CHAPTER 2.2

53 0 0
                                    

After that incident, hindi na nya ako nilapitan pero ganun paren sya. Hindi sya nagbago sakin.

Palagi nya paren akong binabati. She's just extraordinary or should I say plastic, business-minded.

Lahat naman ng bagay pinapatakbo ng pera, ng kapangyarihan. If your powerful, many people will go after you and even make friends with you.

In this aspect of life, mahirap ng humanap ng totoong kaibigan.

Some will just use you to find your weakness that can be a cause for your downfall. Sa madaling salita, mahirap magtiwala.

GRACE'S POV

"Masaya ka ba?" Oops. GRACE! Bakit mo yun tinanong. I'm out of my mind. Pero gusto lang naman malaman yung totoo. Angdami dami kayang pwedeng itanong. Oo nga ano. -.-

Bakit yun pa.

"E-Ellie!" I murmured. Tsk. Umalis tuloy. Naku ka Grace. Sige na. Lalo syang nagalit sakin.

I'm just making friends with her.

Mabait si Ellie. Haha. Angcute kasi ng Ellie from Elary. Gusto ko kasi syang maging kaibigan kasi kahit nagsusuplada yun, she also has a kind heart. Hindi ako susuko, we will become the best of friends, Ellie.

I'm Grace Nicole Lim. Half-Filipino, half-Chinese. Sa totoo lang, ayoko talagang pumasok sa school na ito. First and foremost, I hate how people interact with one another in this business. Plastic -.-

Gusto ko talagang pumasok sa school of arts. I want to be a fashion designer pero ayaw ni Papa. Wala raw yung maitutulong sa business namin which is clothing industry. Nag-expand na din kami hanggang sa Europe since andun si Mama. Si Papa ang nagmamanage ng branches namin sa Asia.

I know, kaya hindi sya pumayag dahil gusto nya akong ikulong sa kompanya namin though designing is a big help for our company's promotion. Mahirap pero kailangan.

Feeling ko nga para sa kanila masama pa yung idea ko pero hindi ko naman kayang sagutin si papa. So pumayag na lang ako kahit ayoko talaga.

Mag-aaksaya lang daw ako ng panahon doon pero yun ang gusto ko. Ayaw ba nila yun? I can use our resources to create and make my master pieces. Pangarap ko kasing mag-aral sa France at magpatayo ng sarili kong boutique doon.

But what will I do if my father insisted? Kaya nandito ako, pilit na nakikisama sa mga kaklase ko and I found someone who's very different from the other.

ELARY'S POV

Cafeteria...

Naglulunch ako mag-isa ng lumapit sakin si Antonette. Sheez!

"Oops, I'm sorry. I slipped. That's gross. hahaha" Nasaan ang manners ng babaeng to? Tinapunan nya ako ng curry sa skirt ko. Bastard! At anytime, you'll pay for this, Antonette.

Tatayo na sana ako para sigawan sya pero dumating si Grace at tinapunan nya naman si Antonette ng red tea.

"Oops, Uhmm, sorry teh? Ahh, sinasadya este, hindi ko pala sinasadya. Eww? Gross."

Nice one, alam kong sinadya talaga yun ni Grace. Antonette is even worse. Poor white blouse turned into red. Pumunta kaming locker room at pinahiram ako ni Grace ng extra skirt.

Angbilis ng karma pero mas gusto ko sanang amo na ang magconfront sa kanya. Lagi na lang kasi ako ang nakikita ng babaeng yun.

Tss, sa susunod na lang siguro. Nasa akin parin ang alas.

"Hindi mo na dapat ginawa yun. Tsk. I can handle it."

"Hmpf! Ako na nga umaway dun sa intrimitidang Antonette na yun, wala man lang akong nareceive na than--.."

"okay, thanks. Thank you Grace." Ngayon lang ako nakakilala ng tulad nya. At ngayon ko lang ulit nasabi ang salitang Thank You sa ibang tao. And then, I realized she's different from the other upon talking to her.

Akala ko katulad din sya ng iba. Katulad nya din yung taong yun. Takot na akong magkaroon ng kaibigan dahil sa bandang huli iiwanan lang din nila ako.

Nalaman kong wala syang interes sa business at mas gusto nyang pumunta sa France to pursue her dream to become a designer pero ayaw ng Papa nya. Naalala ko yung tinanong nya sakin.

"Masaya ka ba?" Napaisip ako dun sa sinabi nya dahi--

"HOY! ELLIE!! Salita ako ng salita wala naman ata akong kausap dito oh? So, friends na tayo ah. Pinky swear!" ^_________^ napatigil ako sa ginawa nya.

Pinky swear?

"Tss, isip bata."

"Bilis na. Dali dali lang oh." Dinemonstrate pa nya sakin. Alam ko yun. Alam na alam. She reminds me of someone. Someone I don't want to remember. Pero iba na ngayon.

Ibang tao sya. Iba sya sa kanya.

"Ok, ok pinky swear." For the first time I smiled again and also I found another friend.

"OMG! Ellie, you smiled? Ang ganda mo naman pala kapag nakangiti oh. Wala ng bawian ah?"

Siguro kailangan kong subukan hindi naman masama diba. Kailangan ko na din sigurong magsimula kasama ang bago kong kaibigan.

-END OF FLASHBACK-

After almost ten years, ngayon lang ulit ako nakakita ng katulad nya. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng masasabi kong tunay na kaibigan at ngayon ko ulit naramdaman ang sinasabi nilang pure hapiness. Hindi plastic, hindi fake.

Sana hindi ko na ulit maranasan yung nangyari noon.

Ayoko ng maiwan.

Ayoko ng mag-isa.

----

AHLS CHAPTER 2.2

A Heiress Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon