CHAPTER 2: Mr. Earphone

39 5 3
                                    

Nakarating ako ng School ng marumi ang Uniform dahil sa mayabang na lalaking yun. Hindi na muna ako pumasok sa room at dumiretso sa Cubicle. Kinuha ko yung panyo ko at binasa ng tubig para matanggal yung putik sa palda ko. buti nalang at hindi natalsikan ang blouse ko kundi, magmumukha akong lumangoy sa putikan. Aasarin na naman ako ng mga classmate ko panigurado. Wala na ngang maganda saakin, ang dumi ko pa! kainis naman talaga yung Mr. Manong na yun. After 15 minutes, napagpasyahan ko nang lumabas ng Cr at pumasok ng room. Malayo palang ay tanaw ko na na nagkukumpulan na naman sila sa labas ng corridor. Malamang na wala pa ang Prof. dahil first day of School palang. Hindi pa ako nakakalapit sakanila nang tawagin at salubungin ako ng dalawa kong kaibigan.

"Good Morning Trish" masayang bati saakin ni Janine na kaibigan kong mala Beauty Queen ang ganda. Marahil ay siya ang dahilan kung bakit nagkukumpulan na naman ang mga kaklase ko sa corridor para masilayan siya.

"Good Morning din Janine bakit nasa labas pa kayo? hindi nalang kayo sa loob baka dumating na yung Prof"

"Ano kaba Trisha, inaantay ka talaga namin dahil kailangan mong makita yung gwapong bago nating kaklase" Kinikilig na sabi ni Kathy, isa ko pang kaibigan. Tulad ko, walang wala kami kung ikukumpara ang itsura kay Janine. Kaya saaming tatlong magkakaibigan, talbog kami ni kathy sa Beauty niya.

"Ayan ka na naman Kath. alam mo, Hindi tayo bagay sa mga mala adonis ang itsura. kaya tama na yang mga gwapo na yan"

"tss. kaya walang magkagusto sayo eh. lagi mong dina down sarili mo."

"totoo naman eh. sasaktan ka lang ng mga gwapong yan. lalo na at hindi tayo kasing ganda ni Janine"

"Ano kaba Trisha, wag mong sabihin yan. pare parehas tayong maganda. Kaya  nga BFF tayo eh. Pero teka nga, bakit ganyan yang damit mo? Hindi ba yan natuyo kaya hanggang ngayon basa parin?'

"Ah eto ba? wala lang to Janine. may antipatikong manong lang na bumusina sakin kanina at tinalsikan ng putik ang damit ko."

"Tama na yan. patuyuin mo nalang yan mamaya. kailangan mo na talagang makita si Mr. Gwapo bago pa dumating si Prof"

pagkasabi ni Kathy nun, bigla nya nalang akong hinila sa braso at kinaladkad papasok ng room.

"Ayun siya oh. yung naka Earphone sa dulo. waaaaah! Ang Cool nya talaga"

Agad akong napatingin sa tinuro nya.

"SIYA? BAKIT ANDITO YANG MANONG NA YAN? SIYA. SIYA YUNG WALANG MODO KANINA SA PARADAHAN NG JEEP"

"Huh? sinong manong ang sinasabi mo Trisha? may matanda ba tayong classmate dito?"

"Hindi. Siya mismo. yung naka earphone na tinuro mo."

"Ok Class. Please settle down. I will be your Professor in English IV for the first Semester"

natigil lang ako sa pagsasalita ng dumating na ang Professor namin. Umupo na kaming tatlo sa unahan.

"Before we start the class, I'm Mrs. Lilibeth Aragon. And I want to arrange your seat alphabetically"

"What?  Maam. We're not a High Shool Student. We're already in College. No more seating arrangement"

Tutol ang mga classmate ko sa gusto ni maam. Hindi pa sila nasanay nung nasa 1st-3rd year palang kami, meron parin talagang seating arrangement.

"I want my class to be in that way. so I could easily remember all of your name."

Nagsimula na si maam mag arrange ng seat plan. Unang tinawag saaming tatlo ay si Kathy.

"Ms. Kathy Manansala. Next is Josh Marquez"

tuwang tuwa na umupo si kathy sa upuan niya dahil katabi nya daw ang kaibigan ni Mr. gwapo na sinasabi nya. tss. ang malas niya kamo. 

sunod na tinawag saamin ay si Janine.

"Kean Santiago. Right next is Ms. Janine Santillan"

Ang swerte ng katabi ni Janine sakanya at halatang tuwang tuwa naman ang Kean na yun dahil mukhang gusto nya ang kaibigan ko.

Marami pang tinawag bago matawag ang pangalan ko.

"Ms. Trisha Vergara"

umupo narin ako sa upuan ko nung matawag ang pangalan ko. Ayos. panghuli na naman ako at solo ko ang pang dulong pwesto.

"And the last is,  Mr. Andrew Villaflor."

Ang malas ko naman. akala ko solo ko na ang pwesto na to. yun pala may katabi pa ako. Sino naman kaya yung andrew na yun?

Paglingon ko sa kaliwa ko, Hindi ko inaasahan kung sino ang makakatabi ko. Hindi pwede toooo! Bakit siya pa? Ang Mayabang na Antipatikong Manong na to ay si Andrew Villaflor?

"Hi Mr. este Miss Parada!"

"Anong parada ka jan? Ikaw  manong ka. may atraso kapa sakin kanina. at hindi Ms. Parada pangalan ko. Trisha Vergara"

"Diba ikaw yung nasa paradahan ng Jeep kanina? so I'll prefer calling you miss Parada"

sabay ngisi nya saakin. Langhiya talaga tong lalaking to.

Pano na to? Mukhang hindi magiging maganda ang 4th year College Life ko! NOOoo!

Beautiful in your EyesWhere stories live. Discover now