CHAPTER 6: Meet Her

57 5 6
                                    

Nasa kwarto lang ako at nakikinig ng music sa cellphone. Since weekend ngayon, hindi ko na kailangan pang umalis ng bahay. Wala akong magawa kaya bumaba nalang ako at sinimulang linisin ang Sala. Habang nagwawalis, sinasabayan ko din ang tugtog na nag pe play sa cellphone ko. Hilig ko kasi ang pagkanta kaya hanggang sa paglilinis ay hindi ko pinalagpas. maya maya ay tumigil ang kanta at biglang nagring ito. tinignan ko kung sino yung tumatawag, si Kathy lang pala. Agad ko namang sinagot ang tawag niya.

"Hello?"

"Trisha, anong ginagawa mo? free kaba ngayon?"

"naglilinis lang ako ng bahay. bakit ka napatawag?"

"wala lang. nagyayaya kasi si Janine mag Mall. sama ka huh? sa lagi nating pinupuntahan"

"baka hindi ako makasama. tinatamad akong lumabas ngayon Kathy. kayo nalang muna ni Janine"

"Hindi pwede.  sasama ka o sasama. wala kang choice, so kailangan mong sumama. BYE"
binaba niya na ang tawag nang hindi manlang hinintay ang sagot ko. Ganun talaga yun. pag alam nyang ayaw ko, bababaan nalang ako ng tawag. edi wala akong choice kundi sumama. hayys.

Agad akong naligo at nag ayos ng sarili. Hindi na rin ako nag abalang maglagay ng make up sa mukha. After 30 minutes, natapos narin ako at napagpasyahan nang umalis. buti nalang at walang pasok ngayon kaya hindi mahirap sumakay ng Jeep. Habang tumitingin ako sa labas ng bintana, may napansin akong isang sasakyan na mabagal ang patakbo na tila sinasabayan ang takbo ng Jeep. Hindi ko maaninag ang nasa loob ng sasakyan dahil medyo tinted ang kulay nito. maya maya lang, biglang napatingin sa direksyon ko ang taong nagmamaneho ng kotse. Nung napatingin ako sa mga mata niya, hindi ko alam pero mukha siyang pamilyar saakin. Nakatingin parin ako sakanya at ganun din sya nang bigla nya nalang patakbuhin ng mabilis ang sasakyan.
Ewan ko ba pero kahawig niya si Andrew Villaflor. hmm. hayaan na nga.

Agad akong bumaba ng Jeep nang makarating na ako sa madalas naming puntahang Mall sa tuwing nagkakayayaan. Pero sila lang naman laging dalawa ang may gusto nito, napapasama lang ako. Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong nadaraanan ko. Andaming Couples naman ang nandito. Ang gaganda at gagwapo pa nila. kaya ayaw kong pumupunta ng Mall eh, tingin ko hindi ako bagay dito.
kinuha ko ang cellphone ko para itext si Kathy kung nasaan sila. sakto naman pagtingin ko, may text message na pala siya saakin.

'Dito kami sa Bench. sa tapat ng Clothing Section'

Agad kong tinungo kung saan sila naroroon. Nakita ko ang dalawang babae na may kasamang isang lalaki na kapwa nakatalikod saakin. Napalingon saakin yung isa at nakita kong si Janine iyon. Kumaway siya saakin at humarap dahilan para makita ko kung sino ang lalaking kasama nila.  Si Kean? anong ginagawa nyan dito?

"Bakit ang tagal mo? buti nalang at hindi mainipin itong si Kean." napatingin ako kay Kathy. aba, so pa especial pala itong si Kean? tss.

"Sorry naman. wala naman akong balak pumunta dito kung hindi mo lang ako pinilit. eh ano ba kasing gagawin natin dito? mas gusto ko pa sa bahay eh"

"Nagyaya kasi si Kean. gusto nya daw makasama si Janine. e ayaw naman niyang sumama kay Kean nang hindi tayo kasama. at tsaka, hayaan mo na. paparating nadin naman si Josh eh"
Nakita ko sa di kalayuan ang lalaking tinutukoy niya. nakatingin siya saamin at kumaway sa direksyon ko.

"Hi girls. late naba ako?" sabay ngiti nya ng malapad saamin.

"No dude. you're just in time. kakarating lang din ni Trisha"
si kean ang sumagot kay Josh.

"wait nga lang,  bakit andito karin Josh? ano bang meron?" takang tanong ko sakanya.

"e kasi, niyayaya ko si Kean na mag basketball kami, kaso nagyaya dito sa Mall. ewan nga diyan eh. pero ayos narin atleast makakasama kita. Hindi ko alam na andito karin pala"
Sabay kindat niya saakin. tingin ko namumula na ako dito dahil sa sinabi nya. umiwas nalang ako ng tingin sakanya.

"Okay tama na yan. namumula na si Miss Trisha dahil sa mga biro mo. kumain nalang muna tayo. gutom na ata si Janine."

"walang biro sa sinabi ko Kean.masama bang makasama si Trisha?"

"oh sige hindi na. basta kumain na tayo. ayaw kong ginugutom si Janine"
pagkasabi nya nun, bigla nalang nyang inakbayan si Janine at naglakad na. sumunod naman si Kathy na hila hila sa braso si Josh. walang nagawa si Josh kundi magpahila kay Kathy. habang nasa likod nila ako, May napansin akong matangkad na tao sa Loob ng Clothing section na tila kanina pa nakatingin saamin. pagtingin ko sakanya, nakatalikod na siya saakin. Hindi ko nalang ito pinansin at sinundan ko nalang ulit sila. Nasa loob na sila ng restaurant at buti nalang at agad kong  nakita si Josh.

"saan kaba galing at nahuli kana?" tanong saakin ni Kathy.

"wala. may nakita lang ako sa labas. kaya nahuli ako"

"o siya, kumain na tayo."

Namili na sila ng kakainin pero hinayaan ko nalang sila. wala rin naman akong pera. sa bahay nalang ako kakain para tipid.

"anong order mo Trisha?"

"wala. busog pa ako. sa bahay  nalang ako kakain Josh"

"No. My treat. kaya omorder kana ng gusto mo diyan"
nakangiti nyang sinabi saakin.
Aayaw pa sana ako nang tinitigan nya ako. Nailang ako sa ginawa nya kaya wala akong nagawa kundi umorder. Sasabihin ko na sana kung ano ang kakainin ko nang may magsalita sa gilid ko.

"Sorry I'm late"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko siya.

"Oh Andrew?  akala ko hindi ka na makakasama?" takang tanong ni Kean sakanya.

"Sorry. may isang tao lang akong sinigurado na makakapunta dito ng safe kaya natagalan ako"

"At sino naman yun ha? anyway, sino nga pala yang kasama mo?"
Agad kaming napatingin sa taong nasa likuran niya.

"She's Lorraine"
hinarap nya saamin si Lorraine at napatingin sya saakin.

"Hi guys" matamis na ngiti saamin nung babaeng tinutukoy nya.
Ang ganda niya, para siyang buhay na Manika. so siya pala yung Lorraine.

Beautiful in your EyesWhere stories live. Discover now