CHAPTER 9: Instant Gift.

41 4 4
                                    

Nasa tapat na ako ng Studio Room ng mapansin kong tila wala namang mga tao sa loob. Dahil nandito narin naman ako, tumuloy nalang ako sa loob. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang tao na nakatalikod saakin.

"Excuse me po, nasan po yung ibang tao dito?"

pagkalingon niya saakin, si Andrew lang pala. akala ko naman kung sino.

"Oh ikaw pala yan. bakit ikaw lang nasaan yung iba?"

"Hindi ko alam. pumunta lang ako dito kasi sabi nila may practice"

"ou nga daw. kaya nga rin ako pumunta dito. may narecieve kasi akong message galing sa unknown number. nareceive mo din ba yun?"

"h-ha? ah oo nareceive ko din. kaya nga pumunta ako dito"

pagkasabi nya nun, nag iwas siya ng tingin saakin.

"Baka nga may practice. Nauna lang tayo sakanila. Mag antay nalang tayo baka dumating din sila"

Umupo ako sa isang tabi kung saan magkaharapan kami ni Andrew. Wala parehong nagsasalita saamin at ayaw ko din naman siyang kausapin baka sungitan na naman ako.

Nag Hintay lang kami ng mga ilang minuto pero wala paring dumarating. Ano ba yan, may practice ba talaga?

"Andrew, nasan naba sila?"

hindi siya sumagot ni lumingon saakin.

"Hoy Andrew, naririnig mo ba ako? wala naman ata sila uwi nalang tayo"

"oo naririnig kita. sayang naman pagpunta natin dito kung hindi natin sila hihintayin."

"Okay. sige sabi mo eh"

kinalikot ko nalang yung kuko ko. gawain ko to pag naiinip ako. minsan naman kinakagat ko ang kuko ko.

"Para ka talagang bata"

napatingin ako kay Andrew. alam kong siya lang naman ang nagsalita dahil kami lang dalawa ang nandito.

"Ano na naman yun? bata naman talaga ako eh! di katulad mo damulag"

"Aba. sinong damulag ha? ikaw nga duwende eh! tignan mo, ang liit mo"

"Grabe ka. makapanlait to. kala mo naman kung sinong Goodlooking guy. tss! Small but terrible to"

"Oo na. niloloko ka lang eh. di kana mabiro."

"Ewan ko sayo. Bipolar. Oh ano na hindi paba tayo uuwi? wala naman atang practice eh."

"Hindi na sila darating"

"Ha? sino nagsabi sayo? hayy. nasayang lang tuloy pagpunta ko dito"

"Basta wag ka ng magtanong. hindi na sila darating. Samahan mo nalang ako para naman di masayang oras mo"

"Saan naman kita sasamahan? Tsaka gusto ko ng umuwi. magpapahinga pa ako!"

"Bakit saan ka napagod? sa panonood kay Josh kanina sa practice? Tss. Basta samahan mo nalang ako sa Mall. may bibilihin ako"

"Oy oy. saglit lang naman yung gamit ko"

Bigla nalang akong hinila ni Andrew kaya naman naiwan ko yung gamit ko. babalik sana ako pero siya na ang kumuha nito habang hawak parin ako sa braso.

"Bakit mo pa ba ako isasama? ano ba kasi yung bibilhin mo? pwede naman sigurong ikaw nalang isasama mo pa ako"

"May pinapabili saakin si Lorraine bago ako pumunta sakanila. Gusto nya ako mamili para sakanya kaso di ako marunong tumingin ng magandang gamit para sa babae"

Beautiful in your EyesWhere stories live. Discover now