As far as I remember, if a mortal or a peculiar one has no magical essence inside the body, that means he can never learn how to use alchemy. At dahil nag-uumapaw ang enerhiyang iyon sa katawan ng mga peculiars, lalo na sa mga dugong-bughaw, madali nilang nararamdaman kung marami o kaunti ang magical essence ng ibang tao.
"She doesn't have a single ounce of magical essence inside her."
Katahimikan.
Walang ni-isa sa amin ang nagsalita matapos iyong sabihin ni Sera. Mukha namang hindi natuwa ang prinsesa ro'n. Hinawi niya ang buhok niya, saka kami muling tinalikuran. "Pabalikin niyo na lang siya sa mundo niya para-"
"Nye!" Napahinto siya sa palalakad matapos kong putulin ang sinasabi niya. "Ayaw ko nga!"
"And why? You cannot survive here, kid. I'm a princess, that is why I know that this place is not a playground. Behind the walls of this academy are monsters. Using a weapon is not enough to survive."
"Still!" I insisted. "Kapag bumalik ako ro'n, mamatay lang din ako. Remember those creatures that Damien warned me about? Those reapers? Kapag bumalik ako sa mundo namin, papatayin lang nila ako dahil alam ko na ang tungkol sa lugar na ito."
Saka, sino ba ang nagsabing naniniwala ako sa 'yo?
Hindi nakasagot ang bugnuting prinsesa sa sinabi ko. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad na para bang hindi ako naririnig.
"The worst thing that could probably happen, is those reapers, killing my family," kunot noong sabi ko, kaya hinawakan ako sa braso ni Avery. Akala siguro niya susugurin ko si Sera.
But I am not like that.
Bumuntong hininga ako, at ginaya ang palagi niyang ginagawa na flip hair. "If it is my fate to die, then I wanna die alone. Oo, medyo maluwag ang turnilyo ng utak ko, pero kahit papaano matalino ako."
'Wag lang math.
"Tss," the princess uttered. "Huwag mong isipin na babait o maaawa ako sa 'yo dahil lang diyan sa ginagawa mo. This realm has no room for mercy."
"Ako 'to, Sera. Kaya ko 'to," nakangisi at nang-aasar na sambit ko sa prinsesa.
"Calm down, you two." Buti na lang, kasama namin si Avery. Tahimik lang siya at pangiti-ngiti, pero parang siya ang nagiging referee namin ni Sera. Ikinawit niya ang braso niya sa amin, at saka kami nginitian ng matamis. "Baka hinihintay na tayo ni Sir Librarian."
"I can walk alone!" Sera made a 'hmph!' sound before removing Avery's arm. Nagkatinginan na lang kami ni Avery sa inakto niya, at sabay na nagkibit-balikat.
After all, she's not Seraphina if she's not rude.
Umiling na lang ako, at tahimik na sinundan ang prinsesa. Gano'n din ang ginawa ni Avery. Sera did not stop walking, even after we reached the imperial staircase. Ibig sabihin, wala sa palapag na ito ang pupuntahan namin.
BINABASA MO ANG
of Sins and Heralds
AdventureUNDER REVISION | "With the sleep of the sun, the carnage has begun. . ." Maviel Chione von Heinrich was a herald of madness and enigma. An eternal walking fluff of frustration and confusion. A hurricane of distraction and manipulation. Shrouded with...