*****
NINE
“Ano ba yan, ba’t ba ayaw pang pumasok nung bagong student na yan? Sinasayang niya yung oras. Pa-VIP! Hindi na tuloy nakapagdiscuss si mam,” Sabi ni Cess na nakakunot noo.
At bigla namang pumasok na yung bagong student.
Itsura namin ni Princess: O_O
Yung mga kaklase naming mga babae, naghiyawan! Kesyo ang gwapo daw, kesyo ang ganda daw ng katawan! Ay, ewan ko sa kanila! Eto namang si Princess, nakatulala pa din. Ohmy.
“Huy Bhes, mukhang kailangan niyong ituloy yung pagpapanggap niyo ni Alex! Patay ka. Humanda ka na,” Sabi ko sa kanya. At napatingin naman siya sa akin.
“Eto na nga ba ang kinatatakutan ko Bhes eh. Mukhang mapapakapit ako neto sa patalim,” Seryosong sambit niya.
Natawa naman daw ako dun sa sinabi niya. “Hahaha. Sa lagay, patalim si Alex?” Tumawa din naman siya. “Oo. Haha. No choice eh. Sana lang pumayag yung enemy ko na yun.”
“Aaaah. So, kailangan mo palang magpakabait kay Alex ngayon.”
“Tumpak ka jan bhes, at sana lang wag nang lumaki pa lalo ang hihingin niyang kapalit sa akin!” Nagbuntong hininga nalang siya.
Oo nga pala. Dahil wala na daw libre sa mundo ngayon, may kapalit daw na hihingin si Alex sa kanya bilang pagpapanggap nila, kaso hindi pa daw nasasabi ni Alex eh. Baka nag-iisip pa yun. Or baka may evil plan yun. Nako, enemies pa naman daw sila. >_<
“Okay, introduce yourself young man.” –mam.
“Chester John Reyes. CJ for short. From Star Academy. And I transferred here because of a girl, a girl I love.” Oo tama kayo, si Chester na ex ni Princess ang transferee.
Mukhang nagulat naman si Princess sa sinabi ni Chester. Miski ako!
Wow lang ha, lumipat pa talaga siya para lang kay Princess. At ang kapal din ng mukhang niyang sabihin na mahal niya si Princess, matapos ng ginawa niya sa kanya!
Bigla naman tumayo si Princess, “Mam, cr lang po ako.”
Nagnod naman si mam sa kanya.
“Okay ka lang Bhes?” Tanong ko sa kanya.
Nag-smile naman siya at nag-okay sign at lumabas na. Nakita ko namang nakatingin si CJ kay Cess nung papalabas na.
Eto siguro yung sinasabi ni CJ kay Cess noon na gusto niya ulit mapalapit at mapasakanya ulit si Princess kaya siya lumipat dito sa Angel’s Academy.
[Third Person’s POV]
(Note: Gusto ko lang magtry gumawa ng narration part with the Third Person’s POV. Pasensya na rin kung wala pa kong POV ng mga boys na nailalagay, wait nalang natin ang right time to know what are they thinking.)
Lumabas na si Princess hindi para pumunta sa CR bagkus ay doon siya pumunta sa room nila Alex para kausapin ito tungkol sa kanilang fake relationship.
Pagkarating niya doon ay nakita niyang seryosong nakikinig ang mga estudyante sa tinuturo ng teacher at kumatok naman ito.
“Mam, excuse po kay Alex,” Napatingin naman sa kanya lahat ng estudyante sa loob dahil sa pagkakabasag niya sa serious atmosphere. Mukhang nahihiya na tuloy si Princess.
Lumapit naman si Alex sa kanya at nginitian ito ng masama.
“Kailangan nating mag-usap,” Sabi ni Princess sa kanya.
“Hindi pa ba tayo nag-uusap ngayon?” Okay, note the sarcasm.
Napakunot naman ang noo at napakuyom naman ang kamay ni Cess dahil sa sinabi sa kanya. Gustong-gusto na niyang isako at itapon sa ilog ‘tong nilalang na nasa harapan niya pero hindi niya magawa dahil kay CJ. Kaya’t naisip niya na kailangan niyang magpakabait dito.
Ngumiti na lamang si Cess kay Alex, “Importante ‘to. Kailangan ulit nating magpanggap.”
“Magpanggap? Bakit? Para san pa?”
“Oo, as in fake relationship. Dahil lumipat dito yung ex ko. At ang masaklap pa’y, kaklase namin siya.”
“Hmm. Wala pa nga ako nahihinging kapalit sayo dun sa nauna magkakaroon na naman ng panibago?”
“Eeeh! Pagkatapos nalang nating magpanggap, tsaka mo ko singilin ng kapalit. Kahit ano pa yan! Basta’t kaya ko, go lang. Kaya pumayag ka na. Puhleeaaaaaaase,” Pagmamakaawa niya. Nag-pout pa siya.
“Hmm. Gagawin mo talaga kahit anong ipagawa ko sayo?” Mukhang may binabalak si Alex sa kanya, pero ayoko munang ibunyag sa inyo kung ano iyong hihingin niyang kapalit dahil baka magbago pa ang kanyang isip sa paglipas ng panahon.
“Oo nga! Gusto pang paulit-ulitin? Unli ang peg?! Sagutin mo na kasi. Are you in?” Desperada niyang pagtatanong.
Ngumiti naman ng mapanloko si Alex, “Yes. I’m in.”
“Humanda ka sa hihingin kong kapalit sayo Princess,” Sa isip-isip ni Alex.
Sa classroom naman nila Princess ay kinakausap ng teacher si CJ.
“CJ, malapit na ang exam. Kailangan mong makahabol sa mga lessons. Uhm, I think Ms. De Vera can help you on your lessons.”
Nagulat naman si Winona sa sinambit ng kanilang guro. “Nako, patay tayo jan,” naibulong na lang niya.
At dahil tutol si Winona, “Mam! I think, hindi po pwede si Princess dahil madami din po siyang ginagawa eh. Sa iba niyo nalang po siya paturuan, mukhang madami din naman pong iba jan ang gustong turuan yang si CJ eh.”
Tama nga si Winona, marami ang gustong turuan si CJ dahil matapos niyang sabihin yun ay marami ang nagtaas ng kamay, puro mga babae.
Wala namang nagawa ang teacher kundi ang pumili na lang doon sa mga nakataas ang kamay.
‘Sayang, si Princess na sana eh! Umepal pa ‘tong si Winona. Hmm. Sabagay, di ko rin siya masisisi dahil sa nagawa ko sa bestfriend niya.’ Sa isip-isip ni Chester.
Nakahinga naman ng maluwag si Winona at bigla namang dumating si Princess.
Bumalik na ulit sa pagtuturo ang kanilang teacher, sinabi naman ni Winona kay Princess ang muntikang pagtututor niya kay Chester. Buti na lamang daw ay hindi siya.. dahil kung siya. HINDI NIYA NA ALAM ANG PWEDENG MANGYARI!
Dahil baka mahalay niya si CJ, I mean baka mapatay niya!
“Oh, ano nga pala sabi ni Alex sayo? Pumayag ba?”
“Oo, pumayag naman siya. Mukhang may binabalak yun sa akin, ano kayang hihinging kapalit nun. Psh.”
“Ay nako bhes, siguro naman hindi ka nun pahihirapan! Kung hindi nako, lagot sakin yun!”
“Haha. Oo nga bhes! Matakot sana siya sa atin! Batas tayo eh.”
“Basta. Nandito lang ako sa tabi mo ha pagkinailangan mo ng kakampi bhes. I’m always ready to help you.”
“Psh! Ang drama mo bhes. Di bagay sayo! Haha,” At nagtawanan na nga silang dalawa. Medyo nawala nadin sa isip nila yung bago nilang naging kaklase.
Hindi na din sila nakapakinig sa kanilang guro. Nung break time na ay nagpunta sila sa canteen.
“Ay oo nga pala!” May naalala si Cess at may kinuha siya sa bag niya.
Inabot niya ito kay Winona, “Nakita ko yan kanina sa ibabaw ng locker mo nung dumaan ako dun.”
*****
BINABASA MO ANG
Destiny Fooled Us Both
Novela JuvenilAno nga ba ang dahilan kung bakit hindi kayo pwede FOREVER nung taong minamahal mo? Maliit o malaki man yang rason na yan, MASASAKTAN AT MASASAKTAN KA PA DIN! -prinseys