Nakakahilo. Swear.
Ano nga ulit nangyari? Sobrang bilis magpatakbo nitong si Darren. Naiwan yung isip ko sa parking lot. Naalog ata yung utak ko.
This is my first time to ride that damn motorbike and it almost killed me!
Narinig ko naman siyang tumawa.
"What's funny?" Inis kong sabi sa kanya.
"Haha! if you could just only see your face!"
"Shut up!" Pero patuloy pa rin sya sa nakakairita niyang ngiti.
"I warned you, and sinabi ko din sayo na magcommute ka na lang, di ka nakinig. Malay ko bang sasama ka sakin?" Sabay tawa ng nakakaloko.
"Come! Follow me." HE IS REALLY GETTING INTO MY NERVES.
Hagisan ba ako ng jacket. Do I have any choice? So, sinundan ko na lang sya.
Anderson Royale?
Ito yung place kung san kami nag-organize ng event nung high school.
I don't have any doubt, kanila ito.
Pumasok kami sa loob. Bakit nya kaya ako dinala dito? Sumakay kami ng elevator pero walang ni isa mang nagsasalita.
Neither him.
Pumasok kami sa isang room. Siguro kanya ito. I felt a little nervous.
Medyo nahihilo ako, but I can still manage.
Bigla na lang syang humarap sakin.
Palapit ng palapit. Naramdaman ko na lang ang kaliwang kamay nya sa gilid ko at nilock nya ang pinto.
"Hey, Anderson! Ano bang ginagawa mo?" Malakas kong sabi para mapagtakpan ang takot na nararamdaman ko.
Pero pokerface lang sya. Nilagay nya naman ang kanang kamay nya sa gilid ko.
I'm trapped.
"What do you think I'm doing Kim?" He said giving me chills. I have a bad feeling about this.
"Walang kahit na sino man ang nakakalabas ng condo na ito ng hindi dumadaan sakin." He smirked.
Palapit ng palapit ang mukha nya sakin at ang masama dito, himdi ako makalaban. Parang nanlambot ako bigla.
"Pfft! Hahaha kung nakikita mo lang ang itsura mo Julia! Here!" Bigla syang lumayo sakin at tumawa na parang walang bukas. Inabutan nya ako ng walis at feather duster. Yun pala yung kinuha nya sa gilid ko. Psh.
Kairita.
"Wag mo nga akong tatawaging Julia! At ano naman yan?"
"Walis? What do you think? Linisin mo condo ko. Haha"
"Dinala mo ko dito para linisin ang condo mo! Ang kapal mo naman! I'm going home."
"Ok, kung alam mo ang daan pauwi?"
"Fine! After this, iuwi mo na ako." Bakit kasi ako sumama sa lalaking ito. Hindi nga ako naglilinis sa bahay namin, sa condo pa kaya ng iba?
Tatawagin ko sana ang driver ko but unfortunately, lowbat ako. -.-
"I'll be back for a couple of minutes. Enjoy!" Pumasok na sya sa isang room. Bakit ba ako napunta dito?
Pero parang sumasama ang pakiramdam ko. I can't handle this. Nahhihilo ako. Nagawa kong kumapit sa sofa pero bigla akong nanghina. Hindi ko na kaya at biglang nagdilim ang paningin ko.
"Da-rren!" Then everything went black.
DARREN'S POV
She made my day. Haha Sobra akong pinatawa ni Julia.
Julia? Isang malaking pang-asar sa kanya since ayaw nyang itawag yun sa kanya.
Pinapunta ko sya sa condo ko para paglaruan sya tutal bored ako.
Naglalakad lang naman ako kanina sa mall ng makita ko syang kasama ng bestfriend nya. Kaya isinama ko na sya ng walang paalam.
Hanggang sa dinala ko sya sa condo ko para paglinisin.
At pinatawa nya lang ako ng sobra sa pagreact nya. Hinayaan ko na lang sya sa sala at nagshower.
Marami pa akong kailangan gawin at tapusin dito sa Pilipinas bago bumalik sa company.
At sisimulan ko yun dito.
Nagpunta akong kitchen pagkatapos magshower dahil bigla akong nagutom.
"Julia!" Shit! What happen to her.
"Julia! Julia Kim! wake up!" Nakita ko na lang syang nakahiga sa sala. She look pale. Binuhat ko sya sa at inihiga sa sofa. Tsk.
Ano bang nangyari sa kanya?
Dapat may gawin ako..
ELARY'S POV
Nasaan ba ako? Ughh. My head hurts. Tsk. Ano bang nangyari?
Aray, ang sakit ng tiyan ko. Oo nga pala.
Hindi pa ako kumakain. Pagtingin ko sa orasan, past three na. Hindi nga pala ako nagbreakfast dahil maagang pumunta kanina si Grace sa bahay.
At nung kakain na kami sa mall kanina, bigla na lang akong hinila ni Darren dito sa condo nya.
"Wag ka ng tumayo pwede ba?" Yung nagdala sakin sa sitwasyong ito, papalapit sakin. -.-
"Ano bang paki-"
"Hindi ka pa siguro kumakain. Here. Ubusin mo yan ah." He said showing his concern. Siguro konti lang.
"Tha-thanks."
"Ok ka na ba? Finish your food, ihahatid na kita sa inyo."
"Ikaw ba nagluto nito?" Honestly?
"Aish! Tama na nga. Kainin mo na lang yan. Kunin ko yan!"
"Wag. Oo na kakain na nga. Thanks." Then I give him a smile.
"Welcome. Sorry for dragging you here." Tumayo sya at bumalik na sa kusina.
"Hmm? May itinatago rin pa lang syang bait. Teka, baka may lason ito ah?"
"Walang lason yan, trust me!" Sigaw nya mula sa kusina.
Narinig nya ba ako?
-----
AHLS CHAPTER 8

BINABASA MO ANG
A Heiress Love Story
Teen FictionShe never care about the word love. She never know how to deal with people. She just care about herself. Elary Julia Kim, a heiress. She almost have it all but for her, there is still something missing. She grew up with no parents on her side, just...