CHAPTER 3: Co-Member

57 5 4
                                    

Natapos ang first class nang wala ako sa Mood. Nakakainis yung Andrew na yun. pagkatapos akong asarin, bigla nalang naging masungit saakin. tinatanong ko siya kung bakit siya nag shift ng course dahil ang sabi nila HRM student siya. pero biglang naging IT student na siya. at dahil di nya ako kinikibo, naasar ako lalo sakanya.

Dumiretso kami ng Comfort Room para mag retouch. hindi pala ako, kundi si Kathy at Janine lang. Hindi kasi ako palaayos na tao. kahit College na ako, hindi parin ako marunong mag make up sa sarili ko. Allergy din siguro ako dun dahil marami akong pimples. Kung itatabi mo ako kay Janine, mapagkakamalan mo lang akong dakilang alalay ng isang Janine Santillan. Matangkad siya at nasa 5'8 ang height samantalang 5' flat lang ang height ko. Sobrang liit para sa isang 4th yr. College Student. Kung titignan mo naman sa kulay, mahihiya ang alikabok na dumapo sa mala porselana nyang kutis, pero saakin, punung puno ata ng alikabok. Hindi naman sa maitim ako pero hindi rin ako maputi. Morena lang ang kutis ko kumpara sakanya. Matangos ang kanyang ilong , may mapupulang labi at mapupungay na mga mata. Swerte siya dahil ang Daddy nya ay isang American. Pero kahit ganun, matalik kaming magkaibigan dahil hindi sya tulad ng iba na maarte. Mabait sya at kahit hindi kami magkalevel ng beauty, tanggap niya ako! Mayaman sila at nagmamay ari ng isang Business Company. kung sa estado ng buhay, wala kaming yaman pero kahit papaano ay stable naman ang pamumuhay namin. at isa pa, Scholar din ako ng School na pinapasukan ko, Ang 'HillFord Academy'.

Si Kathy naman, mayaman din sila tulad ni Janine pero kung sa ganda, walang wala parin kami kay Janine.

---

Hindi nagtagal ay lumabas na din kami at pumunta na ng Cafeteria. Madaming tao ang nandun at halos wala na kaming maupuan nang biglang may tumawag sa pangalan ni Janine. Paglingon namin sa table na tumawag kay Janine, Nakita ko si Kean na sa pagkakatanda ko ay ang katabi nya sa seating arrangement. Kasama nito si Josh na katabi naman ni Kathy.

"uy girl tawag ka ni Kean. may vacant seat pa sa tabi nila. dali punta na tayo sakanila"

"wag na kathy nakakahiya. puro sila mga lalaki. tsaka tatlo pa sila dun. hindi kaba nahihiya?"

"bakit naman ako mahihiya trish, e sila nga tumatawag kay Janine"

maya maya, lumapit saamin yung Kean at niyaya si Janine na sumabay na sakanila kumain since wala nang ibang vacant seat. wala na kaming nagawa kundi sumunod sakanila. pagkarating namin dun, agad kong nakita ang naka earphone na naman na si Andrew. hindi ko siya namukhaan kanina dahil  nakatalikod siya saakin. patapos na silang kumain nang mapatingin saakin si Andrew. wala siyang emosyon nang binaling nya ulit ang atensyon nya sa pagkain.

"Paano ba yan miss, 2 vacant seat nalang ang available. good for 5 person lang kasi itong table na to. si Miss Janine at Kathy lang ang makakaupo."

sabay sabi nung isang lalaki na katabi ni Andrew. Siya naman si Josh.

"Ah ganun ba? sige hahanap nalang ako ng ibang table. sige diyan na kayo Janine."

paalis na sana ako nang magsalita si Andrew.

"Dito kana. tapos na ako"

dali dali siyang tumayo at lumakad. sa Library daw muna siya sabi niya sa mga kaibigan nya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpapasalamat nalang at umalis na siya para makakain na ako.

"Hi Janine. Kean Santiago nga pala. your Seatmate" sabay pacute na ngiti nung Kean kay Janine. sabi na nga ba at type nito ang kaibigan ko.

"Ah, Hi din! thank you nga pala sa pagpapa share nyo ng table saamin. wala na kasing vacant eh"

"No problem Janine. just for you. ayaw naming nakikita kang nakatayo lang dun samantalang kami ang sarap  na ng upo dito. if you want, dito nalang din kayo sa table na to kumain lagi"

"oh sure. anyway, anong pangalan nung umalis na kaibigan nyo?"

"Ah yun ba? si Andrew yun. bakit mo naman natanong?"

"Ah, eh, wala lang."

Nakita kong nailang si Janine sa tanong nyang yun kay Kean kaya tumahimik nalang siya. hmm. mukhang type ni Janine si Andrew ah. Eh mukhang gusto naman din siya ni Kean.

Goodluck nalang sakanila. pero kung saakin lang, ayaw kong ma fall si Janine kay Andrew. Napaka Antipatiko nun. sasaktan lang din siya nun.

---

Natapos kaming kumain at sabay sabay na din kaming pumunta sa next class namin. Tulad kanina, may seating arrangement na namang ginawa ang Prof. namin sa Psychology. at pati sa subject na to ay pagtitiisan ko ang moody na ugali nitong Andrew na to.

Hindi naman nagtagal at dinismiss na din ang klase namin. Hindi parin naman kasi ito ang regular class. next week pa.

Alas kwatro na nang hapon pero hindi parin kami umuuwi. may practice kasi ako ng Choir sa Glee Club. 1st year palang kami ay may iba't ibang organization/Club na kaming sinalihan. Ako sa Glee Club, Si Kathy ay sa Theater Arts Club At si Janine ay sa Volleyball naman ang forte nya.

Naghiwa-hiwalay na kami at dumiretso na sa Studio para mag practice ng Choir. kahit papaano, may maipagmamalaki naman ako sa pagkanta. Nang makarating na ako sa Studio, madami na ang nandoon. Nakita ko ang iba kong kakilala at nilapitan ko sila.

"uy, alam mo ba Trisha, may bago tayong co-member dito sa Club" sabi ni Steff.

"At balita ko, gwapo daw! excited na tuloy ako." ang sabi naman ni Claire .

"sino naman kaya yun?"

Saktong pagkasabi ko nun ay may pumasok sa loob ng Studio.

"Sorry I'm late"

Literal akong napanganga nang makilala kung sino yung tinutukoy nila.

"hala ang gwapo nya Trisha. grabe I can't believe this. may ka member na tayong gwapo" yugyog saakin ni Steff na tila nagpipigil ng kilig.

"Ang gwapo! May mala adonis sa harapan ko. pahiram panyo tumutulo na laway ko dito"

Isa pa tong si Claire. halos gawin ng basahan ang damit ko kakapunas sa labi nya kahit wala namang laway.

Natigil lang sila ng magsalita ang Instructor at sabihing maupo muna kami at magkakaroon ng maikling orientation. Nabalik lang ako sa katinuan ko nang lumapit siya saakin at tumabi sa inuupuan ko.

"pwede mo nang itikom ang bibig mo. baka mapasukan pa ng langaw"

Ang sama talaga ng taong ito.

sobrang malas ko talaga at hanggang dito ay makakasama ko parin siya.

Beautiful in your EyesWhere stories live. Discover now