CHAPTER 7: Horror Movie

37 5 6
                                    

Pagkatapos naming kumain kasabay sila Andrew at Lorraine, nagyaya naman si Kean na manuod ng movie. Since tanghali palang naman, sumama narin ako sakanila. Nasa likuran lang namin ni Josh sila Andrew habang si Kathy naman ay kanina pa kinukulit si Andrew kakatanong kung  sino daw ba si Lorraine. buti nalang at hindi naaasar si Lorraine sakanya. mukha naman pati siyang mabait.

Bumili muna sila ng Popcorn bago kami pumasok sa loob ng Sinehan. Ang napili nilang panuorin ay Horror Movie. Yan paman din ang ayaw ko sa lahat. matatakutin kasi akong tao. Naunang umupo si Kean katabi si Janine. pinauna naman ni Andrew si Lorraine kaya nasa kaliwa siya nito. Inantay ko munang umupo si Josh pero pinauna nya ako. Bago ako maupo, napatingin saakin si Andrew. ngayon ko lang napansin, makakatabi ko pala siya. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo nalang.

nang makaupo narin sila Josh at kathy, naghintay muna kami ng ilang minuto bago nagsimula ang palabas.

"Okay ka lang ba Trisha? hindi kaba nilalamig?"

"hindi ayos lang ako Josh. hindi pa naman ako nilalamig."

nginitian ko lang siya at binalik ang atensyon sa pinapanuod namin.

"Ang lamig. Hindi ako nakapag dala ng Jacket. Hindi mo naman kasi sinabi sakin Drew na manonood pala tayo"

Nakita kong hinahaplos ni Lorraine ang magkabila nyang braso tanda nang nilalamig na siya.

"Sorry. hindi ko rin kasi alam eh."

Agad na tinanggal ni Andrew ang Jacket nya at ipinatong sa balikat ni Lorraine. Natuwa naman ako sa ginawa niya. May pagka gentleman din pala ang isang 'to.

"oh. thank you. ang sweet sweet mo talaga" sabay kurot nya sa magkabilang pisngi ni Andrew. Nakita kong napangiwi siya sa sakit. pero kahit ganun, ayos lang sakanya. marahil ay sadyang mahal na mahal nila ang isa't isa kaya ang sweet nila. pero teka, hindi ko nga pala alam kung sila ba talaga. ay ewan ko. tinuon ko nalang ulit ang pansin ko sa aming pinapanuod. Nung una, ayos pa ang palabas, pero nang bandang kalagitnaan na, hindi ko na napigilang sumigaw sa takot lalo na nung may basag na mukha na nagpakita sa isang batang lalaki sa loob ng kwarto nito. Agad akong kinilabutan sabayan pa ng lamig na unti-unti ko nang nararamdaman.

"Ayos ka lang Trisha? Hindi mo naman sinabing matatakutin ka pala. edi sana hindi nalang Horror pinanuod natin"

Natatarantang sinabi ni Josh at biglang hinubad ang suot nyang itim na Jacket at ipinasuot saakin. Napansin nyang kanina pa pala ako nilalamig.

"Ayos naba? hindi kana nilalamig?"

"Hindi na masyado. salamat. sobrang lamig na kasi, sabayan pa ng nakakatakot na palabas. hindi kasi talaga ako sanay manuod ng mga ganyan"

pagtingin ko sa screen, mas lalo akong napasigaw nang makitang hawak hawak na nung basag ang mukha yung leeg nung bata. Bigla ko nalang naramdaman na may pumulupot na braso saakin. pag tingin ko, naka yakap na pala saakin si Josh. Nailang ako sa ginawa nya kaya naman napabitaw ako sa yakap nya.

"Sorry. di ko sinasadya. takot na takot ka kasi kaya ko nagawa yun. Na offend ba kita?"

"Hindi naman. Nabigla lang ako. sorry din"

napaiwas ako ng tingin sakanya. Nanuod nalang ulit ako. buti nalang at wala na yung kanina. Pinipigilan ko nalang ang sarili ko na mapasigaw kahit may pagkakataong napapatakip ako ng mukha sa sobrang gulat. Lumipas ang sampung minuto at mas lalo kong naramdaman ang lamig sa loob ng sinehan kaya naman pinagdidikit ko nalang ang palad ko at sabay hihipan para mawala ang lamig. hindi kasi ako sanay sa sobrang lamig. wala naman kasi kaming aircon sa bahay.

Patuloy ko lang ginagawa yun dahil kahit papaano ay nawawala ang lamig nang biglang may humila sa kanang kamay ko. akala ko ay si Josh nanaman yun pero imposible kasi nasa kaliwa ko siya. Agad akong napatingin sa lalaking nasa kanan ko na seryosong nakatingin sa screen at nanunuod na tila walang ginawa. Agad ko namang hinila ang kamay ko sakanya pero tila walang epekto dahil mahigpit ang hawak nya. Napatingin naman ako sa babaeng katabi nya na si Lorraine. hala, baka makita nyang magkahawak ang kamay namin. baka ano pang isipin nya. lagot ako nito. Gaya nga ng sinabi ko, bigla siyang napatingin saakin at sa kamay naming magkahawak ni Andrew. dahil dun, mas pinilit kong tanggalin yung kamay ko pero mas lalo lang din humigpit iyon. Kinakabahang tumingin ulit ako kay Lorraine, pero laking gulat ko nang ngitian nya lang ako. huh? hindi manlang siya magagalit o magseselos?

"Manuod kana. wag kang mag alala hindi kita bibitawan"

Dun lang nabalik ang paningin ko sakanya. Ano ba talagang nangyayari sakanya at bigla nya nalang hinawakan ang kamay ko? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba. Para mawala tong weird feelings na to, mas mabuting ituon ko nalang ang atensyon ko sa palabas. pero infairness ah, effective yung paghawak nya saakin. medyo nawawala na yung lamig.

Malapit nang matapos ang palabas kaya naman naramdaman kong binitawan nya na ang kamay ko. Sayang naman. Ay, ano ba tong mga pinagsasabi ko. erase erase.

"Grabe buti kinaya ko pa yung pinanuod natin. Ang intense"

pagkalabas namin sa sinehan, yan agad ang sinabi ni Kathy.

"tama ka. buti na nga lang at andiyan si Kean at medyo di ako masyadong natakot" sinabi ni Janine.

"oh, wala yun Janine. basta ba para sayo eh" sabay kindat ni Kean kay Janine.

"e ikaw naman Trisha? kanina lang sigaw ka nang sigaw ah? bakit natahimik ka? kung kelan naman mas intense na yung palabas eh"

"Ah, Eh kasi Kathy ano eh"

"Lets go home guys. pagod na daw si Lorraine. gusto nya nang magpahinga"

hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Andrew. pero buti nalang din dahil hindi ako makasagot kay Kathy at hindi ko naman pwedeng sabihin sakanila yung nangyaring paghawak ni Andrew sa kamay ko. para saakin wala lang yun.

"Tama ka Andrew. kailangan na din sigurong umuwi ni Trisha. kaso di ko naman siya mahahatid sakanila dahil hindi ko dala kotse ko. kung alam ko lang na andito pala siya, edi dinala ko na!" sabi naman ni Josh

"Ano ka ba okay lang. sanay akong mag commute. Mauna na ako sainyo para di ako gabihin. Nag enjoy din ako. Sige bye guys"

paalis na ako nang magsalita ulit si Josh.

"wait lang Trish, pwede ka namang ihatid ni Kean eh. sakanya ka nalang sumabay"

"Ako na! Ako na maghahatid sakaniya pauwi"

napalingon ako sa taong nagsalita. seryoso ihahatid ako ni Andrew?

"Oh,  edi kung ganun, ayos na pala eh."

Nung una tutol ako sa gusto nila dahil narin kay Lorraine, pero nang tanungin na nila si Lorraine kung okay lang at sabihin nitong ayos lang naman sakanya, wala na akong nagawa kundi sumabay sakanila. sumabay naman si Janine kay Kean sa kotse nito. nagsabay naman si Josh at Kathy pauwi since wala naman silang sasakyan. Nang nasa parking lot na kami, biglang pumasok si Lorraine sa likuran ng kotse. bakit dun siya umupo? dapat sa tabi siya ni Andrew. wala na akong nagawa nang buksan ni Andrew ang pintuan ng passenger seat. so ako talaga ang uupo doon?

"Hayaan mo na siya sa likod. gusto nya diyan umupo pag pagod na siya. nakita mo naman siguro na tulog na siya"

Nakita kong tulog na nga kaagad si Lorraine. ganun pala siya kabilis mapagod.

Pinaandar na ni Andrew ang sasakyan niya. sasabihin ko na sana ang address ko pero pinigilan nya ako. siya na daw bahala. hala, baka kung saan ako iuwi nito. pero dahil sabi nya, hinayaan ko nalang siya. Wala pang 20 minutes, tumigil na ang sasakyan niya. pag tingin ko kung asan na kami, nagulat ako nung nasa tapat na ako ng bahay namin.

"Paanong?"

"Wag ka nang magtanong. bumaba ka nalang" walang emosyon nyang sinabi. Agad naman akong bumaba. Magpapaalam pa sana ako sakanya nang paandarin nya na ito ng mabilis.

Grabe, napaka bipolar niya. di ko siya maintindihan. naging masungit na naman. pero ang ipinagtataka ko, pano niya nalaman address ko?

Beautiful in your EyesWhere stories live. Discover now