CHAPTER 11: Feel at Home

33 3 3
                                    

Andito kami ngayon sa gymnasium kung saan mapapanuod ang mga estudyanteng nagpapractice ng Volleyball. kakarating lang namin dito upang panuorin ang practice nila Janine. Buti nalang at medyo maaga pa kaya naman hindi gaanong puno ang bleachers. umupo nalang kami ni Kathy sa unahang row para mas malapitan namin silang makita. Mga High School palang ang naglalaro kaya naman inaantay pa namin ang paglabas nila Janine. Hindi nagtagal ay nakita na namin sila. napatingin siya sa gawi namin at nagsimulang maglakad paakyat ng bleachers. Ang ganda nya talaga. Bagay sakanya ang suot niyang pang Volleyball. fitted sando kaya naman kitang kita ang hubog ng katawan nya. Matangkad pa siya at maputi kaya naman kapansin pansin talaga siya habang papalapit saamin. paano pa kaya pag nagsimula na silang maglaro.

"Hello Besie's! kanina pa kayo dito?"

"Ang ganda mo talaga Janine. panigurado all eyes na nman sila sayo. actually kakarating lang namin ngayon"

si Kathy ang sumagot sakanya.

"Ayos lang. sakto lang naman dating nyo eh. Ilang minutes nalang. wala paba sila Kean?"

"Huh? manunuod daw ba sila?"

"oo. yun ang sabi nya saakin bago niya ako ihatid sa bahay kahapon"

Habang nag uusap silang dalawa, napansin ko naman sa entrance yung taong pinag uusapan nila kasama si Josh.

Pati pala si Josh andito. akala ko si Kean lang. Hindi parin sila napapansin nila Janine kaya naman ako na nagsabi sakanila. Agad namang nilapitan ni Kean si Janine at si Josh naman ay tumabi saakin.

Nginitian ko lang siya dahil ang awkward ng mga tingin nya saakin. Mga ilang sandali lang ay magsisimula na ang practice nila Janine kaya naman bumaba narin siya at nagpaalam saamin.

Umayos naman ako ng upo kung saan katabi ko sa kanan si Josh at sa kaliwa naman si Kathy. sa kaliwa naman niya ay si Kean. Bago magsimula, nakita ko pa si Janine na kumaway kay Kean. May something na ata sa dalawang to ah. Akala ko magsisimula na pero parang may inaantay pa sila. Maya maya, napatingin silang lahat sa entrace. Pagtingin din namin dun,  agad kong nakita si Lorraine na kasama ni Andrew. Napansin ko yung suot niya at gaya iyon ng suot nila Janine. Member din siya ng Volleyball? hindi na nakakapag taka. matangkad siya at bagay din siya sa sports na yun. Lumapit na agad si Lorraine sa coach nila at si Andrew naman ay papunta sa pwesto namin.

"Oh, bakit ngayon lang kayo?"

Tanong ni Josh matapos umupo ni Andrew sa tabi niya.

"Sinundo ko pa siya sakanila at may pinuntahan lang kami saglit"

Ilang saglit lang at nagsimula na nga ang practice nila kaya naman pansin ko ay dumarami na ang mga tao.

Tuwing nakaka score si Janine, maririnig ang hiyawan ng karamihan sa pangalan nya lalo na ng mga kalalakihan. Napatingin naman ako kay Kean at imbes na matuwa ay nakabusangot ang kanyang mukha. haha. alam ko na kung bakit. naiinis sya sa mga lalaking nag che cheer kay Janine. hirap talagang magkagusto sa maganda. Maraming makaka agaw. Napansin ko naman na tuwing si Lorraine ang makaka score, tumitingin siya sa pwesto namin kaya naman napatingin ako kay Andrew at hindi nga ako nagkamali na sakanya nakatingin si Lorraine. Hindi tulad ni Kean, si Andrew naman ay malapad na nakangiti kay Lorraine.

--

Ilang minuto nalang at mag be break na sila sa pagpa practice kaya naman napansin ko si Andrew na bumaba at lumabas ng Gym. Napatingin naman ako kay Josh na ngayon ay mukhang matamlay.

"May problema kaba Josh?"

"Wala"

"Eh bakit ang tamlay mo?"

Beautiful in your EyesWhere stories live. Discover now