*****
FIVE
[Cathy’s POV]
Sunday na naman. Huhu. May pasok na naman bukas! >3<
Pero okay lang. Atleast, masaya. Atleast, makakasama ko na sila. Atleast makakasama ko na siya. Atleast, makakasilay ako. Atleast makakatulong ako. Atleast mapapasaya ko siya kahit sa simpleng pagtulong ko. Ang kaso nga lang.. ako ang masasaktan.
Pero, wala akong paki doon. Mahal ko eh! At gagawin ko ang lahat, kahit ano, kahit masakit, mapasaya ko lang siya. Gagawin ko talaga.
Pati minsan lang naman siya humiling sakin ah. Ba’t hindi pa pagbigyan. Debaa? ^_______^
Ugh. Made in China smile. >3<
Hmm. Ba’t kaya ganun? :/ Ilang araw palang na nagkakakilala, na-fall na agad siya? Samantalang ako! Hindi napapansin? L
Sabagay, ang ganda ganda ni Winona. Sino ba namang hindi magkakagusto dun. Ang bait bait! Kow. Sexy din. Swerte nga ng mamahalin nun eh.
Parang ako! Bwahaha. Maganda naman ako ah. Sexy. MABAIT! :P
At eto namang mahal kong Philip, aba’y nagpapalakad. Psh. Pang-asar eno? Pero okay lang na mapunta siya kay Winonang maganda, mabait etc. Kaysa naman sa iba jan! Right?
Argh. Ano ba ‘tong pinagsasasabi ko. Hindi ko dapat pinamimigay ang mahal ko, dahil parang tinotorture ko na rin ang sarili kong puso eh. Amp.
Siguro nga, hanggang kapatid lang ang turing sa akin ni Philip. Aysh. Hanggang dun na nga lang siguro.
--
Monday.
*bzzt bzzt*
1 new msg
From: ipetot panget <3
Morning rhinetot panget!
Mamaya ha. Alam mo na!
Ingat pagpasok. :P
--end--
:”> ^_____________^ <3
Waaaa. Dahil sa text niyang yun, nagtatatalon ako sa tuwa. Muntikan pa kong magslide sa hagdan. Haha. Parang di na ko nasanay eh. :D
Araw-araw niya kasi akong pinipiem pag umaga. Kaya nga araw-araw din akong kamuntikang magslide sa hagdan eh. Minsan, muntikan din mabulunan kapag saktong nakain ako pag nagtext siya. Kaya araw-araw din niyang nabubuo ang araw ko.
Kaya kapag hindi niya ko piniem, talagang nagtatampo ako. Di ko siya pinapansin. Tapos nilalambing niya ko para daw magkabati na kami. :”> Kaya nga mas gusto ko pang nagtatampo eh. XD Kahit simpleng ‘goodmorning rhinetot panget’ lang, okay na. Basta galing sa kanya. <3
Hahaha. Ang kire ko. Enebeee, syempre, mahal eh. Psh. Ang hirap pala magmahal ng manhid. Ngayon ko lang napagtanto. Nakakainis siya.
Mareplyan na nga ‘tong panget na ‘to. Kunyari hindi ko alam yung mamaya. Haha.
To: ipetot panget <3
Morning din ipetot panget!
Anong meron mamaya? :P
Ingat ka din.
--end--
Haha. Okay ba reply ko? XD
Onga pala, nagtataka ba kayo kung bakit rhinetot panget/ipetot panget ang tawagan namin?
Well, yung rhine. It’s my second name. Nakakatawa mag-isip ng name yung parents ko no? Cathy Rhine Ramos. Hindi pa pinagdugsong eh!
Yung ipe naman, nickname niya yun nung bata pa kami. Yun na ang tawagan namin, simula ng nagkamuwang kami sa mundong ibabaw. Haha. Close kami ng parents niya and vice versa. Magkabarkada kasi parents namin simula grade school ‘til now. ‘Cause they went in the same school. How nice.
Nga pala, Philip Stanley Dizon pangalan ng panget ko. Sosyal no? Tapos ipe ang itatawag ko? Hahaha. Walang basagan ng trip! K?!
*bzzt bzzt*
1 new msg
From: ipetot panget <3
Don’t call me that!
Ewan ko sayo. Psh.
--end--
Onga pala, ayaw niyang magpatawag ng ipe. Pero, yaan na. Haha. Gusto ko ding palaging inaasar yun eh. Para mapansin naman niya ako.
[Winona’s POV]
Waa. Lunch timee, ayan na naman kaming walo. Magkakasamang kumakain.
Katabi ko nga pala sa left side ko si Philip, sa right side naman si Christian. Ano ba yan. Pinagitnaan pa ko ng dalawang ‘to. Pasalamat kayo at gwapo kayo. Haha.
“Eto oh, chocolate.” Inofferan ako ni Philip ng chocolate. *Q*
“Ah, nakakahiya naman.” Syempre, pakipot effect ang peg ng lola niyo. Pati hindi pa naman kami masyadong close eh.
“Tanggapin mo na, okay lang yan.” He winked at me. :”> Shet. Nagsmile lang ako, then kinuha ko yung chocolate. “Ah, salamat. ^_________^” Waaa. I love chocolates. Kaya wagas ako makangiti. XD
Maya-maya, inofferan naman ako ni Stian ng paborito kong Dutch Milk! Waaa. Di ko alam kung nang-aasar ba ‘to eh. psh. Palagi niya akong binibigyan nito noon pa. hanggang sa maging paborito ko na. XD
“WAAAA. DUTCH MILK. Salamat Stiaaaaan. ^___________^” Nagliwanang naman daw ang beautiful face ko! XD
Nagsmirk lang siyaa. Wew, onga pala. Inaasar niya kong Dutch milk. Huhu.
Inofferan naman ako ni Cess ng lollipop. “Mahal na budha, eto na po ang pagkain kapalit ng---“ di ko na pinatapos pa.
Binatukan ko ang luka. “Hoy, anong mahal na buddha ka jan?! I’m not a god. Pfft.”
“Aray! Sakit naman. Haha. Eh kanina pa kasi may nagooffer ng pagkain sayo eh. para kang santo jan. XD”
“Hahahahahaha!” –Cathy & Jhoan. Ay nako. Nakisali pa ‘tong dalawa.
“Ewan ko sainyo.” Inirapan ko nga. Haha.
Uy, infairness. Di ako inaasar ni Stian ngayon. Tahimik lang siya. May iniisip atang malalim, di ko reach. XD
Aysh. Di ko mapigilang hindi mapatingin kila Jhoan at Darrel mehn. Nasa harap lang kasi namin ay.
Hay, ba’t ganun. May thought na nagsasabi sa aking agawin ko si Darrel kay Jhoan. Meron ding, hayaan ko nalang silang maging masaya. Ay ewan. I feel so jealous and contented at the same time. Alam niyo feeling nun? Ako kasi hindi eh. XD
Ewan ko ba kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko pag nandyan si Kerubin. Ano bang meron siya na wala sa iba? Aish.
*****
BINABASA MO ANG
Destiny Fooled Us Both
Teen FictionAno nga ba ang dahilan kung bakit hindi kayo pwede FOREVER nung taong minamahal mo? Maliit o malaki man yang rason na yan, MASASAKTAN AT MASASAKTAN KA PA DIN! -prinseys