CHAPTER 1: The Encounter

75 5 2
                                    

(Trisha's POV)

Mahimbing pa akong natutulog nang biglang may kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko.

"ATEEE. Anong oras na hindi ka parin gumigising. Kahit anong pilit mong matulog, hindi kana tatangkad Ate. mas lalo ka pang papanget nyan sige ka!"

sabay tawa nang malakas ng kapatid ko. Hilig nya akong asarin pero kahit ganun, mahal ko parin yan. Makulit lang talaga.

"5 minutes Tyler. antok pa ako."

"Ay nako ate, nagagalit na si mama sa baba. kagabi ka pa daw hindi lumalabas diyan sa kwarto mo. At tsaka anong oras na. late ka na niyan sa School"

"oh sige na. bababa na ako. saglit lang"

"okay. sumunod ka nalang ate"

Hindi na ako nag ayos pa at dumiretso na sa kusina.

"oh mabuti naman at bumaba kana. kagabi ka pa nasa kwarto mo. hindi kapa kumain. ano bang ginagawa mo ha at nagpapagutom ka?"

"Sorry ma, tinatapos ko lang yung Report ko para mamaya kaya hindi na ko nakakain kagabi"

"kaya pala mas lalo kang Gumaganda ate, lagi ka kasing Stress. hahaha"

"Tyler, yan ka na naman. lagi mo nalang inaasar ang ate mo"

"Hayaan mo na ma. totoo naman siya eh. Hindi na nga maganda, lalo pang lumalala. Dumadami na naman pati pimples ko"

"Di bale anak, bibili ako ng cream bukas para diyan sa pimples mo. Basta kumain na muna kayo at baka malate na kayo sa School"

"Sige po ma"

---

Pagkatapos kong kumain, naghanda na ako para pumasok. Binilisan ko nalang ang pagkilos at hindi na ako nag apply ng kung anu-ano sa mukha ko. Hindi ko rin naman hilig yun. Nang matapos ako, nagpaalam na ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi. Hindi kami sabay ng kapatid ko dahil magkaiba kami ng School. High School palang siya at College Student naman ako.

Nag abang ako ng tricycle sa harap ng bahay namin papuntang paradahan ng Jeep. Commute lang ako lagi dahil hindi naman kalayuan ang School ko. At sa sobrang malas nga naman, pagdating ko sa paradahan, puno na ang Jeep na sinasakyan ko. Matagal pa ulit mag hihintay para sa panibagong Jeep. Late na ako nito panigurado. 10 minutes na at wala parin nang biglang may bumusina ng malakas sa Likuran ko. Napatalon ako sa gulat dahil dun.

"Hoy. grabe ka. Hindi mo ba nakikita na may tao dito? At tignan mo ang ginawa mo? natalsikan yung Uniform ko ng putik. Grabe napaka careless mo namang driver manong"

pagkasabi ko nun, biglang bumukas yung bintana ng sasakyan ni manong.

"What did you call me? 'Manong?' Excuse me pero mas mukha ka pang manong saakin"

"Anong sabi mo? aba. babae po ako hindi ako manong. Antipatiko to ah. Gwapo ka paman din sana" siyempre hindi ko nilakas yung huli kong sinabi.

"Really? okay Sir, I mean Miss, ikaw ang nakaharang sa daan kaya kita binusinahan, kaya pwede tumabi kana? male late na kasi ako eh"

"Abat. Ang yabang nito ah. porket hindi ako maganda makapanlait ka Manong Ah "

Hindi nya na ako narinig dahil pinatakbo nya na ang sasakyan niya.

Ang malas ko talaga ngayong araw. Late na nga, nadumihan pa ang damit, at nalait pa nung antipatikong lalaking yun. Makita ko lang siya ulit, makaka ganti rin ako sakanya.

Beautiful in your EyesWhere stories live. Discover now