkaka-holding hands sila ni Hero. Ito na ang moment na hinihintay niya. Hindi niya akalaing blessing in disguise pala ang pagkakasapol ng bola sa mukha niya. Baka iyon na ang maging simula ng closeness nila ng lalaking pinapangarap niya.

Ibibigay na sana niya ang kamay sa bukas na palad nito ngunit may kamay na biglang umagap sa kamay niya sa paglapag sa palad ni Hero. Natagpuan na lang niyang sakop na ng kamay ni Ruan ang kamay niya.

"Ako ang may kasalanan ng nangyari sa kanya kaya siguro ako ang dapat magdala sa kanya sa clinic. Nakakahiya naman sa 'yo, pare," anito sa teammate bago bumaling sa kanya. "Tara na." Hinila siya ni Ruan. Hindi na siya nakahirit pa. Wala siyang nagawa kundi ang magpatangay rito.

"Wait, Chloe! My mirror!" habol ni Adrianne sa kanya. Lumingon siya, hindi kay Adrianne kundi kay Hero. Parang gusto niyang maiyak sa sama ng loob. Pagkakataon na sana niyang makasama ito, napurnada pa.


AUTHOR'S NOTE: This version is raw and unedited so it contains errors. You can bear with it or you can buy the published book for a polished copy. Thank you!

Chloe, The Idealistic Chick (St. Catherine University Series #7) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon