After five years...
NAKANGITI si Chloe nang umupo sa silya sa tapat ng table kung saan niya nakita si Adrianne. Isang linggo itong nawala. Nagbakasyon ito sa Hongkong kasama ang nobyo nito.
"Hmmm... parang may kakaiba sa ngiti mo," mukhang nagdududang sabi nito.
Hindi siya umimik. Pinanatili ang ngiti.
"Kayo na ni Tom, 'no?" Nakaangat ang isang kilay na hula nito.
Hindi niya napigilan ang pagluwang ng ngiti.
Nagliwanag ang mukha nito. "Oh my god, Chloe! Finally, nagka-boyfriend ka na! Hindi ka na no-boyfriend-since-birth!"
Nalusaw ang ngiti niya at sinaway ito. "Tumahimik ka nga!" she hissed. Tumingin siya sa mga kalapit na mesa sa restaurant. "Nakakahiya."
"Anong nakakahiya doon?"
"Nakakahiya na twenty-five years old na ako nang magka-boyfriend for the first time," mahinang sabi niya.
"Eh, ikaw naman ang may kasalanan, no! Sobrang choosy mo. Lahat ng nanliligaw sa 'yo, binabasted mo. Masyado kasing mataas ang standards mo. Napaka-idealistic mo kasi."
"Masama bang maghangad ng boyfriend na puwedeng ipagmalaki?"
Umangat ang kilay ito at tumaas ang isang sulok ng mga labi. "Well, dapat mo ngang ipagmalaki si Tom."
Bumalik ang ngiti niya at tumingin sa ceiling. She thought of Tom's face. Tomas Velasco III. Twenty-nine years old. Graduate ito ng commerce at tapos na rin ng master's degree. Isa itong sales director sa isang kilalang food company---ang FTC Food Corporation--- kung saan siya nagtatrabaho bilang accounting supervisor. And most of all, he was tall, handsome and hunk. He was perfect. He was her ideal man.
"You are so lucky, girl! I'm so happy for you," kunwari ay naluluha pang sabi ni Adrianne.
"I know. My long wait is worth it," kinikilig na sabi niya.
Matagal na siyang nagpapa-cute kay Tom. At isang araw ay pinagtuunan na nga siya ng pansin nito. He wooed her suddenly. After a week ay sinagot na niya ito. One week na rin ang relationship nila. So far, everything was okay between them. They shared almost the same interests and even their zodiac signs were compatible. Ito ang kanyang ideal man.
"So, how was your first time?" tanong nito habang kumakain na sila.
Nahinto siya sa pagsubo ng kinakain. "First time in a relationship?" Itinuloy niya ang pagsubo sa pagkain pagkatapos.
"First time sa sex."
Nabilaukan siya sa narinig. Umubo-ubo siya. Mabilis nitong iniabot ang baso niya ng tubig. Tumayo pa ito at hinagod ang likod niya. Nang mahimasmasan ay nagpakawala siya ng malalim na paghinga.
"Okay ka na?" tanong ni Adrianne.
"Okay na." Hinagod niya ang kanyang lalamunan.
"So, how was it?" Pilya ang ngiti nito. Nabulunan na siya at lahat ay hindi pa rin nito kinalimutan ang tanong.
Her first time... Nakakabilaok naman talaga ang topic na iyon. Kung alam lamang ni Adrianne kung ano ang itinatanong nito. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin itong kaalam-alam tungkol sa disgrasyang nangyari sa kanya four years ago sa debut ng kapatid ni Hero.
"Ano ka ba, Adrianne? One week pa lang kami."
"Ibig sabihin, wala pang nangyayari sa inyo? Virgin ka pa rin?" mahinang asik nito.
BINABASA MO ANG
Chloe, The Idealistic Chick (St. Catherine University Series #7) [COMPLETED]
Romansa*UNEDITED* *WATTPAD VERSION* Chloe had a big secret. Five years ago, she slept with a man accidentally! Ang masama pa, ang lalaking kinaiinisan niya ang nakakuha ng kainosentihan niya-si Ruan Gonzales na wala nang idinulot sa kanya kundi disgrasya. ...