Final Chapter

5K 300 17
                                    


"MINNIE, paki-rush itong order ni Mr. Torres, ha," utos ni Chloe sa florist sa flower shop ng kanyang mama. Tuwing weekend ay naroon siya upang mag-audit. Ang mama niya ang nagma-manage niyon. Tuwing Sabado ay siya ang naroon para may off ito.

"Yes, Ma'am," sabi ni Minnie. "Pagkatapos nitong ginagawa ko, isusunod ko agad ang kay Mr. Torres. Rush din po kasi ito, eh. Pi-pick-up-in na ng nag-order."

Pinagmasdan niya ang basket of flowers na ina-arrange nito. "Para sa anong okasyon daw iyan?"

"Walang occasion, Ma'am. Basta lang ang sabi n'yong lalaking nag-order, para sa babaeng napaka-espesyal at mahal na mahal niya." Ngumiti pa ito.

"Really? How sweet! Let me take care of this." Marunong rin siyang mag-ayos ng bulaklak dahil tinuruan siya ng kanyang mama. Kumuha siya ng mga maliliit na lobo at isinama ang mga iyon mga bulaklak na napili ni Minnie para ilagay sa arrangement.

"Wow, Ma'am! Ang ganda ng arrangement mo," wika ni Minnie nang matapos niyang ayusin ang mga bulaklak sa basket.

Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang ginawa nila. Habang inaayos niya iyon ay iniisip niyang para sa kanya ang bulaklak na iyon at galing iyon kay Ruan. "For sure, lalong mamahalin ng babaeng iyon ang lalaking nagbigay nito kapag natanggap na niya ang flower basket na ito."

"Excuse me," tawag-pansin ng isang lalaking tinig ngunit hindi niya pinagkaabalahang tingnan ito dahil nakatuon pa rin ang sa flower basket ang atensiyon niya.

She let Minnie took care of the costumer. Nang mapatingin siya sa costumer ay natigilan siya.

"Ruan?"

Ngumiti ito. "Hi, Chloe."

"A-Anong ginagawa mo rito?"

"Bumibili ng bulaklak."

Bahagya siyang napahiya sa isinagot nito. Oo nga pala at flower shop iyon. "You knew that this is my moms'?"

"Yes. Nabanggit mo sa akin ito noong nasa isla tayo, 'di ba?"

"Oo nga pala."

"Heto na ang in-order n'yo, sir," ani Minnie.

Namangha siya nang makita ang basket na buhat ni Minnie at inilapag nito sa counter---ang mismong flower basket na inayos niya. "Ikaw ang nag-order niyan?"

"Yes, Ma'am. Si Mr. Ruan Gonzales. Siya ang tumawag kanina," si Minnie ang sumagot.

Kung ganoon ay para kay Tarrah pala ang flower basket na inayos niya. Napakasuwerte naman ni Tarrah at napakaespesyal pala nito para kay Ruan. Mahal na mahal ito ng lalaking mahal niya. Parang gusto na naman niyang iyakan ito ngunit pinigilan niya ang sarili dahil magmumukha siyang tanga.

"Nice. I like the flower arrangement," ani Ruan habang nakatingin sa in-order nito.

"Syempre naman, sir. May personal touch ni Ma'am diyan," ani Minnie.

Tumingin sa kanya ang nakangiting si Ruan. "Really? Why, thanks, Chloe."

"You're welcome."

Binigyan ito ni Minnie ng card at ballpen at nagsimula na itong magsulat ng dedication sa card.

"Excuse me." Lumabas siya sa counter at lumapit sa mga bulaklak na bagong deliver. Siya na ang naglagay ng mga iyon sa mga pint. Sana ay hindi na nagpakita pa sa kanya si Ruan at um-order ng bulaklak para kay Tarrah dahil lalo lamang ipinamukha nito sa kanya---hindi man nito sinasadya---na wala na talaga siyang puwang sa puso nito. Naramdaman niya ang presensiya ni Ruan sa kanyang tabi na tila pinanonood ang ginagawa niya.

Nang tumikhim ito ay tumigil siya sa ginagawa at binalingan ito. "Yes?"

Itinaas nito ang basket sa harapan niya na ipinagtaka niya. "This is yours, Chloe."

Namangha siya sa sinabi nito. "W-What?"

"I really ordered this for you."

"P-Pero... para 'yan kay Tarrah, 'di ba? Para sa babaeng pakakasalan mo."

Kumunot ang noo nito. "Pakakasalan ko?" Inilapag nito ang basket ng mga bulaklak.

"'Di ba ikakasal na kayo next month?"

"Sinong may sabi sa 'yo?"

"Siya. I remember you even confirmed it when we last met."

"So, c-in-ongratulate mo ako dahil doon?"

Tumango siya.

"Hindi kami ikakasal. Gawa-gawa lang niya iyon."

"What?"

"We never had a real relationship, to begin with."

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"I never loved Tarrah and she knows that. She's all over me. Alam niyang wala akong feelings para sa kanya. Nakiusap siya sa akin na maging kami pero hindi seryosong relasyon. She called it a one-way relationship. Ang sabi niya, kapag nakita ko na ang babaeng mamahalin ko, iiwan na niya ako. But while I still haven't found someone I want to be with, kami pa rin. It was a weird setup. Hindi ako pumayag noong una. Pero naawa ako sa kanya kaya pinagbigyan ko siya. But I never took advantage of her feelings towards me even once, I swear. Hinayaan ko lang siya na ariian ako bilang boyfriend pero hindi ko siya inari as my girlfriend. Alam ni Tom ang sitwasyon namin."

Hope arose from her. "Ibig sabihin... hindi kayo ikakasal?"

Ngumiti ito. "Hindi kami ikakasal. I thought 'yong pangco-congratulate mo sa akin noong huling nagkita tayo ay para sa pagkaka-promote ko bilang vice president ng Trek."

"Pero bakit sinabi niya sa akin na ikakasal na kayo?"

"She probably wanted to hinder us from being together. Alam kasi niya ang feelings ko para sa 'yo, eh. Nagulat na lang ako nang sabihin niya na nahalata niya raw sa mga kilos ko. Ni hindi nga rin niya sinabi sa akin na one month na pala kayong hiwalay ni Tom. Kay Tom ko lang nalaman nang aksidenteng magkita kami kahapon na may kasama siyang ibang babae, ang ex niya."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

"I don't want to know the reason why you broke up. Ang mahalaga, wala na kayo. And if you're still in love with him---"

"I'm not anymore. Simula noong nakasama kita sa isla, nawala na 'yong nararamdaman ko para sa kanya noon," putol niya sa sinasabi nito. "And I'm sorry kung hindi ko sinabi na break na kami noong huli tayong mag-usap. Kasi ang akala ko wala na ring magiging saysay kung malalaman mo pa 'yon dahil ang alam ko ikakasal na kayo ni Tarrah."

He smiled and held her hands. "So, tatanggapin mo ba ang mga flowers na ito?" tukoy nito sa flower basket na inilapag nito.

"Hmmm... para ba 'yan sa napakaespesyal na babae para sa 'yo---?"

"At mahal na mahal ko," dugtong nito habang nakatitig nang matiim sa mga mata niya.

Parang gusto niyang maglulundag sa kasiyahan sa sinabi nito. "You really do?"

Tumango ito. "And probably, noon pa. Noong nakilala ko 'yong isang babaeng nakamaskara na napagkamalan akong ibang lalaki."

Hindi siya makapaniwala sa narinig. "You're kidding."

He touched her face lovingly. "Hindi kita nakalimutan for the past five years. I was really hoping I'd see you again. Sabi ko, kapag nakita ulit kita nang hindi kita hinahanap, ibig sabihin, you are meant for me. Just like what happened that night. You intended to be with another man but you ended up with me. That's destiny, Chloe. Lahat ng mga aksidenteng nangyari sa atin, nangyari ang mga iyon because that's destiny's way to bind us."

That was too good to be true! "I can't believe you actually believe in destiny. But yes, maybe you're right. We are destined for each other." Yumakap siya rito. He hugged her back. "I love you, Ruan. And even if we run into accidents again, basta kasama kita, alam ko, everything will all right. You are my sweet disaster."

He laughed and claimed her lips in a sweet kiss.


AUTHOR'S NOTE: Did you like it? If you do, kindly hit like and share it with your friends! Thanks for reading! :)

🎉 Tapos mo nang basahin ang Chloe, The Idealistic Chick (St. Catherine University Series #7) [COMPLETED] 🎉
Chloe, The Idealistic Chick (St. Catherine University Series #7) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon