Chapter 6

3.6K 113 11
                                    


NAGKANDA-TRAPIK sila patungo sa Surigao City Port kung saan may ferry na bumibiyahe patungo sa Dapa Port kung saan naman may sasakyan patungo sa Pilar. Kaya nang makarating sila roon ay puno na ang ferry at kailangan pa nilang maghintay ng dalawang oras para makabiyahe.

Nagdesisyon si Ruan na umupa na lamang ng maliit na pumpboat para makabiyahe na kaagad sila. Inayunan iyon ni Chloe dahil gusto na niyang makarating kaagad sa destinasyon nila. Isang lalaking sa tingin niya ay nasa late-fourties ang nag-operate ng bangka para sa kanila. Manong Isko ang pangalan nito.

"Bagong kasal ba kayo at magha-honeymoon sa norte?" nakangiting tanong ng lalaki.

Nakita niya ang pagngisi ni Ruan. "Manong naman, obvious namang hindi, 'di ba? Kung mag-asawa kami, dapat magkatabi kami," angal niya sa lalaki. Sa magkabilang upuan na may bubong na tolda sila nakaupo si Ruan. Hindi ba nito nakita nang hindi niya tanggapin ang inilahad na kamay ni Ruan kanina nang mag-alok itong alalayan siya sa pagsampa sa bangka?

"Kung magtatabi kayo, hindi magiging balanse ang bangka at lulubog tayo."

Medyo napahiya siya sa sinabi nito.

"Bagay kasi kayo, eh. Kaya akala ko, mag-asawa kayo."

Napansin niya ang pagluwang ng ngiti ni Ruan. Mukhang nag-e-enjoy yata ito sa panunudyo ng bangkero. Binalingan niya ang lalaking nakatayo sa isang dulo ng bangka at nagpapatakbo ng motor niyon. "Hindi nga ho kami mag-asawa."

"Eh, ano kayo? Magkasintahan?"

Umikot ang mga mata niya sa kunsumisyon dito. Si Ruan ay tumawa nang mahina.

Tumawa ang matanda. "Nagbibiro lang ako," anito sa kanya.

"Pagpasensiyahan n'yo na ho itong kasama ko. Medyo masungit lang talaga siya," ani Ruan sa bangkero.

She twitched her lips. Tumingin na lang sa tanawin sa dagat kaysa makipag-usap sa mga ito na parehong mapang-asar.

Nagkuwentuhan ang mga ito tungkol sa magagandang pasyalan sa Surigao del Norte. Ruan seemed interested. Baka may balak itong mamasyal na kasama ang nobya nito habang naroon sila. Sana ay may ganoon ring plano para sa kanya si Tom.

"Dalhin mo ang kasama mo sa Siargao Island. Siguradong magugustuhan niya roon," pagrerekomenda pa ng bangkero kay Ruan. Tumingin at ngumiti ito sa kanya kaya naisip niyang siya ang kasamang tinutukoy nito.

"Ang kulit mo talaga, Manong."

"Bakit ba masyado kang apektado?" tanong ni Ruan sa kanya. "Parang nanunukso lang naman si Manong. Unless, may itinatago kang pagtingin sa 'kin kaya ganyan ka kaapektado sa panunudyo niya sa atin."

Napanganga siya. "Excuse me?!" Bakit ganoon magbiro ito? Parang wala silang nobyo at nobya kung makapagbitiw ito ng biro. "You know fully well na wala akong kagustu-gusto sa 'yo. In fact, I hate you."

"Diyan raw nagsisimula ang lahat, eh. 'Ika nga nila, the more you hate, the more you love daw," panggagatong ng manong.

"Manong, ihuhulog na kita riyan. Isa pa."

Nagtawanan ang dalawa. Parang gusto niyang pag-untugin ang mga ito. Dinukot niya ang kanyang cellphone at pinindot iyon upang tawagan si Tom ngunit bago pa niya makumpleto ang tawag ay nabitiwan niya ang cellphone dahil nabangga siya ni Ruan na kasalukuyang nag-aayos ng mga bagahe nila. Nahulog ang kanyang cellphone sa tubig. Dumukwang siya sa tubig at pinanood ang tuluyang paglubog niyon. "Oh no! My Blackberry..."

Nang lingunin niya si Ruan ay tila nabigla rin ito sa nangyari. Bigla siyang nag-apoy sa galit. "You jerk! Nahulog ang Blackberry ko nang dahil sa 'yo!"

Chloe, The Idealistic Chick (St. Catherine University Series #7) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon