Chapter 5

3.1K 108 9
                                    


DINALA ni Ruan sa bibig ang baso ng whisky na sinalinan ng bartender. Nasa isang bar siya kasama si Tom. Niyaya niya itong pumunta roon nang gabing iyon.

"Do you love her?" tanong niya kay Tom.

"Who? Chloe?" tanong nito nang ibaba ang hawak na baso sa barcounter.

"Bakit? May iba ka pa bang girlfriend?"

Tumawa ito. "Of course, I love her."

"What do you love about her?" Muli niyang inangat sa bibig ang baso.

"She's fun to be with. She's very sweet and thoughtful. And most of all... she's a virgin."

Muntik na niyang maibuga ang ininom na alak. "What?"

"Hindi ka makapaniwala, ano? She's twenty-five and yet she's a virgin. Now-a-days, mahirap nang makatagpo ng babaeng tulad niya."

Kumunot ang noo niya. Virgin? But he took her virginity five years ago. "How did you know she's a virgin?"

"I'm her first boyfriend," proud na sabi nito. "So, naturally, virgin pa siya, 'di ba?"

Muli siyang uminom ng alak. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung may namagitan na sa mga ito. Obviously ay wala pa dahil kung mayroon na ay hindi nito sasabihin na birhen pa ang nobya nito.

"She refused to sleep with me when I tried to. Hindi pa raw siya handa."

Pinigilan niya ang mapangiti. Parang alam na niya kung bakit hindi pumayag si Chloe na makipagtalik sa nobyo nito. "So, conservative pala siya."

"Ganoon na nga."

"Masuwerte ka sa kanya."

Ngumisi ito. "I bet I am."

Chloe had bloomed into a beautiful woman. Hindi siya makapaniwalang wala itong naging nobyo sa nakalipas na mga taon.


HINDI ginantihan ni Chloe ang ngiti ni Ruan. Nagkita sila sa isang restaurant nang hapong iyon dahil sa tingin niya ay kailangan niyang makausap ito. Pinakialaman niya ang cellphone ni Tom upang malaman ang numero ng cellphone ni Ruan. Tinawagan niya si Ruan para makipagkita rito.

"So, what are we going to do? Are we going to reminisce the past?" panunudyo nito.

Nagpakapormal siya. Kung hindi lamang siya makikiusap rito ay baka pinatulan niya ito sa panunudyo nito. "Gusto kong makiusap sa 'yo. Please, 'wag na 'wag mong sasabihin kay Tom ang nangyari five years ago. Hindi mo naman siguro gusto na magkaroon ng rift ang samahan n'yo. Baka makaapekto rin iyon sa relasyon n'yo ni Tarrah kapag nalaman nila ang tungkol doon."

"Puwede ko namang sabihin iyon kay Tom ang nangyari five years ago nang hindi ko sinasabi na ako ang lalaking involved. Kaya walang magiging epekto sa samahan namin ni Tom at relasyon namin ni Tarrah kung lalabas man ang sekreto mo. Well, unless ikaw ang magbubuking sa idenity ko, which I know you wouldn't dare to do."

Hindi niya napigilan ang paggigiritan ng mga ngipin. "Napakasama mo talaga! Salot ka talaga sa buhay ko." Tumayo siya at pinagbabayo ang mesa. "Ano bang klaseng halimaw ka? Saan ka ba pinaglihi, huh? Bakit ang sama ng ugali mo? Sinira mo pag-asa ko kay Hero noon at pagkatapos ngayon sisirain pati---"

"But don't worry, hindi ko sasabihin ang sekreto natin," nakangising putol nito sa paghihisterya niya.

Bahagya siyang napahiya sa paghihisterya sa galit. Inalis niya ang galit sa mukha at naupong muli. "Mabuti naman kung ganoon."

"Sa isang kondisyon."

Nagbuga siya ng hangin. Sinasabi na nga ba niya at hindi puwedeng hindi hihirit ito. "Ano?"

Chloe, The Idealistic Chick (St. Catherine University Series #7) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon